38> Ikaw padin

5 0 0
                                    

Kung ikaw ang tatanungin, makakaya mo bang balikan ang isang taong walang kasiguraduhan?


Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang kaya niyang ibigay sayo? Para sa inyo?



Sa relasyon kasi,kapag pumasok ka o kapag pumasok kayo,dapat alam niyo ang patutunguhan niyo alam niyo kung hanggang saan ang kaya niyong ibigay sa isa't-isa, ibigay na oras,atensyon,at pagmamahal. Kasi kung alam mong kaunti lang ang mabibigay mo dapat hindi ka na tumuloy diba? Kasi baka hindi din kayo mag wo-work? Kasi baka hindi talaga siya ang para sa iyo.



Kung siya na ang para sayo dapat alam mo una palang na magtatagal kayo. Hindi ka dapat basta basta sumugal sa isang relasyon na hindi mo alam kung bakit mo pinasok o kung sigurado ka bang may patutunguhan.



Sa isang relasyon kasi, dapat alam niyo din kung paano lumaban. Kasi paano kung sa huli,ikaw lang pala ang lalaban? Paano kung sa huli siya lang pala ang lalaban? Hindi maisasalba ang inyong relasyon kung iisa lang ang lumalaban.



Kagaya namin ni Emmanuel,noon. Noon ang akala ko sabay kaming lumalaban,ang akala ko hindi kami matatalo pero akala ko lang pala lahat ng iyon noon.



Dahil magkaiba kami ng problemang nilabanan. Hindi kami nagkaayos o nagkatulad ng problemang nilabanan kaya napunta din sa wala.



"Talagang nag enjoy ka sa vacation mo? E, ilang araw ka lang? Kala ko ba ilang linggo ka dun?" Taas kilay na tanong sa akin ni mommy habang nag-aayos ako ng mga damit ko na nanggaling sa Dalampasigan.


"Okay lang po. Babalik nalang po siguro ako dun." Tanging sagot ko.



Narinig ko ang buntong hininga ni mommy dahil sa sagot ko. Siguro ay napansin niya ang pagod sa boses ko.



"Sge,magpahinga kana."



Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko ay napatigil ako sa pag-aayos ng gamit at kaagad na humiga sa aking kama.



Naramdaman ko kaagad ang bigat at pagod sa aking buong katawan dahil sa biglaang pag-byahe.



Umuwi kasi kaagad ako kaninang madaling araw galing sa Dalampasigan. Nagpaalam naman ako kay Sandy kagabi,e. Ayaw niya nga akong payagan at nagagalit na siya sa akin dahil uuwi kaagad ako pero hindi na ako nagpapilit. Sa huli,inihatid niya din ako dito. Siya na ang naghatid para daw siguradong ayos ako.



Gusto ko namang doon muna para sa aking break pero sadyang di' na kaya ng aking puso. Masyado na akong naging marupok sa mga sinabi niya. Hindi ako sigurado kung may pinapahiwatig ba siya o ano dahil hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko alam kung ano talaga ang kanyang sinasabi sa akin gamit ang kanyang galaw.



Nung una,parang wala lang pero bakit nung gabi ay biglang nag-iba na parang gusto niyang bumalik? Bumalik sa umpisa,sa umpisa kung saan kami pang dalawa.



Hindi ko man gustong umalis dahil kay Sandy pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Iyon ang sinasabi ng utak ko,e. Iyon ang mas mabuti kahit sinasabi ng puso ko na dapat ko siyang harapin at sabihin ang nararamdaman ko.


Ang tunay.



Ang matagal ko nang tinatago. Ang matagal ko nang kinikimkim. Ang nararamdaman kong pilit tinatago.



Oo,may nararamdaman padin ako para sa kanya. Actually,hindi naman iyon nawala. Sinasabi ko lang sa sarili ko na 'naka move on na ako dahil ilang taon na ang kumipas' 'hindi ko na siya mahal' 'matagal na iyon' 'okay na ang lahat' kinalimutan ko na siya' pero pangungumbinsi ko lang ang mga iyon sa sarili ko,dahil sa takot.



Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon