"Yan lang kinakain mo?" di makapaniwalang tanong ko kay Emmanuel.
Napag-isipan namin ni Emmanuel na kumain muna sa isang malapita na restaurant kasi nagugutom na ako.
Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Bakit?" tanong niya.
Umiling lang ako."Para ka namang kambing n'yan." Salad kasi na gulay ang order niya. "Mabubusog ka ba n'yan?" May mga pagkaing iba naman pero yan yung pinili niya.
Ngumuso siya at napaisip. "Hindi. Pero kailangan. Kailangan kasing sundin ko yung diet ko," aniya,tumango nalang ako.
Sabagay sa kagaya niya ay dapat inaalagaan niya ang sarili niya para rin sa career niya. Napatingin tuloy ako sa katawan ko. Na cu-curios ako kung ga'ano ako kataba o kapayat. Narinig ko ang mahinang tawa ni Emmanuel kaya tumingin ako sa kanya.
"Bakit? Curious ka sa body shape mo?"
"Oo. Di ko kasi alam kung mataba o mapayat ako. Anong tingin mo?"
"Mmm...your body looks nice. Sakto lang,hindi ka mataba,hindi mapayat. You can be a model," aniya.
"Sa tingin mo pwedi?" Naalala ko tuloy yung sinasabi ni Lola.
"Yes. Your beautiful. Bagay sayo." Napangiti naman ako sa compliment niya saa'kin.
"Actually,may nag o-offer nga sa'akin pero hindi pa ako sigurado." Wala talaga iyon sa isip ko,e.
"Talaga? That's a good offer."
Nagpatuloy kami sa pagkwekwento tungkol sa pagmomodel. Nagsabi rin siya ng ibang kakilala niya na model na babae,yung iba kilala ko pero yung iba hindi. Winala ko rin yung usapan sa ibang bagay kasi baka mamaya ay umasa siya na talagang tatanggapin ko yung offer,e hindi pa naman ako sigurado. Baka kasi tanong ako ng tanong tapos hindi rin pala matutuloy.
Napapa-isip tuloy ako kung naging model na ako. Marami rin kayang magkakagusto saa'kin? May mga tao rin kayang mag-papapirma saa'kin? May mga tao rin kayang mahalin ako? May mga tao rin kayang magpapapicture saa'kin?
Magiging masaya ba ako? Magiging satisfied ba ako? Kakayanin ko ba?
"Kamusta pala yung ginagawa niyo'ng film?" Nasabi rin kasi niya ang film niya kanina kaya kinamusta ko na para naman makasagap ng balita.
"Bakit? Manunuod ka?"
"Oo. Kapag maganda."
"Maganda naman pero....may isang scene siguro na hindi maganda."
Kumuniot naman ang noo ko. "Hindi maganda? May hindi maganda ba kapag Ikaw ang gumawa? Mahal ka ng mga taga hanga mo kaya sure akong magugustuhan nila yun kahit na hindi maganda." Tumawa ako.
Nagkibit-balikat siya. "Well,sana."
"Ano ba kasi yung scene?" Halata kasi sa mukha niya na parang hindi maganda iyon kaya di niya magagawa kasi dismayadong dismayado siya.
"Sayaw..."
"Huh?"
"Slow dance," aniya.
"Hindi ka murunong sumayaw ng slow dance?" Nilakihan ko ang mata ko.
Umiling siya kaya napatakip ako ng bibig para magpigil ng tawa. Siya? Si Emmanuel Esgeurra hindi alam kung pa'ano sumayaw ng slow dance?
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...