|21|>Tree of closure

4 2 0
                                    


"Wala ka na bang naiwan?" tanong ko kay Sandy.

Umiling siya at ngumiti sa akin. "Nakabusangot ka na naman," aniya.

"Alangan namang tumalon ako sa saya kasi aalis kana?" Pamimilosopo ko. Ngayon na ang alis niya papunta sa probinsya nila para tulungan ang tita niya sa business nila.

"Oh, Emmanuel,Ikaw na bahala kay Yesha ah? Dapat pagbalik ko....maayos na utak niyan!" Pabiro niya pa kay Emmanuel.

"Wag kang mag-alala,sisiguraduhin kong ako lang nasa utak niya." Biro naman ni Emmanuel kaya siniko ko siya.

"Teka,asan na ba si Blakey? Bakit wala pa ang ulupong na'yon?" Napatingin tingin din kami sa paligid. Wala pa si Blake e malapit nang dumating 'yung bus na sasakyan ni Sandy. Lagi talagang late ang mukong na'yun.

Nakita namin siyang tumatakbo palapit sa amin na may hawak na isang maliit na box. Hingal na hingal pa siya nang makarating sa banda namin.

"Oh? Bakit parang hinahabol ka na ng mga babae mo?" Biro ni Sandy.

Umirap naman si Blake sa kanya. Tumingin siya sa banda namin kaya ngumiti ako. Ngumiti rin siya sa akin pero pagdating kay Emmanuel ay tumango lang siya.

"May others pala dito. Oy,Sandy,sungot! Ito na 'yung sinasabi mo,ano ba kasing laman niyan?" Inabot ni Blake 'yung hawak hawak niyang box kay Sandy.

"Basta. Wala ka na dun." Tumawa siya. "Tawag tawag kayo ah?" Paalala niya.

"Yesha,we need to go." Bulong ni Emmanuel sa akin. May taping siya ngayon. Malapit nang matapos 'yung film niya.

"Sandy,sge na. Mauna na kami." Niyakap ko siya.

"Mahal kita..." Bulong niya sabay haplos sa buhok ko.

"Mahal din kita."

Umalis na kami pagkatapos. Naiwan si Blake doon dahil wala pa naman 'yung pagsasakyan ni Sandy.

Gusto ko pa sanang mag-stay kaso may taping si Emmanuel at ayaw niya naman akong iwan! Sabi niya kapag di ako aalis di din siya magpapaiwan pero dahil takot ako sa manager niya ay di' ako makatagal. Tsaka baka makilala din siya ng mga tao sa bus station kahit na naka shade siya. Ang lakas kasi Ng karisma ng boyfriend ko.

Naks...nakaka kilig namang sabihin 'yun. Boyfriend,wess...Isa pa nga, boyfriend.

"Okay guys! Ready na para sa last scene!" Naghiyawan silang lahat.

"Naku miss Yesha....ang swerte mo kay Emmanuel," sabi sa akin ng isang staff na katabi ko. Sa lagi lagi kong panunuod ng taping nila sa film nila ay nakakasundo ko na 'yung iba.

"Bakit po?" Hiyang tanong ko.

"Kasi iyoung last scene sana ay may kiss sila ....." Lumakia ang mata ko sa narinig. M-may kiss? "...pero dahil sayo...di pumayag si Emmanuel. Sabi pa niya di daw siya papayag kung di din Ikaw ang ikikiss niya." Namula ang pisngi ko sa narinig

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na walang kiss scene na naganap(sempre oo) o nahihiya dahil dahil sa'kin ay may nabago sa dating ayos ng film nila.

Pinanuod ko ang last film nila. 'Yung time na nagkabalikan na sila tapos nanunuod sila ng sunset,nakakapag-alala ng something sa akin.

Isang take lang 'yun kaya masayang masaya iyong director. Pinuri niya pa sila Cian at Emmanuel. Nag-aaya pa iyong iba na lumabas para mag celebrate pero si Emmanuel dumiretso sa akin.

"Congrats,natapos niyo na!" Masayang bati ko.

Masaya ako para sa kanya dahil iyong unang film niya ay natapos na. Siguradong akong matutuwa ang mga taga hanga niya. Sigurado akong lalaki palo ang mundong ginagalawan niya. Sigurado akong lalawak ang mga opportunities para sa kanya.

