|12|>Sunog na

5 2 0
                                    

Masama kong tinignan si Emmanuel na masayang nakaupo sa sofa kasama ang aso kong si Buddy. Sayang-saya siyang nilalaro si Buddy,nilalaro niya yung plastic na bola na pinang-aakit kay Buddy.

Nang mapansin kong lilingon siya sa banda ko ay kaagad akong nag-iwas ng tingin at kunwaring may tinitignan na iba.

"Hey,you can come here if you want," aniya.

Umirap lang ako sa kawalan. Galit parin ako sa kanya!

"Sorry na nga diba? Nag-sorry ako sa'yo kanina." Malambing na sabi niya.

"Ay,hindi bahala ka," sabi ko at iniwan siya. Halatang nang-iinis lang siya saa'kin.


Kanina pa siya. Hindi pa kaya ako nakakaganti sa ginawa niya saa'kin! Paano ba naman kasi kaninang pinipilit niya akong lumabas sa kwarto ay kinuha niya pala iyong susi kay manang tapos bigla nalang niyang binuksan! Kaya napasubsub ako sa semento ng kwarto ko!

Nakakainis kaya iyon. Muntik pang namaga iyon bibig ko!

Pumunta ako sa kusina para manguha ulit ng ice sa ice bag para sa bibig ko. Feeling ko ang laki na ng bibig ko. Nang tignan ko naman sa salamin ay maliit naman. Sobrang pula nga lang.


"Manang anong oras daw po uuwi si mommy?" tanong ko sa isang katulong namin.

"Mamayang gabi pa po ma'am," aniya. Tumango lang ako. Iyon pa ang isang ikinaiinis ko. Iniwan ako ni mommy dito sa bahay kasama si Emmanuel. Ni hindi nga niya sinabi ang pinag-usapan nila ni Emmanuel at kung bakit dito siya ng isang linggo!


Hindi ako naiiinis dahil dito siya mag-istay pero naiiinis ako kasi ang daming tanong sa utak ko. Ngayon lang a'ta ako nainis dahil sa katanungan sa isip ko.


Gusto kong magtanong kaso naiiinis ako sa nangyari kanina. Hindi naman nag-i-explain si Emmanuel saa'kin.


"Manang..." tawag ko ulit kay manang habang naghahanda siya ng pagkain. Tumingin siya saa'kin. "Bakit po an'dito yung artistang yun?" Turo ko kay Emmanuel na kasama parin si Buddy.


Aso ko yan!


"Ah...sabi po ng mommy niyo na mag-istay siya dito ng isang linggo dahil magpo-photoshoot po siya sa may garden..." paliwanag niya.


"Bakit daw po dito?"  Bakit sa dinami-dami ng lugar ay dito pa? Bakit sa bahay? Bakit sa garden namin? Bakit-grrrr!


"Ewan ko po." Nagkibit balikat siya. "Basta pumayag po si mommy niyo kasi artista tsaka sinabi po na magkakilala kayo. Magkaibigan."


Umalis ako doon nang maayos ko yung icebag. Pumunta ako malapit sa pwesto ni Emmanuel at umupo.


"Bakit ka an'dito?" tanong ko. Pinilit kong hindi magtonong interesado ang boses ko.


"Kasi po may photoshoot ako sa garden mo." Ngiti niya.


Nag-iwas ako ng tingin. Ano yung ngiti na'yun? Ngayon lang a'ta yun ah? Pinilit kong hindi ngumiti. Nakahawa kaagad yun,ah.



shit.


"B-bakit sa garden? Bakit hindi sa iba? Bakit dito?"



"Kasi maganda ang garden mo. Tsaka nagkataon lang naman. Pumayag naman ang mommy mo,ah." Dinamay pa si mommy!



"Paano mo mapapayag si mommy?"


"Tsk. Ako pa? I have my ways,Yesha." Kindat niya.


Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon