|26|>sana

7 2 0
                                    

"Mommy,kailangan po bang magdala ng maraming damit?" Tanong ko kay mommy.

Itinupi ko ulit ang isang damit ko bago inilagay sa bag.

"Di' naman honey,but di' kasi natin sure kung hanggang kailan tayo doon," sagot niya tsaka lumapit sa akin para tulungan ako sa pagtutupi ng damit kong dadalhin namin sa probinsya.

Pupunta kasi kami ngayon sa probinsya para kamustahin at bantayan si Tita tess. Alam narin nila Evan at Sheila ang tungkol sa mommy nila kaya sila ang susundo sa amin ngayon at para naman masamahan namin sila. Wala pa kasi si Tito—ang daddy nila dahil uuwi palang ito galing sa ibang Bansa ito nag-tra-trabaho.

"Hey," rinig ko ang pagbukas ni Daddy sa pinto ng aking kwarto. Parehas kami ni mommy na napatingin doon. Ngumiti siya sa amin nang makita kaming nakahanda na. "Let's go?"

Tumango si mommy bago umalis si daddy para maihanda na niya ang ibang pasalubong namin kila Evan.

Tumingin sa akin si mommy. "Sunod ka okay?"

Tumango ako.

Umalis na siya nang dala dala ang aking isang bag para hindi ko na iyon madala at mabigatan.

In-ziper ko na ang bag ko at aalis na sana nang marinig kong nag vibrate ang aking cellphone kaya tinignan ko muna kung sino iyon.

Nakita kong may isang message galing kay Emmanuel.

Emmanuel:

Asan ka? Magkita tayo sa pinag-t-tapping'an namin. Urgent 'to. I'll see you babe.

Napakagat ako ng ibabang labi ko dahil sa di' ko alam kung paano ako tatanggi sa kanya. Ngayon lang a'ta kasi nagkataon na may importante kaming pupuntahan ay sumabay pa siya.

Gusto kong itext sa kanya na may importante kaming pupuntahan pero sabi niya ay 'urgent' daw kaya nagdadalawang isip ako. Baka kailangan niya rin ako. Baka...may problema siya?

Napabuntong hininga ako at kaagad na lumabas ng bahay. Paglabas ko ay sakto namang dumating sila Evan at Sheila para masundo na kami.

Ngumiti ako sa kanila ng alanganin. Ngumiti naman sila pabalik pero kita ko parin ang lungkot sa mga mata nila. Halata rin na umiyak sila ng matagal.

"Hmm...mom,dad," tawag ko kila mommy at daddy. Lumapit ako sa kanila. "P-pwedi po bang..." Napayuko ako. "...s-susunod nalang ako?"

"Bakit?" Seryosong ani dad.

"K-kasi p-po...si Emmanuel, kailangan niya ako." Nakayuko parin ako. Nag-aantay sa hindi nila pagpayag sa akin dahil alam ko namang mas importante ang pupuntahan namin pero nagbabakasakali parin ako.

"Yesha,alam mo naman na importante ang pupunta—"

"Suussh...hon," napatigil si Daddy sa pagsasalita sa pagpigil ni mommy sa kanya. "Sige hija. Basta sumunod ka kaagad okay?" Tumingin ako sa kanila at tumango. "Your Tita Tess needs us."

Kaagad ko silang binigyan ng mahigpit na yakap. "Thank you."

Pumunta ako sa kwarto ko kahit na di' pa sila aalis para makapaghanda naman ako bago umalis at kitain si Emmanuel.

Pinalitan ko ang damit ko ng straight jeans partner with yellow shirt draped bow neckline. Sinuot ko din ang ibinigay ni Emmanuel na bracelet bago bumaba sa kusina para kumuha muna ng maiinom dahil nauuhaw ako.

Nagualat ako nang makita ko si Evan sa kusina at busy sa pagkain ng ice cream na cookies and cream ang flavor.

"Hi?" Patanong na bati ko. "Bakit ka andito?" Lumapit ako sa may ref at kumuha ng malimig na tubig.

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon