|15|>Hindi lang ikaw

7 2 0
                                    

Kaagad akong pumunta sa coffeeshop ni Blake dahil naroroon siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung anong unang sasabihin ko dahil gulong-gulo ang utak ko.

Kahit na gabi na ay gusto kong maayos 'to ngayon. Kung hindi man ito maaayos ngayon basta makausap ko lang si Blake ngayon. Gusto kong maliwanagan.

Nang mahawakan ko ang busol ng pintuan ng coffeeshop niya ay parang hindi ko kayang marinig lahat ng sasabihin niya kung mag i-explain man siya sa'akin. Pero...iniisip ko rin si Azie. Iniwan ko siyang nasasaktan. Iniwan ko siyang nakikiusap. Iniwan ko siya mag-isa.

"Yesha..." Nagulat siya nang makita niya akong pumasok. Nakaupo siya sa isang table at mag-isa. May mga papeles sa lamesa niya na sa palagay ko'y para sa coffeeshop niya.

Pinilit kong ngumiti bago lumapit sa kanya. Hindi ako nag-abalang umupo,tumayo lang ako sa tapat niya.

"Pwedi ba tayong mag-usap,Blake?" Kailangan ko paring dahan-dahanin dahil ayaw ko rin na masaktan siya.

Tumango siya. Ngumiti rin siya pero nawala rin yun nang hindi ko iyon sinuklian.

"Gusto ko sagutin mo ako ng totoo. Yung totoo lang." Mahinahong sabi ko.

"S-sge...," Aniya.

"Nag-aaway ba kayo ni Azie?"

Natigilan siya bahagya pero agad ding nakabawi. "Hindi." Pagsisinungaling niya.

"Blake,yung totoo." Mariing Sabi ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko dahil sa pagsisinungaling niya.

"O-oo." Bulong niya.

"Bakit?"

"Misunderstanding lang ,Yesha..." Aniya at sinubukang lumapit sa'akin pero tumigil din siya. "Sorry..."

"Hindi ka dapat sa'akin nag-so-sorry,Blake....sa kanya dapat. Nakita mo na ba siya?" Alam ba niya Ang kalagayan ni Azie ngayon?

"Nag-usap na kami," aniya at nag-iwas ng tingin.

"Wag mo akong lukuhin,Blake. Pinuntahan ko siya kanina." Tumingin siya sa'akin at kita ko ang pag-iiba ng ekspresyon niya. "G-gusto mo ba ako?" Diretsong tanong ko. Hindi siya nagsalita. Tinignan niya lang ako na para bang alam ko na ang sagot sa katanungan ko.

"Gusto mo ba ako!?" sigaw ko. Kahit na alam ko na ang sagot ay gusto ko paring marinig mula sa kanya dahil baka hindi totoo. Dahil baka....hindi naman Ako.

Wala nang ibang tao dito dahil gabi na kaya nagagawa ko siyang sigawan. Sobrang bigat na kasi ng pakiramdam nang makita ang kaibigan ko na nasasaktan.

"Yesha..."

"Blake,gusto ko sagutin mo ako ng totoo."  Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Oo,Yesha...matagal na." Napangiti ako ng mapait. Naramdaman ko kaagad ang panggigilid ng mga luha sa mata.

Kaya pala. Kaya pala iba ang pakikitungo niya sa'akin kesa kila Azie at Sandy. Bakit hindi ko ba 'to naisip noon? Bakit hindi ko napansin?

Yung nararamdaman ko kaninang kausap ko si Azie,ganito rin pero ito...mas masakit. Mas nakakapanlumo,mas nakakapanghina.

"Pero bakit?Magkaibigan tayo diba? Blake! Bakit?!" Paulit-ulit na sigaw ko dahil gusto kong marinig ang paliwanag niya. Gusto kong gumaan naman ang loob ko.

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon