"Congrats Yesha! I'm so bery bery proud of u!" Madrama akong niyakap ni Blake na para bang siya ang ama ko at kunwari naluluha pa kuno.
Tinanggap ko nalang ang bigay niyang yakap para pagpapasalamat na din sa kanya dahil nakapunta siya ngayon sa graduation day ko!
Sa wakas!
Pwedi na akong nagsimula ng trabaho pero bago iyon ay sempre break muna,kailangan kong I-libre ng peace of mind ang aking sarili. Nakakapagod din kayang mag-aral at mag-aral pero sobrang worth it lahat.
All those challenges that I overcome in my journey, they're just nothing. My new chapter of my journey of being a independent is still on process. Sa lahat ng pinagdadaanan ko,masyado pang maraming dapat kong harapin.
Hindi nakarating sila mommy at daddy dahil nag out of town sila para sa anniversary sila. Nakakatuwa kasi kahit na ganu'on na sila katanda napaka sweet parin nila. Buti nalang at may pupuntahan ako sa susunod na linggo kaya napapayag nila ako. Gusto ko kasi na sila parin ang kasama ko ngayon kaso ayun nga,pero ayos na yun. Andito naman palagi si Blake.
"Dapat kapag naging make-up artist kana ako lang ang ma-make-up'an mo,ah?" sabi niya kaagad. Hindi pa nga sigurado kung makakapasa kaagad ako,e. Tsaka sawa na ako sa pagmumukha niya.
"Oo na. Basta double ang bayad."
"Ang wais mo naman. Kaya siguro hindi ka nag kakaroon ng true loves."
Nagpagpasyahan naming kumain nalang sa isang restaurant malapit sa condo para makapag-impake na din kami kasi aalis na kami sa susunod na araw para pumunta sa Dalampasigan.
Nagpagpasyahan naming mag condo ni Blake noong nasa second year college na kami dahil masyadong maraming gawaing schoolworks. Tsaka magkatabi lang kami ni Blake kaya ayos lang kina mommy at daddy.
"Libre mo'to,ah," aniya habang sarap na sarap sa kinakaing carbonara.
"Oo na."
Sa sobrang tagal na naming magkasama,napaka buraot parin niya. Nasa simpleng restaurant lang kami pero yung mga tinginan ng mga tao sa amin ay nakakailang. Sa pagtingin nila hindi ko alam kung hinuhusgahan ba nila kami o ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa mga isip nila.
"Wag mo silang pansinin. Nakatingin sila sa'atin dahil sa akin."
Nagpatuloy ako sa pagkain ng order kong salad para mabilis kaming makaalis. Hindi para iwasan ang mga tao dito o kaya dahil sa pagkairita pero dahil sa nahihiya ako sa kanila.
"Ahh...sasama kaba talaga sa Dalampasigan?" Kunot na tanong ko kay Blake. Um-oo siya noong una pero sa itsura niya parang hindi siya excited.
"Oo naman! Sempre andun si Az—azhshdks. Sarap ng salad,ah." Pag-iiwas niya.
May tinatago ba Ito sa akin?
"Carbonara yang sayo hindi salad." Pagtatama ko a kanya.
Sigurado akong may tinatago siya pero hindi ko nalang siya papakealaman dahil mukhang ayaw niya ring iShare sa akin.
Sa mga sumunod na araw way panay pag-aayos lang ng gamit ang inatupag ko para masiguro na wala akong ibang nakalimutan. Ayaw kong may nakalimutan ako kapag may ganito akong pupuntahan tsaka bakasyon iyon dapat hindi ko in-stress ang sarili ko.
Chini-check ko din lahat para naman mas lalong sigurado. Ganun dapat kasigurado para naman sigurado, right?
Ngayon,pupunta ako sa mall para bumili ng pabango ko dahil naubos na yung favorite ko. Iisang pabango lang kasi ang gusto, jam seduce.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...