"Kaya ko na 'to. Sge bye na. Salamat Blake." Kumaway ako kay Blake. Sinundan ko nang tingin ang sasakyan niya palayo sa akin.
Naglakad na ako patungo sa bago kong room. Ilang linggo narin ang nakalipas nang magsimula ang klase pero parang kahapon lang nung magkakasama kami nila Sandy.
May mga kaibigan naman ako kaso iba parin kung sila Sandy ang kasama ko. Tsaka nasa ibang campus narin si Blake. Buti pa siya at college na.
Nang makapasok ako sa room namin ay Sinalubong kaagad ako ng bago kong kaklase si Nina. Maganda siya at mabait kaso marami siyang digyawat. Hindi sa hinuhusgahan ko siya kundi dahil iyon lagi ang naririnig ko sa mga kaklase namin. Iyong iba nga pinalalayo ako sa kanya dahil baka mahawa daw ako.
"Yesha....p-pwedi bang tayo ulit magkatabi?" Inayos niya ang malaking salamin niya sa mata.
Ngumiti ako sa kanya. Napatingin ako sa mga kaklase ko na masama ang tingin sa akin. Siguradong binubully na naman nila si Nina. Simula nung lumipat si Nina dit ay di' na siya tinatantanan ng mga kaklase ko,e.
"Sempre naman."
Ayaw kong pati ako ay husgahan siya dahil walang ibang may gustong kumaibigan sa kanya. Sa tingin ko naman ay makakpagkatiwalaan siya.
Nagsimula na ang klase at aaminin kong nahihirapan na ako sa mga subjects namin. Halos di ko na maintindihan iyong mga iba pero buti nalang at maasahan ko si Nina at sinasabi at pinapaliwanag niya sa akin 'yung mga ibang di ko maintindihan.
Sabay narin kaming kumakain kapag lunch. Kawawa naman siya kapag mag-isa niya lang. Tsaka pinapakopya niya rin ako ng mga notes na hindi ko naisusulat.
"Thank you Yesha kasi naging mabait ka sa akin. Di' ka katulad ng mga kaklase natin." Ngumiti siya sa akin at sinuklian ko naman iyon.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Text galing kay Emmanuel.
Emmanuel:
Nasa labas na ako.
"Uhmmm..sge Nina. Mauuna na ako,ha," paalam ko sa kanya.
"Huh? An'dyan na ba sundo mo?" Tumingin siya sa paligid.
"Ahh...oo. an'dun na." Turo ko sa kung anong direksyon. "Sge bye!"
Habang naglalakad patungo kung nasaan si Emmanuel ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa di' malamang kadahilanan. Dapat nga excited ako ngayon dahil napag-usapan namin ni Emmanuel na ipakikilala na niya ako sa mommy at daddy niya. Kaya sinusundo niya rin ako ngayon.
Di' ko nga alam kung dapat ba akong matuwa o ano dahil ngayon ko lang makikita at makikilala ang parents niya. Nakakahiya na kaagad ako.
Nasulyapan ko ang sasakyan niya na menamaneho ni kuya Jeff. Nakahinga tuloy ako ng maluwag dahil alam kong kasama namin si kuya Jeff. Para naman mabawasan ang pagkailang ko minsan kapag kami lang dalawa ni Emmanuel.
Di' pa ako masyadong nakakalapit sa sasakyan ay biglang bumukas ang pinto sa front seat at sinalubong ako ng naka basketball cup at naka hoodie na si Emmanuel.
Ipinulupot niya kaagad ang kamay niya sa bewang ko at nakaramdam ako ng pagpula ng pisngi ko. Inihatid niya ako hanggang sa makaupo ako sa sasakyan bago siya sumunod.
Bumuntong hininga siya nang makaupo siya at tinanggal ang kanyang cup.
"Pagad ka? Nag taping ba kayo kanina?" Sa mga araw na lumipas ay may bagong project na naman sila kasama si Cian. Nasasanay na ako na lagi silang magkasama sa trabaho kaya nakakaramdam ako ng pagseselos pero dahil sa laging pag text,tawag at sundo sa akin ni Emmanuel ay napapanatag ako.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...