"Naku,hijo,I'm sorry for not always here around,may problema kasi akong inasikaso..." paghingi ng tawad ni mommy kay Emmanuel nang saktong aalis na sila.
Natapos na ang isang linggo niya dito sa bahay at aalis na sila ngayon dahil natapos narin naman nila iyong mga shoots niya. Sabi niya ay in-edit pa kaya hindi pa niya maipapakita kay mommy.
"It's okay lang po Tita. And thank you po sa pag welcome sa amin," aniya Emmanuel.
Ngumiti si mommy sa kanya. "Oh,sge. I have to go,bye. Bye sweetie." She kissed my forehead before leaving with Emmanuel.
Ngumiti akong tipid nang lumingon siya sa'kin si Emmanuel. "Yesha...." tawag niya.
"Hmmm?" Napahawak ako sa leeg ko dahil sa ka-ilangang naramdaman ko dahil sa pag-alis ni mommy. Pupunta na naman siya kila Tita Tess. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya doon pero napapadalas a'ta. Dapat tanungin ko siya sa susunod.
"Tungkol sa sinabi ko...." Naalala ko na naman 'yung sinabi niya sa'kin noon. Tatlong araw. Tatlong araw na ang nakalipas mula noong sinabi niya sa akin iyon pero maliwanag parin sa akin 'yung sinabi niya. Gusto niya ako.
"T-totoo ba yun?" Matabang tanong ko. Tatlong araw ko na rin kasing tinatanong sa isip ko kung totoo ba iyong sinabi niya sa akin o baka nagkamali lang ako ng dinig.
Ngayong aalis niya siya't naguguluhan parin naman ako ay dapat tanungin ko na siya para malinaw.
"O-oo." Nag-iwas siya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero di' ko mapigilan ang sarili ko sa pagngiti. Napalingon siya sa'kin."Bakit ka ngumingiti?"
Umiling ako. "W-wala.." pinilit kong di' ngumiti. "Sge na alis na kayo." Taboy ko sa kanya dahil baka di' ko na mapigilan ang kiliting nararamdaman ko sa loob ko at mahalata niya. Ano ba yun? Bakit may kiliti?
Umalis narin sila pagkatapos. Marami silang mga buhat buhat na gamit,gusto kong tumulong pero ayaw ni Emmanuel. Buti nalang at wala 'yung manager niya dahil kung andito siya ay mapapagalitan na naman ako?masusungitan pala.
Pumasok na ako sa loob para makakain na. Maaga palang pero inaantok na ulit ako. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag-aantay ko kay mommy. Masyado na siyang late umuwi.
Kumuha ako ng cereal at gatas para iyon nalang ang kakainin ko ngayong umaga. Pumunta ako sa may sala at umupo sa sofa bago binuksan ang tv para manuod nalang muna. Walang pasok ngayon at bukas. Wala rin akong schedule ngayon.
Bagbukas ko ng TV ay mukha kaagad ni Emmanuel ang nakita ko at ang kanyang gagawing film. Second film niya iyon pero inaabangan ng marami dahil first time na siya iyong main character sa palabas. Iyong first film kasi na ginawa para sa kanya ay parang second main character lang siya doon.
"Excited na po kami sa new film ni Emmanuel!!!" sabi ng isang babaeng supporter ni Emmanuel nang interview'in siya ng reporter.
"Tsaka bagay na bagay po sila ni Cian!" sabi pa ng isa. Cian.' Yun siguro ang pangalan ng makaka-loveteam ni Emmanuel. Ang swerte niya dahil siya ang unang babaeng makakapartner ni Emmanuel. Hindi kasi siya pinapayagan ng manager niya na pumartner sa iba,ngayon lang.
Nang matapos ang interview sa mga fans niya ay napakunot ang noo ko nang nagsigawan at naghiyawan ang mga fans niya at Ipinakita ng camera man ang isang sasakyan na kakarating lang. Sila Emmanuel.
Nasa tapat sila ng company kung saan doon naka contract si Emmanuel. Kakarating lang nila galing sa shoot dito sa bahay tapos pagdating nila dumiretso kaagad sila sa company kung nasaan ang mga fans niya? Di' ba sila pagod?
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...