"CONGRATULATIONS!" Sabay sabay naming sigaw habang nakaakbay sa isa't-isa at hawak namin ang aming mga toga dito sa garden. Yes! This is it! Isang taon nalang, college na kami.Masaya kong nginitian ang mga kasama ko bago kami naghiwalay-hiwalay para pumunta sa mga magulang namin. Mas lumawak ang ngiti ko nang makita sila mommy at daddy na nag-aabang sa akin.
Tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap silang dalawa.
"I'm so proud of you sweetie," si mommy at hinalikan ang tuktuk ng ulo ko.
"Thanks mom,thanks dad." Ngumiti ako at bitaw sa pagkakayakap.
"Ang ganda mo,anak," ani ni Daddy na siyang ikinakilig ko. Alam ko namang maganda ako,e. Char. Sempre iba parin kapag si daddy ang nag compliment sa akin.
"Mana sayo,e."
Nagkaroon muna kami ng time para sa mga kaklase namin para mag picture picture. Para rin maka-usap pa namin iyong mga seniors namin. Aalis na sila sa campus. Kaagad kong tinawag si Sandy para puntahan sila Azie at Blake. Buti pa sila,mag college na.
"Blake!" Tawag ko kay Blake nang makita namin siyang kasama ng mga kaibigan niya. Dahil sa sobrang saya ay kaagad ko siyang niyakap. Binuhat naman niya ako bahagya bago yumakap pabalik. "Congratulations!"
"Salamat," aniya at bumitaw sa pagkakayakap. Ang gwapo niya ngayon. Mas lalong nakita iyong hubog ng katawan niya at maamo niyang mukha.
"Congratulations!" bati din ni Sandy.
"Salamat."
"Si Azie?" tanong ko.
"Oy! Kanina ko pa kayo hinahanap! Tara picture tayo." Kaagad kaming lumingon Kay Azie. May hawak hawak siyang camera. Ngiting-ngiti siya. Para siya iyong dati,iyong dating parang walang nangyaring aminan. Iyog dating hindi siya nasaktan.
"Sge!" Ayaw kong sirain ang araw na'to. Araw nila 'to. Last na nila dito sa campus kaya masaya ako sa kanila dahil magpapatuloy na sila sa panibagong hakbang patungo sa pangarap nila.
Ngayon,kami iyong dati. Iyong walang nasaktan. Iyong walang naiwan. Iyong walang problema. Kami iyong dati ngayon.
Sa kaliwa sila Sandy at Azie. Kami naman ni Blake sa kanan. Bale,nasa gitna sila Azie at Blake. Umakbay kami sa isa't-isa at ngumiti sa camera na hawak ng isang completer din na pinasuyo ni Sandy.
"1...2..3.." bilang nito kaya ngumiti kami ng malawak.
"Yeah! Congrats Azie, congrats Blake!" Niyakap sila ni Sandy at sumunod naman ako. Naiiyak pa ako dahil sa aalis na sila g dalawa dito. Kami nalang ni Sandy. Ako nalang pala dahil aalis na din si Sandy.
"Oy,walang iiyak ah?" sabi kaagad ni Azie kaya napatawa kami.
"Oo na." Inis na sabi ko.
"Ah...Yesha..." Napatigil kami nang may tumawag sa pangalan ko.
Tumingin ako sa isang kaklase a'ta ni Blake o ka batch niya.
"Ano 'yun?" tanong ko. Natahimik din sila Azie,Sandy at Blake,nakatingin sa amin.
"U-h-hmm...m-may gusto sana akong sabihin." He cleared his throat. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang ang sasabihin niya. "G- graduation na at aalis na ako dito sa campus." Ngumiti siya. "Sa tingin ko magandang opportunity ito para u-umamin." Huminga siya ng malalim. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya. Napatingin ako sa likod ko kung nasaan ang mga kaibigan ko pero tahimik lang din sila.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...