Special Chapter [Blake's POV]

5 2 0
                                    

Sabi nila ang magkaibigan dapat laging nagdadamayan.

Ang magkaibigan ay hindi naghihiwalay.

Ang magkaibigan ang sandigan ng bawat isa.

Pero....

Paano kung iyong kaibigan na iyon ay na-i-bigan ko?

Paano kung hindi lang hanggang kaibigan iyon?

Paano kung iyong kaibigan ko na iyon ay mahal ko na?

Mali ba ito? Dapat bang itigil ito?

Pero hindi naman lahat kailangang itigil. Hindi naman lahat mali. Minsan kailangan mo lang tanggapin para maging kaibigan mo parin

****

Ang ganda...para siyang anghel. Napakaamo talaga ng mukha ni Yesha. Hindi ka magsasawang tignan dahil napakaganda talaga niya.

"Psst....ano na namang ginagawa mo?" Pabulong na sigaw ni Azie sa akin kaya tinignan ko siya ng nakanguso.

Nasa bahay kami ngayon nila Yesha sa may garden dahil sa gusto naming pumunta dito. Pero habang naglalaro kami kanina ay nakatulog si Yesha.

"Ang cute niya kasi..." Inosenteng sabi ko pero inirapan niya lang ako.

"Hiiii!" Napatingin kami ni Azie sa tumatakbong si Sandy na palapit sa amin. May hawak-hawak siyang tablet.

"Hmmm..." Napatingin naman ako kay Yesha nang magising siya. Ngumiti siya nang makita ako. Sabi na talaga na ako ang nagpapangiti sa kanya. Makakita ba naman ng gwapo.

"Ano yan?" Tanong ni Azie kay Sandy nang may ipinapakita sa tablet niya .

"Commercial ng favorite kong drink,"aniya tsaka Ipinakita sa amin.

Isa iyong batang umiinom ng juice.

"Ang gwapo naman n'yan..." Komento ni Yesha. "P-pero wala naman akong pake...." Dagdag niya.

"Sino ba yan?" tanong ko.

"Si Emmanuel Esgeurra. Kasing edad niyo pero kita mo ang gwapo gwapo," aniya sa mayabang na tuno.

"Sus...maniwala ka. Ako ngang gwapo an'dito lang sa tabi niyo makikita." Kumindat ako.

Naging masaya ang pagiging kaibigan namin. Simula junior hanggang ngayon.

Lagi kaming magkakasama at laging nagkwekwento kahit na naglulukuhan. Kahit nag-iisa lang akong lalaki sa circle namin ay masaya naman ako hanggang sa may mapansin ako sa sarili ko.

May nagustuhan akong Isa sa kanila. Siguro simula palang noong bata kami crush ko na siya may gusto na ako sa kaya pero ngayon ko lang inamin sa sarili ko at wala akong balak aminin sa kanya dahil alam kong maraming mawawala at magbabago.


Kagaya ng pagiging close namin tsaka baka hiindi narin siya maging komportable sa akin.

Si Yesha.

Siya ang gusto ko. Wala akong balak umamin dahil ang bait-bait niya sa akin. Napakaganda niya pero hindi iyon ang naging dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Naging maalagain siya sa akin at kapag kasama ko siya,siya lang iyong nagpapasaya sa akin. Tsaka iyong pagiging madaldal niya.


Minsan gusto ko nang umamin pero sobrang manhid niya talaga. Akala siguro niya ay normal lang ang lahat ng ipinapakita ako sa kanya. Akala siguro niya ay kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Pero hindi. Malalim na ang nararamdaman ko.


Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon