|7|>Autograph

5 2 0
                                    

"Dito ko po ba ito ilalagay?" tanong ko kay mommy habang hawak ang dalawang plato.

Tumingin sa banda ko si mommy.
"Yes,honey. Pero okay lang na ako na dito. An'dito naman sila manang Sara at manang Vanessa para tulungan ako.Mag-ayos ka na doon at baka parating na sila,"utos ni mommy kaya iyon ang ginagawa ko.

Umakyat ako sa taas para maligo at makapagbihis dahil darating ang mga kamag-anak namin kasama ang mga pinsan ko para sa isang advance celebration ng birthday ng Lola namin—mommy ni Daddy.

Nagsuot lang ako ng isang plain white t-shirt at nag jogging pants dahil iyon ang sabi ni mommy na dapat ay simple lang dahil iyon ang gusto ni Lola,Lola is from province kasi and she loves being simple. I saw Lola how many times and I can say that she really have a very good looking. She's one of the beauty queens in their place anyway when they are in teenage year.

Every year ay dito nagce-celebrate ng advance celebration si Lola dahil sa request ni Daddy na nag-iisang lalaki'ng anak kaya napagbibigyan and gusto niya kasi ay pinagdiriwang ang kanyang exact birthday niya sa province with her friends kasi that's makes her happy. Feeling din daw kasi niya ay ang bata-bata niya kapag sa probinsya nag-c-celebrate ng birthday. Siguro ay dahil nakikita niyang mas mukhang matatanda ang mga kaibigan niyang mahilig magsupot ng pagkain kapag may handaan.

Bumaba na ako nang marinig ko ang sasakyan nila Lola sa labas. Tinali ko nalang ang buhok ko ng ponytail para maayos at mas simpleng tignan. Minsan minsan lang kasi ako nag-po-ponytail at laging nakalugay ang mahaba at straight kong buhok.

"Hi Lola!" bati ko kay Lola at niyakap ko kaagad.

"Hello apo, miss you," aniya at hinalikan ang tuktuk ng ulo ko bago kumawala sa pagkakayakap niya.

"Hi auntie....," bati ko rin sa mga Tita ko na sila tita Tess at tita Lysley-mga Kapatid ni Daddy.. "Hi Evan,Sheila and Shane." Ngumiti rin ako sa kanilang tatlo. Sila Evan at Sheila ay anak ni Tita Tess at si Shane naman ay si Tita Lysley.

Mabait si Tita Tess,siya iyog nag-alaga sa akin noong bata palang ako kapag sobrang busy ni mommy sa work. Kalaro ko rin noon sila Evan at Sheila kaya hindi ako na bored noon,mabait sila sa akin at close na close na kami. Pero si Tita Lysley naman....kung gaano siya kabait ganun naman ang kabaliktaran sa kanyang anak na si Shane. Maldita siya oo pero naiintindihan ko naman siya kasi siguro may pinagdadaanan siya dahil sa tatay niya o di kaya ay ayaw niya talaga sa'kin kasi ako lagi iyong pinapansin ni Lola kahit na magkapareho kaming nag-iisang anak.

Hindi ko naman siya masisisi kasi nahihiya rin ako kapag palagi akong pinupuri ni Lola at pinagkakaiba pa niya kami minsan.

"Kain na po tayo...," alok ni mommy nang dumating na si daddy galing sa trabaho. Hapon na kaya half day lang si daddy ngayon.

Bumati muna ako kay daddy bago umupo at sinimulan nang kumain. Minsan lang kasi kami magkakasama dahil magkalayo-layo ng lugar pero pwedi naman kaming bumisita kaso nga'lang busy parents ko kaya hindi rin kami makapunta.  Natatakot naman akong mag-isa.

"Ano nga palang kukunin mong kurso sa koliheyo apo?" tanong ni Lola sa akin.

Nag-angat ako ng tingin at medyo naasiwa dahil sa akin nakatuon ang mga mata nilang lahat. "Hindi pa'po ako sigurado pero po baka make-up artist." Ngumiti ako ng pilit dahil sa kinakabahan akong baka hindi nila ikatuwa iyon Lalo na't narinig ko ang mahinang pagtawa ni Shane na halatang nang-iinis pero hindi ko nalang pinansin.

Panay kasi sa business ang pamilya kaya kinakabahan ako. Natatakot din dahil baka hindi nila ako supurtahan sa gusto ko. Simula kasi nung bata ako ay gustong gusto ko na ang mag-make-up. May mga laruan akong mini-make-up'an at lagi rin akong nanunuod ng mga inaayusan. Feeling ko kasi ako iyong nagbibigay ng kulay sa mga mukha nilang lanta. Char. Sempre feeling ko nagbibigay ako lalo ng kagandahan sa mga mukha nila.

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon