"Blake,saan ba kasi tayo pupunta?" Iritadong tanong ko sa kanya.
Kanina pa kami naglalakad dito sa gilid ng kalsada.
"Malapit na.Wait ka lang,"aniya nang patuloy sa paglalakad. Napatingin rin ako kila Sandy at Azie sa likod nang marinig ko ang pagsinghapan nila. Halatang pagod narin.
Ewan ko ba kay Blake kung saan niya kami dadalhin. Basta sabi niya may ipapakita daw siya sa amin at matutuwa daw kami kapag nakita namin. Half day lang kami ngayon kaya ayos lang na mag-gala kami kaso ang mag-gala ng naglalakad ay nakaka-shit. Napaka-init ba naman.
Tumigil ako dahil sa di' na kinaya nang mga paa ko ang hirap sa paglalakad. Sino ba naman ang hindi mapapagod sa paglalakad na sobrang tirik ng araw?!
Napaupo narin ako sa gilid. "Di'ko na talaga kaya." Iling ko. Napatigil narin sila Azie at Sandy pero nakatayo lang sila.
Huminto at humarap sa amin si Blake. "Ano ba,malapit na tayo. Tara na!" aya ulit niya.
Tinignan ko siya ng masama. "E,kung ikaw nalang kaya pumunta!?" Medyo malakas na sabi ko dahil sa inis at pagod. Hyper na hyper pa siya. Akala mo hindi napapagod.
"E,gusto kong makita mo rin,e!" sigaw niya at pumamewang. Para siyang nanay na nagagalit sa kanyang anak dahil sa kakulitan.
"Kayo nalang," mungkahi ko na agad niyang kinailing.
"Hindi pwedi." Matigas na sabi niya. "Kailangang kasama ka," deklara niya. Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay para sakin pero hindi ko iyon inabot.
Pagod na talaga ako.
"Ang kulit mo naman kasi,Blake." Iritadong sambit ni Azie at napakamot pa ng ulo. "Pagod na si Yesha. Tayo nalang nila Sandy." Sumang-ayon ako sa kanya.
"Hindi pwedi." Ulit ni Blake na ngayon ay seryoso na. Mas lumapit siya sa'kin at umupong nakatalikod sa harapan ko tsaka tinapik ang balikat niya.
Hindi ako gumalaw. Tumingin ako kila Sandy na nakatingin sa amin. Magtatanong sana ako kung anong gustong mangyari ni Blake pero mukhang di' rin nila alam. Kunot noo kong kinuamot ang likod niya
"Anong ginagawa mo?" Lumingon siya sa akin.
"Kinakamot ang likod mo?" Patanong na sagot ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Sandy pero itinago niya iyon nang sulyapan ko siya. Alam kong hindi pa siya okay pero kinakaya niya. Alam kong nasasaktan parin siya pero he'to parin siya.....kasama namin.
Bumaling ako kay Blake na hindi parin maintindihan. Bakit? Hindi ba iyon ang pinapagawa niya? Tinapik niya ang likod niya diba?
"Tsk." Umirap siya. Nanlaki ang mata ko nang hablutin niya yung magkabilang kamay ko at inilagay sa balikad niya. "Kumapit ka," aniya na siyang ginawa ko dahil sa gulat. Nakuha ko rin ang gusto niyang mangyari nang tumayo siyang pasan-pasan ako. Sinusupurtahan niya ako gamit ang kamay niyang naka hawak sa mga binti ko.
"Blake, mabigat ako." Nahihiyang sabi ko nang magsimula na siyang maglakad.
"Walang mabigat basta ikaw."
Pasan-pasan niya ako hanggang sa makarating kami sa isang coffeeshop.
"Baba mo na ako," utos ko.
"Kala ko gustung-gusto mong nasa likod ko,"sabi nang hindi parin ako binababa.
"Oyyy...,Blake," reklamo ka kaagad nang itulak niya ang pintuan ng coffeeshop nang walang kahirap-hirap at pumasok na pasan-pasan parin ako! Nahiya kaagad ako nang pagtinginan kami ng mga tao. "Blake,ibaba mo ako!" Iritadong sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Wala ring imik sila Azie at Sandy na mukhang may pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...