|28|>Umalis kana

5 2 0
                                    


"Okay kana?" Tumango ako kay Blake bilang sagot sa tanong niya. Kanina niya pa ako tinatanong kung okay lang ba ako. Tumatango nalang ako kahit na di' naman talaga ako okay.

Ayoko lang dumagdag sa mga iisipin nila. Baka makasama pa ako lalo na kasama ko sila Evan at Sheila. Ayaw ko naman na mas isipin nila ako kesa sa mommy nila.

"Si Tita at Tito sila na ang nagsundo kay daddy," sabi ni Shiela. "Talagang okay kana Yesha? S-sa m-mga naba—"

"Ayos na. Ayos na ako." Putol ko kay Shield. Ayaw ko na mas ako ang alalahanin niya. Alam kong masakit sa kanya ang nangyari at ayaw kong idamay sila sa problema ko.

Kaninang napatahan ako ni Blake ay bumaba kami para makainom ako ng tubig. Nagulat pa ako dahil nakita ko sila Evan at Sheila dito sa babam hindi pala sila sumama kila mommy para sunduin ang daddy nila.

Nalaman ko rin kanina na di lang pala si Evan ang pumunta at sumundo sa akin noong basang-basa ako ng ulan. Kasama niya pala si Blake pero si Blake pumunta kay Emmanuel para daw kausapin ito. Nag-alala kaagad ako Kay Emmanuel baka kung anong ginawa ni Blake pero sabi naman niya ay nag-usap lang sila. Kaya sumunod sa amin si Blake dito sa probinsya at kaya din nahuli siya ng dating.

"Y-yesha....." Napatingin ako kay Blake nang magsalita siya pero nakatuon ang tingin niya sa TV kaya doon ko binaling ang tingin ko.

Si Emmanuel. Nasa Balita. Nakatitig lang ako doon at nakikinig. Alam kong masasaktan na naman ako sa maririnig ko. Kahit nga makita ko lang ang mukha niya sa TV ay nasasaktan na ako. At natatakot na din. Natatakot ako na makita siya. Dahil pakiramdam ko wala naman siyang pakealam sa akin.

Kung meron bakit niya ako pinapunta sa lugar na wala akong mapapala? Kung may pakealam siya bakit nasa TV parin siya ngayon at di ako pinupuntahan? Ni text o tawag wala. Di' ba siya nag-aalala sa akin?

Di' ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Para akong galit na galit na ewan pero wala naman akong lakas para ilabas ang nararamdaman ko.

Tumingin muli ako sa tv at pinanuod kung paano pilit na umiiwas si Emmanuel sa mga reporters at sa camera. Sabay sabay at kaliwa't kanan ang nagtatanong sa kanya. Halos di narin maintindihan ang mga tinatanong nila. May mga fans din na pinapanuod siya.

"Totoo ba iyong balita na may dina-date kang iba? "

"Who's Yesha Ramos in your life Mr. Esgeurra?"

"Do you cheated on Cian?"

Mga tanong na paulit-ulit na tinatanong sa kanya pero di siya umiimik at pilit na lumalayo sa mga ito.

Kahit na di' ako reporter marami din akong tanong na gusto kong sagutin niya. Kahit na natatakot akong marinig ang mga isasagot niya ay gusto ko parin iyong marinig .

"Mr. Ced, Mr. Ced!" Napabaling ang mga camera at reporters sa manager ni Emmanuel na si Ced nang lumabas ito sa kompanya kung saan galing si Emmanuel kanina.

"Ano pong masasabi niyo sa mga bali-balita?" Tanong ng reporter at lahat ay nag-aantay sa sasabihin ng manager. Nakalapit na si Ced kay Emmanuel kaya parehas na silang nakakulong sa mga mauusisang tao. Wala na silang kawala.

Napatingin si Ced kay Emmanuel na walang imik at seryoso ang mukha. Kung tatansyahin ay napaka dilim ng ekspresyon niya pero hindi kaagad iyon mapansin ng iba dahil hindi nila siya kilala. Ako kilala ko siya. Kapag galit,masaya o malungkot man siya. Ngayon ang masasabi ko habang nakatitig ako sa mukha niya ay galid at sakit.

Galit? Dahil ba sa naniniwala siya sa mga pictures na lumabas habang yakap ko si Evan? Sakit? Dahil ba nasisira ang magandang image niya sa mga taga-hanga niya ng dahil lang sa akin?

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon