"Yesha,mauuna kana sa party ha? May pupuntahan pa kasi ako. Pero promise! Babalik kaagad ako." Hindi na ako nakaangal pa nang kumaripas ng takbo si Blake na para bang may hinahabol at hindi man lang hinintay ang sagot ko.Ngayon kasi ang party ni Mrs, Ivy. Siya na nga iyong excited na pumunta kami tapos tatakbuhan pa ako! Nakakawalang hiya iyon ah!
Nagpatuloy nalang ako sa pag-aayos sa aking sarili. Wala kasi iyong make up artist ko dahil may pinuntahan at tsaka alam ko namang mag make up kaya walang problema sa akin.
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag ring iyon. Tumatawag si Sandy kaya sinagot ko kaagad.
"Yeshaaaa!" Bungad niya kaagad. Halos ilayo ko pa ang cellphone sa aking tenga.
"Oh? Anong Balita?" Ngiting tanong ko kahit na hindi niya kita.
"Tutugtug sila Lymes sa Dalampasigan! And guess what? Kasama kayooooo!" Natigilan ako saglit sa sinabi niya. Prinuprosesa ko pa iyon sa utak ko.
Nang magets ko na ang sinabi niya ay halos mapatayo ako sa tuwa.
"Ibig sabihin magkikita na tayo ulit?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tuwa. Kahit na hindi ko kita ay ramdam ko na tumatango niya.
Nagkikita naman kami noon ni Sandy pero minsan minsan nalang tsaka busy din siya noon dahil Med ang kanyang kurso. Kahit nasa probinsya lang siya ay halatang halata na disedido siya sa pag-aaral niya at masaya ako para sa kanya. Masaya din ako para sa kanila ni Lymes.
Tsaka Isa pa,gusto ko din kasing makita sa Dalampasigan at gusto kong magkaroon ng peace of mind ngayon.
Sinabi sa akin ni Sandy ang date. Pagkatapos pala ng graduation iyon kaya mas lalo akong na excite. Parang advance graduation gift iyon para sa akin. Sa tagal tagal na taon na hindi kami nakakpag-bonding ay ito na ang panahon para magkita-kita ulit kami. Miss ko na talaga siya.
Nang makapag-ayos ako ay tumayo na ako para tumungo sa sasakyan ko at pumunta sa party sa bahay ni Mrs. Ivy.
Nakasuot ako ng maxi purple dress organza partnered with platforms purple shoes. Para naman matchy matchy. Tsaka nag Dior diorama bag na din ako.
Pagdating ko sa party ay marami na kaagad naka park na magagarang sasakyan. In-park ko ang sasakyan ko malapit sa may gate para naman madaling makaalis. Wala naman akong balak na magtagal dito. Kampante naman ako kasi mga kapwa model ko din ang ibang dadalo dito pero may iba din na hindi ko kakilala dahil maraming in-invite si Mrs, ivy sa party niya. Of course Mrs. Ivy is one of the best magazine owner.
Bago pa man ako makarating sa loob ng bahay ni Mrs ivy ay may nakabangga sa aking babae na hindi ko kakilala kaya nahulog ang Bag ko. Kaagad ko iyong pinulot.
"Sorry,sorry miss." Pa-ulit ulit na sabi ng babae sa akin na may maikling buhok. Yumuyuko pa siya kaya nahiya kaagad ako.
"No,no,no. Ayos lang ako miss," sabi ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
Medyo nanlaki ang mata niya nang makita ako kaya napakunot bahagya ang kilay ko. Ngumiti nalang ako ng pilit kahit na na-wierduhan ako kaunti sa kanya. Baka Isa sa mga taga-hanga ko?
"Y-yesha?" Mas lumiwanag ang kanyang mukha.
"Yes?" Nahihiyang tugon ko.
"Yesha! Ikaw nga!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya. "Hindi mo ba ako nakikilala? Nina! Remember?"
Napa-o ang bibig ko nang mapagmasdan lalo ang mukha ng babaeng nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...