"Blake,ayos lang yan." Hinagod ko ang likod ni Blake. Napatingin ako kay Sandy na nakatingin din kay Blake.Nakaupo kami ngayon sa isang table dito sa coffeeshop ni Blake. Tumawag kanina siya at sinabi niyang umalis na raw si Azie. Hindi namin alam kung saan siya pumunta.
"Wala ba siyang nabanggit,Sandy?" Sa aming apat si Sandy ang mas nasasabihan ni Azie ng problema niya.Hindi nagpaalam si Azie kung saan siya pumunta,wala rin kaming alam kung bakit siya umalis.
Basta kaninang tumawag si blake sa akin ang sabi niya,umalis na si Azie. Tinawagan ko kanina 'yung mommy niya at sinabi niya na kahapon pa pala siya umalis. Di' man lang nagpaalam.
"Wala,e." Umiling siya. "Di ko rin alam kung saan pumunta." Dagdag niya. "Sinaktan mo kasi Blake,e. " Sinisi niya pa si Blake!
Hindi umimik si Blake. Tinignan ko si Sandy ng masama para manahimik na siya pero pinanlakihan niya lang ako ng mata.
"Di' man lang siya nagpaalam..." Bulong ni Blake na siyang pinanlumon ng loob ko.
Kahit hindi sabihin ni Blake alam kong nasasaktan siya dahil sa pag-alis ni Azie. Kahit nga kami ni Sandy ay nasasaktan dahil hindi man lang siya nagsabi sa amin. Tinatawagan rin namin siya kanina pero hindi niya sinasagot.
"Blake....ayos lang yan. Babalik din si Azie," sabi ko na ikinailing niya.
"Hindi. Hindi na siya babalik Yesha....," sabi niya,pinipigilan niya ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. "Kaya pala....kaya pala...." Paulit ulit na sabi niya kahit na hindi namin maintindihan ni Sandy kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Blake....kung importante siya sayo...dapat pahalagahan mo. Dapat pinahalagahan mo. Kasi hindi mo alam kung kailan ito mawawala sayo...kagaya ngayon. Pero...gusto kong malaman mo na kahit gaano pa kaimportante ang isang bagay sayo kahit gaano pa siya kaimportante sayo....kung ..k-kung ....tadhana na ang nag disesyon...kailangan mo itong tanggapin at harapin." Huling payo ko sa kanya bago umalis para naman mabigyan siya ng oras. Ewan ko lang kung umalis narin si Sandy pagkatapos ko.
Ayaw ko pa sana siyang iwan dahil alam kong kailangan niya ng karamay pero mas kailangan niya ngayong mapag-isa para makapag-isip-isip siya at makaya niya ang hinaharap niya ngayon.
Napagpasyahan kong pumunta muna sa playground dahil wala naman akong ibang gagawin ngayon. Bakasyon na,e. Kailangan ko ring makalanghap ng sariwang hangin tskaa ang ganda kayang panuorin ang mga batang naglalaro.
Dumiretso ako sa isang swing. Maganda ang panahon ngayon. Makulimlim at di gaanong mainit. Kita ko 'yung mga batang masayang naglalaro sa paligid kasama iyong mga magulang nila.
Napangiti ako. "Hi!" Napatingin ako sa katabi kong swing nang may nagsalita mula roon. Nakita ko ang isang barito. Ang lakas ng pabango niya,pero mas magandang amoyin iyong pabango ni Emmanuel.
Gwapo siya. Pero iyong mukha niya parang nasobrahan sa kaangasan. Pati iyong dating niya pero iyong boses niya ang ganda. Hindi ko namalayan na may nakaupo na pala sa katabi kong swing.
Ngumiti lang ako. "Ikaw si yesha diba?" Tumango ako kahit na nagtataka. Halla! Bakit lagi nalang may mga nakakakilala sa akin? Sikat na ba ako? Artista na rin ba ako gaya ni Emmanuel?
"Paano mo nalaman?" Gusto kong magsungit pero di' ko magawa lalo na ang hindi pagrespeto. Naalala ko rin si Liam,iyong nakilala ko sa taping nila Emmanuel.
"Kaibigan ka ni Sandy diba?" Napa-oh ang bibig ko nang may marealized. Nakilala ko rin siya!
"Lymes!?" Ngumiti siya bilang pagkumpirma. "Gash...nice meeting you." Lumawak ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...