Sobrang swerte ko sa kanya.

"Emman,Tara! Let's celebrate!" Lumapit sa amin si Cian. Ngiting-ngiti  pa siya. Parang kailan lang nung sinabi niyang ayaw niyang sa akin,ah?

Sa maamo niyang mukha,napaka prangka niya. Gaya kay Sandy pero Isa lang ang pagkakaiba nila,hindi plastik si Sandy! Si Cian,ngumingiti nga pero halata namang plastik.

"Sorry Cian pero may pupuntahan kami,e." Tanggi ni Emmanuel. Napatingin ako sa kanya,nagtataka. Wala naman kaming pupuntahan,ah?

"Ha? Sayang naman. May restaurant na silang na rent,e. Alangan namang wala iyong  star diba?"

Siniko ko bahagya si Emmanuel para pumayag na siya pero nilingon niya lang ako ng nakataas ang kilay.

"Hmmm....okay. Kung may pupuntahan kayo...baka pweding humabol kayo? Kasi nakakahiya naman sa mga kasamahan natin." Nawala 'yung lambing sa boses niya. Ngumiti siya ng pilit bago kami iniwan.

"Anong sinabi mo na may pupuntahan tayo?" Kunot noo kong tanong.

"May pupuntahan naman talaga tayo,ah?" Pilit niya.

"Saan?" tanong ko habang sinusundan siyang palabas ng studio.

Bitbit niya 'yung bag niya tsaka iyong bag ko.

"Sa tree of closure," aniya.

"Huh? E,bakit—"

"Babe...let just go" putol niya sa akin. Gusto ko sanang tumutol pero iyong pagkaakasabi niya ng 'babe' ay kinilig ako kaya wag nalang.

Tarantado talaga 'tong babe kong 'to.

Ilang araw na rin a'ta akong di nakakapunta dun. Mahigit isang linggo. Mahigit isang linggo narin simula nang sinagot ko si babe ko-este si Emmanuel.

Naging masaya ang mga sumunod na araw ko simula noon hanggang ngayon. Siguro ay dahil iyong iniisip ko noong 'kasiguraduhan' ay nasaakin na ng buong-buo. Tanggap ko na mula sa kanya. Kasi mahigpit na ang hawak ko dito.

Simula nung sinagot ko siya ay mas lalo siyang naging sweet at maalaga sa akin. Lagi niya akong. Tinitext kapag di kami magkasama at tumatawag siya kapag di kaagad ako nag rereply.

Naging malapit din kami ni kuya Jeff dahil lagi na niya kaming inihatid sa kung saan namin gustong pumunta. Lagi na din namin siyang kasabay na kumain kapag naabutan na kami ng tanghalian lalo na sa taping ni Emmanuel.

Nakarating kami sa 'tree of closure'. Mas maaga kesa sa dating pumupunta kami. Mas mahalimuyak ang lilim ng langit mas mahangin at sariwa.

"Yesha...." Hinabol ako ni Emmanuel at pinagsalikop ang mga kamay namin habang palapit sa may puno ng black berry. "May ipapakita ako sayo dali..." Hinigit niya ako patungo sa likod ng puno.

May kinuha siya sa bulsa niya na isang matulos na bagay. Hindi ko sigurado kung ano iyon pero sa tingin ko ay cuticle pusher.

"Anong gagawin mo d'yan?" Takang tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

Umupo siya sa may puno at nagsimulang sumulat dun gamit ang pusher. Doon ko napagtanto ang gagawin niya. Sinusulat niya ang pangalan niya simula sa E-M-M-A-N tapos gumuhit siya ng heart sa baba nun at sa baba ng hear ay ang pangalan ko. y-E-S-H-A.

Tumayo siya nang matapos at hinarap ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Ang punong yaan ang naging saksi ng pagmamahalan na'tin. Nabasa ko kasi na kapag isunulat ko daw ang pangalan mo at ng taong mahal mo ay magiging kayo hanggang dulo and I want you to be my last Yesha..." Ngumiti siya. "Ikaw lang ang gusto ko. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kitang ipagdamot sa lahat. Mahal kita,kahit na anong sabihin nila. Kahit na gaano man ako katayog sa tingin ng iba para sayo handa akong ibaba ang sarili ko para lang sa pagmamahal mo," aniya sabay halik sa aking noo.

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon