"Yesha please mag-usap tayo....Hindi naman dapat ganito,e...." Pilit na lumapit sa akin si Emmanuel pero umatras ako. Nakita aniya ang pag-atras ko kaya tumigil siya.
"Tama ka Emmanuel. Hindi dapat ganito....Hindi dapat humantong ang lahat sa ganito kung sa una palang ay lumayo na ako. Iyong notes? Sana hindi mo na iyon pinansin. Iyong kakulitan ko? Sana hindi mo na pinansin. Iyong mga tanong ko? Dapat di' ka na sumagot. Edi sana hindi ganito diba?"
Umiling siya. "No Yesha. Hindi dapat ganito. Girlfriend kita at mahal kita."
"Emmanuel ano ba!? Oo,alam kong mahal mo ako at mas lalong alam kong girlfriend mo ako kasi boyfriend kita p-pero..... bakit parang mali? Bakit maling maging b-boyfriend kita? Sabi mo mahal mo ako pero mahirap bang sabihin sa mommy mo kung sinong 'girlfriend mo?" Mahirap bang sabihin sa mommy mo na may girlfriend kana? Naalala ko noong pumunta ako doon at tinanong ako ng mommy niya kung ano-ano niya ako. Akala ko noong ay alam na ng mommy niya iyon at akala ko din ipapakilala niya ako pero bilang kaibigan lang pala.
Kita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya.
"Emman,mismong mommy mo iyong nagpakita ng pictures sa akin. Pictures niyo ni Cian, sa tingin mo anong mararamdaman ko?"
"Yesha hindi ko alam na Ipinakita ni mommy iyon at bakit di mo sinabi?"
"Kung alam mo lang Emmanuel....k-kung gaano ko kagustong sabihin sayo pero....hindi ko tinuloy kasi noong mga panahon na iyon na... nasa bisig mo na ako? Ramdam na ramdam ko na ako lang. Ramdam na ramdam ko na mahal mo ako at walang magbabago. " Ramdam ko na bawat paramdam niya sa akin na mahal niya ako ay kuntento na ako. Di' na ako naghahangad ng iba.
"Yesha....nasasaktan din naman ako. May problema ka pero di mo sinasabi? Yesha boyfriend mo nga ako pero bakit ayaw mong magsabi? Yesha mahal kita kaya dapat magsabi ka dahil handa kong akuin ang sakit na nararamdaman mo ....kaya kong saluhin ang problema mo."
Napatawa ako ng sarkasmo sa sinabi niya. "Akuin? Saluhin? Ngayon ba Emmanuel,kaya mo bang akuin ang sakit na nararamdan ko? Kaya mo bang saluhin iyong mga panahon na ayos pa ang lahat sa atin? Nag-aalala ka ba talaga sa akin?"
"Oo." Matapang na sagot niya.
"Kung oo b-bakit pinag-antay mo ako sa wala?" Parang nawalan ako nang boses sa huling salitang sinabi ko. "Alam mo bang pumunta ako sa lugar na sinabi mo?kahit na walang tao nag-antay ako Emman,K-kasi text mo iyon e,sabi mo kailangan mo ako...." Kasi handa akong puntahan siya. "Kahit matagal nag-antay ako pero di ka dumating,kahit umulan ng malakas....walang Emmanuel,kahit anino mo w-wla...." Paano nalang kung hindi dumating si Evan? Paano nalang kung tuluyang akong nabasa? Paano nalang kung hanggang ngayon ay andun parin ako?
"Text?" Pagmamaang-maangan niya.
Halos mapatawa ulit ako sa reaksyon niya. Nababaliw na a'ta ako lalo na nang maisip ko ulit si Tita Tess. Dahil sa text na iyon. Dahil lang sa lugar na iyon. Dahil dun di ko na nakita si tita.
"Emman,si Tita...." Mahinang sabi ko. Tsaka lang tumulo ng sunod sunod ang tila naipong luha ko na dapat ay kanina ko pa inilabas. "H-hindi ko siya nakita...h-hindi ko na siya makakausap..." Ewan ko kung dapat bang sinasabi ko sa kanya ito o hindi pero gusto ko lang sabihin ang gusto kong sabihin hindi dahil sinisisi ko siya kasi nasanay na ako na siya iyong nagbabahid ng aking lungkot.
Napakagat ako ng aking labi na nanginginig nang maramdaman ko ang pagkulong niya sa akin sa kanyang bisig. Pinadaan siya nila Evan at Blake,hindi din tumutol si Shiela siguro'y nakikita din nila na kailangan ko siya.
Naging kanlungan ko siya. Lagi akong nasa tabi niya kapag kailangan niya ako. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na mahal niya ako. Lagi niya akong pinapangiti. Lagi niya akong minamahal.
"P-pinili parin kita kahit na alam kong mas mahalaga si Tita....k-kasi may sakit siya..." Tuloy parin ang pagpapaliwanag ko sa kanya. "Emman....ang s-sakit.....parang di ko na kaya lahat. Masyado na tayong naging kampante sa isa't-isa,di na na'tin inisip iyong iba. 'y-yung mas importante...iyong—"
"Ikaw lang ang importante sa akin,babe..." Napapikit ako dahil sa malambing na pagtawag niya sa malambing na tuno. "Handa kong saluhin lahat....Basta nasa nasa tabi lang kita lagi..."
Similay ako. Kahit na ang hapdi ng mga mata ko at pagod na ang mga ito....parang nawawala ang pagod dahil sa kayap niya. Kahit na ang loob ko,di ko na alam kung anong nararamdaman,iyong puso ko....siya parin iyong nararamdaman.
Pero mali,e. Masyado nang mali. Marami nang mali. Mali na kasi nasasaktan na kaming pareho. Mali kasi hindi dapat ganito.
"Nasa tabi mo naman ako palagi,emman, Pero di lahat ng oras handa ako...." Pilit kong kumawala sa kayap niya. Kita ko sa mga mata niya ang pang-aamo ne'to kahit na basang-basa ng luha. Masakit. Masakit na makita siyang ganito pero wala na akong ibang magagawa. Para sa kanya parin naman ito. "M-minsan kailangan ko ding umalis sa tabi mo para walang ibang taong masaktan...." Kahit na wala namang ibang taong nasasaktan pero siya naman itong nahihirapan.
"Emman.... please,umalis ka na muna." Gusto ko munang hindi siya makita para makapag-isip ng maayos. Masyado nang maraming problema ang dumating sa aking ngayon.
Mas gusto ko pang unahin muna si tita. Masyadong nang nasasaktan ang puso ko sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung kaya ko pa'ba? Lalo na't nakikita ako siyang nahihirapan.
"Y-yesha.... please—"
"Emmanuel please. Please lang,pagod na ako." Tumalikod ako at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Muli ko siyang nilingon na sana ay di' ko na ginawa dahil sa mas lalong dumurog sa akin. Nakaluhod siya ngayon at nakayuko.
Sorry emman pero hindi lahat ng nagmamahal ay kayang labanan sa lahat ng bagay.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...