|25|>overtime

4 2 0
                                    

"Oh,Yesha ayos ka lang?" Napaatras ako nang umambang hahawak sa noo ko si Nina pero naabot niya parin ako. "Wala ka namang sakit,ah? Bakit ang tamlay mo?" Alalang tanong niya.

Umupo ako sa upuan ko at kumalumbaba."Ayos lang ako. Siguro pagod lang." Sana. Sana pagod lang ang nararamdaman ko pero  mukhang hindi.

"Gusto mo bang um-absent muna?" tanong niya.

Napakunot ang noo ko sa suhestyon niya. "Luh? Hindi na. Ayos lang talaga ako." Ngumiti ako sa kanya pero mukhang di siya kumbinsido.

Mukha na ba akong pagod na pagod? Halata na ba?

Hindi naman ako pagod. Siguro dahilan lang ito ng pagpuyat ko dahil sa kababasa ng mga comments at panunuod ng mga issue tungkol kila Emmanuel at Cian. Nakakatuwa na marami silang fans at mas lumalawak pa Ito. Mas lumalawak na naman ang kalaban ko.

Marami rin silang mga fanpage at mga poser accounts. Nang ipakita kasi ni Tita Elijah ang mga pictures na nagpadurog sa akin at nanliit sa akin ay di' na mapakali ang utak ko kaya nag search search ako nang ikakasama ko. Alam kong masasaktan ako pero masyado kong ipinairal ang pagka kuryusidad ko sa bagay na iyon.

Kaya ito ako ngayon at nag ooverthink.

Kanina pa nga ako tinatanong ni Nina kung ayos lang ako pero lagi kong isinasagot na 'oo' hanggang sa uwian ay tanong parin siya ng tanong kaya minabuti ko nang mauna sa kanya sa pag-uwi. Tsaka buti nalang at tumawag si Emmanuel sa akin.

"Hello?" sagot ko. Tumahimik naman si Nina sa kakatingin sa akin.

"Babe...asan ka? Free kaba ngayon? Wala kasi 'yung make up Aartist ko,e. Tsaka miss na rin kita," aniya.

Hindi ko pa kinakausap si Emmanuel tungkol sa Ipinakita ni Tita dahil may pinuntahan kaagad siya noon. Nagmamadali rin siya kaya ayaw ko siyang isturbuhin. Ngayon na siguro ang time para kausapin ko siya tungkol sa mga pictures.

"Sge...sunduin mo ako."

"Si kuya Jeff nalang,di kasi ako pweding umalis,e "

"Sge." Pinutol ko ang tawag.

"Boyfriend mo?" tanong ni Nina.

Hindi kaagad ako nagsalita. "A-ah...Hindi." Umiling ako. "Kaibigan ko lang." Ngumiti ako.

"Ah..." Nagpatuloy kaming maglakad palabas ng campus. Sabi ko mauuna na akong umuwi sa kanya kaso masyado siyang madikit sa akin at ihahatid daw niya ako sa labas. "Hmm...fan karin ba ng Cian at Emmanuel?" Biglang tanong niya.

Tumango ako kahit na hindi naman talaga ako fan nila. Against ako. Chos

"Bagay sila,nu?" Hindi naman ya'ta.

"Oo naman." Ngumiti ako.  "Ahh...sige bye na!" Umalis kaagad ako nang hindi hinihintay ang sasabihin niya.

Binilisan ko ang paglalakad. Lakad takbo ang ginawa ko para lang masigurado na hindi niya ako masusundan. Baka kung sundan niya ako ay malaman niyang kilala ko si Emmanuel. Baka pagmulan pa iyon ng issue. Ayaw ko namang magkaroon ng issues si Emmanuel.

Kumaway kaagad si kuya Jeff nang matanaw ako kaya dali dali akong sumakay sa front seat.

"Hii Yesha." Bati niya.

Ngumiti ako sa kanya bilang pagbati pabalik.

"Ayos ka lang?" Nagsimula na siyang mag drive. Tumingin ako sa kanya at tumango. "Mukhang ang tamlay mo ah?" Usisa niya.

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon