|17>|Ligaw ligawan

6 2 0
                                    

"Paki permahan nalang po dito ma'am," aniya delivery boy at iniabot sa akin ang isang papel na pagpipirmahan ko. Ibinalik ko rin iyon pagkatapos.

"Thank you po kuya," sabi ko bago siya umalis. Hawak hawak ko ang isang bouquet ng pink roses papasok ng bahay.

Napatingin ako sa vase naming may sariwa pang mga bulaklak. Saan ko kaya ito ilalagay? Araw-araw nalang kasing nagpapadala si Emmanuel ng bulaklak dito sa bahay. Tatlong araw na itong ganito. Sunod-sunod ang pagpapadala niya simula noong pumayag akong ligawan niya ako.

Oo,puamyag akong ligawan niya ako dahil sa humihingi siya ng pagkakataon sa akin. Nahihiya akong tanggihan siya pero alam ko sa sarili ko manghihinayang ako kapag tumanggi ako. Nagpaalam 'din siya kay mommy at daddy. Pumayag si mommy pero si daddy....mukhang ayaw pa kaso pinilit siya ni mommy.

Pagkatapos ng pagpaalam niya sa akin ay invite siya ni mommy ng dinner sa bahay bago siya umalis. Kinagabihan ay tinawagan naman niya ako para kumustahin. Tapos kinaumagahan noon ay nag date kami, first date namin. Pero sa mga sumunod na araw ay naging busy na siya.

Kasi dahil sa film niya kaya busy. Pati nga pagbisita niya dito ay di' niya maisingit sa schedule niya kaya nagpapadala nalang siya ng nga bulaklak para makabawi.

Napatingin ako sa cellphone ko nang magring iyon. Sinagot ko kaagad nang makita na si Emmanuel ang tumatawag.

"Hello?" sagot ko.

"Hi,natanggap mo ba?" aniya sa malambing na boses.

"Yes,ang gaganda. Pero di mo naman kailangan na padalahan ako araw-araw. Puna na ang vase namin." Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi nahihiya ako. Alam kong mahal ang mga bulaklak na pinapadala niya.

"Tsk. Basta para sayo...,"Aniya na napangiti ako. "Tsanga'pala,may gagawin kaba?" tanong niya. Napaisip ako kung may schedule ako ngayon na gagawin. Wala naman. Malapit na ang graduation kaya wala nang masyadong gagawin pero may mga subjects parin na kailanganing habulin.

"Wala naman."

"Nagkita tayo sa V-coffee," aniya. "Sge,bye. I need to go ...." Napangiti ako. Magkikita kami? Sa V-coffee? Second date?

Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at naligo. Nag-ayos na ako pagkatapos. Nag suot ako ng pink long sleeve shirt and pair with dim mom jeans. Dinala ko rin ang isang shoulder bag ko na saktong sakto sa suot ko.

Nagpahatid nalang ako sa V-coffee dahil di' ko iyon alam kung saan. First time kong makakapunta doon. Medyo malayo ang byahe kaya naiinip na ako. Nag text narin si Emmanuel na an'dun na siya at hinihintay niya ako. Nang makarating kami ay napaanga ako sa nakita ko. Maganda ang V-coffee pero mas nakuha ng atensyon ko ang paskil ni Emmanuel sa gilid ne'to. Siya pala ang model dito sa kape na'to. Ibig sabihin sikat 'to.

Kulay dark black and brown ang kulay ng cafè. Glass wall ito kaya kitang kita ang mga nasa loob,kaunti lang ang tao pero mukhang may kaya. Pumasok ako sa loob at pinagbuksan ako ng gaurd,nakita ko kaagad so Emmanuel sa gilid na nakaupo at tinitignan lang ako. Lumapit ako sa pwesto niya at kaagad siyang tumayo para paglahatid ako ng upuan.

"Thank you," sabi ko nang makaupo. Maganda ang loob ng V-coffee. Masyadong lantad na panay may kaya ang an'dito. Iyong mga design,'yung table set,'yung counter,'yung walls,'yung chandelier,at 'yung mga utensils! Parang bawal hawakan.

"Ayos ka lang?" Napabaling ako kay Emmanuel nang magsalita siya.

"Ah? Oo. Nakakahiya naman dito." Naiilang na sabi ko.

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon