"Blake,saan ka nanggaling kagabi,ah?" Tinaasan ko siya ng kilay habang pinagmamasdan siyang inaayusan ng mga staff at make up artist niya.
Sumulyap siya sa akin saglit bago ngumisi.
"Secret na yun,ah," aniya na may ngiti sa kanyang labi.
Kumunot naman ang noo ko bago umupo sa kalapit niyang upuan para masimulan na din ang pag shoot namin. Kagabi ko pa siya kinukulit kung saan siya nanggaling pero panay 'secret' ang sagot niya. Hindi ko na talaga siya mapipilit.
Ito na ang last na tatanggapin naming project ngayon buwan na'to dahil pupunta na kami sa Dalampasigan sa susunod na linggo. Tinawagan ko din kagabi si Sandy at sinabi niya na andun na daw sila. Doon na daw kami dumiretso.
"Nagpaalam ka na ba kay Madame B?" tanong no Blake. Tumango naman ako nang di' tumitingin sa kanya. Nagsimula na din akong ayusan. "Tsaka nga 0ala,yung kotse mo nasa bahay na. Kunin mo nalang doon. Bakit ka nga pala nasiraan at bakit kayo magkasama ni Emm-"
"Sige,salamat," putol ko kagaad sa kanya dahil baka may mang-issue pa sa amin. Kilala din si Emmanuel dito,sino ba naman ang hindi? Bigatin at supermodel siya sa syudad na'to. May international pa a'tang offers sa kanya,pero iilan lang ang tinanggap niya. Bigatin nga pero napaka pili naman.
"Bakit nga kayo magkasama?" tanong niya ulit nang hindi ko na dinugtungan ang sinasabi ko.
"Siya nakakita sa akin kagabi at inihatid niya lang ako kasi tinatawagan kita hindi ka sumasagot." Sinadya kong diinan ang mga salita ko sa kanya at bumaling sa kanya.
Tinignan niya lang ako nang may mapang-asar na ngiti. "E,sorry? Baka nasa party ako noon." Kibit balikat niya.
"Party?" Ibig sabihin may pinuntahan siyang ibang party kagabi? Nakakapagtaka naman ne'tong asungot na'to. Feeling pa mysterious, di' naman bagay sa mukha niya.
"Oo,party mg mga gwapo."
"Buti pinapasok ang kagaya mo? Sinong character ang ginamit mo?"
"Si Emmanuel." Pang-aasar niya.
"Mukha namang kambing 'yun."
Tinignan ko ang mukha ko sa salamin nang matapos na akong ayusan. Wala namang masyadong pinagbago. Ganun parin naman,nagkaroon lang ng kulay ang mukha ko. Napakaganda ko talaga,charot.
"Yesha...." Napalingon ako kay Madam Ivy nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Ngiting-ngiti siyang lumapit sa akin. Naka shade din siya na kulay black at naka jacket din nang napakakapal na kulay black din,akala mo naman nasa ibang bansa.
"Madame...." Ngumiti ako tsaka tumayo para makipag-beso.
"Glad at nakaabot ako." Sapo niya sa kanyang noo. Kumunot naman ang noo pero di' mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa itsura niya. Parang napakalaking panghihinayang naman kung hindi siya nakaabot.
"Bakit madame? May problema ba? Kailangan ba ng katulad ko para sa problema na yan?" Singit ni Blake sa amin.
"Actually Blake,I'm sorry pero hindi na Ikaw ang partner ni Yesha para sa shoot na ito," sabi ni madame na ikina anga ko.
"Huh? Why?" Kunwaring nasaktan si Blake sa narinig kay Madame Ivy at napahawak pa sa kanyang dibdib.
O.A, check.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Novela JuvenilMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...