|30|>always

5 2 0
                                    

"Tita....sorry. sorry kasi di mo nakita si Evan bago ka...n-nawala. sorry Tita..." Nasa harap ako ngayon ng puntod ni Tita. Kanina pa tapos ang libing niya pero nagpaiwan muna ako dahil gusto ko lang na kausapin siya kahit na alam kong hindi na siya sasagot pa sa mga sasabihin ko. 

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi ko parin matanggap na wala na siya. Kahit na Tita ko lang siya ay siya iyong tumayong nanay ko noong bata palang ako kapag wala si mommy. Nahihirapan din ako kagaya nila Sheila at Evan.

"Sorry po. Kung hindi sana ako pumunta doon....sana nakita mo pa si Evan,Tita....sorry po talaga."

"Yesha....Wala kang kasalanan." Naramdaman ko ang presensya ni Evan sa tabi ko. Umupo rin siya gaya ng pagkaupo ko.

Parehas naming tinitignan ang pangalan ni Tita sa kanyang lapida. Nais ko mang maging matatag para sa pinsan ko pero di ko din kaya.

"Kung hindi ako pumunta doon sana...." Bumuntong hininga ako. "Evan thank you kasi pinuntahan mo ako." Hindi ko kayang lumingon sa kanya habang iniisip iyong araw na bigong-bigo siya. Kung paano siya umiyak sa balikat ko.

"Tss." Marahan niyang itinagilid ang ulo ko para mapasandal sa kanyang balikat. Ginulo niya pa ang buhok ko kaya napatawa ako ng mahina. "Hindi mo kailangan ng isang Emmanuel para lang madama na hindi ka nag-iisa." Napangiti ako sa sinabi niya. Ganito pala bumanat ang isang 'to? "Tsaka....no offense ah? Mas gwapo ako dun," aniya  kaya di' ko na napigil ang pagtawa at pagtingin sa kanya.


Napanguso ako nang makita sang mukha niya. May point naman siya. Mas gwapo nga siya pero iba parin si Emmanuel.

"Ikaw....nahahawa kana kay Blake ah?" sabi ko.

"Ano?bakit na naman ako? Idol niya ba talaga ang itsurang 'to?!" Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang pagyayabang ni Blake. Mas Lalo lang akong napangiti. Nakita ko rin si Shiela sa likod niya na nakatingin sa amin.

"Andito parin pala kayo." Puna ko. Akala ko umalis na silang lahat kanina. Hindi pala nila ako iniwan. Umupo rin silang dalawa ni Shiela sa tabi namin. Si Shiela sa tabi ng kuya Evan niya tsaka si Blake sa tabi ko naman.

Nagpasalamat ako dahil kahit na may problema ako may mga kasama parin pala akong gagabay sa akin at tutulong para lang maging masaya. Masaya ako dahil andito sila at ngayong kampante akong nasa tabi ko sila palagi siguro handa na din akong maging isa. Siguro hindi naman masama kapag nang iwan ka basta alam mong ikabubuti niyo pareho diba?

Umuwi narin kami pagkatapos at mabilis akong naligo para makapagbihis dahil may pupuntahan ako.

Nakasuot na ako ng basic tanks na white at denim jacket tsaka skinny jeans nang may kumatok sa aking pinto.
"Pasok...," sigaw ko.

"Yesha...." Napatingin ako kay Tita Lysley. Lumapit siya sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik.  "U-hmm...pwedi ba tayong mag-usap?" Maingat na tanong niya.

Tumango naman ako at umupo sa dulo ng kama at tinabihan naman niya ako.

"Nasabi ng mommy mo tsaka nila Blake ang pupuntahan mo. S-sigurado ka ba?"

Sigurado na nga ba ako?

Tumango ako at ngumiti.  "Opo,Tita."

"Alam mo ba kung bakit kami naghiwalay ng Tito mo?" Iyong asawa niya dati. Umiling ako. "K-kasi pinakawalan ko siya." Kita ko ang pagkinang ng mata ni Tita. "May mga bagay na dapat pag-usapan Yesha....pero kung sa tingin mo makakabuti iyan para sa inyong dalawa ....gawin mo. Pero alam kong alam mong may mga magbabago na hindi mo na maibalik sa magiging desisyon mo."

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon