Naging busy ako sa mga sumunod na linggo dahil sa mga extra activities namin. Marami kaming kailangan habulin na subject lalo na noong nagkasakit ang isang teacher namin kaya mas dumadami ang mga gawain ko. Pati nga paglabas ng bahay ay hindi ko na masyadong nagagawa dahil sa paghahabol ng mga subject.
Hindi naman minamadali ang pagpasa at wala pa namang exsaktong araw para ipasa ang nga gawain namin pero gusto ko kasing matapos kaagad para wala na akong ibang pro-problemahin.
Umuwi rin noon sila Lola pagkatapos naming mag shopping. Sabi niya ay babalik ulit sila pero hindi sigurado kung kailan,mukhang matatagalan.
Tumayo ako nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko iyon at si mommy ang nakita ko.
"Mommy....ano pong kailangan niyo?" Nilawakan ko ang pagkakabukas ng pinto para mapapasok siya.
Bumalik ulit ako sa ginagawa ko.
"Yesha..m.napag-isipan mo na ba yung offer Ng lola mo sayo?" tanong niya na tinutukoy ay ang modeling.
Nagkibit balikat lang ako dahil sa ka busy'an ay nawala iyon sa isip ko.
"I think...magandang opportunity Yun para sayo," aniya. "You have an privilege to that. Your beautiful,your grooming,have a nice body shape and... I also know that you love modeling right?"Napatingin ako kay mommy nang nakangiti.
Kahit na busy ay alam niya parin ang mga gusto ko. Kahit na busy siya palagi ay may time parin siya saa'kin. Ang swerte ko sa kanila.
"Pag-iisipan ko Po," sagot ko. Hindi talaga ako sigurado kung gusto ko ba iyon. Noong bata ako,oo. Gusto ko iyon,rumarampa pa nga ako sa garden namin habang may isang libro sa tuktuk ng ulo ko na binabalanse gaya ng ginagawa ng mga beauty queens para ma-improve yung paglalakad nila.
"Lagi kang busy ngayon,ah? Bakit hindi ka muna namasyal?" Suggestion ni mommy. Nahalata niya siguro na napaka busy ko. Napaka-kalat pa kasi ng kwarto ko. Ang daming sticky notes na nakadikit sa salamin ng study table ko. Mga reminders.
"Sge po,mag bibihis lang ako," sabi ko at tumayo na. Inayos muna ni mommy ang mga gamit ko na nakakalat sa lamesa ko bago bumaba.
Naligo ako gaya ng sinabi ko. Halos kalahating oras a'ta ako sa banyio kaliligo dahil sa pakiramdam ko ay ang lagkit-lagkit na balat ko dahil sa pawis ko. Siguro nga'y tama si mommy na kailangan ko ng mamasyal para makalanghap ng fresh air. Para narin mawala ang stress ko.
Napag-isipan kong pumunta sa mall para bumili at kumain ng strawberry ice cream. Mas masarap kasi ang ice cream sa mga malls,minsan kasi maalat yung ibang ice cream.
Umupo ako sa isang bakanteng table. Mag-isa lang ako dito ngayon at nabobored parin ako kasi wala akong kausap.
Hindi ko narin nakakausap sila Azie dahil sa busy ako. Nag-t-text naman sila pero hindi ako nakakapag-reply. Ngayon napag-isipan kong buksan ang mga message nila.
Sandy:
Busy ako sa mga paper works natin. Ang daming pinapagawa ano?
Sandy:
Anong sagot mo sa essay sa English? Pakopya.
Sandy:
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...