May 1, 2015 posted..
###
Percent 35 - Misunderstanding Freedom
I'm really delighted to see Caleb again after a long time of not seeing each other. I missed him as my friend of course.
Somehow I felt glad that he already got over his feelings for me. I know mayroon na siyang nagugustuhan na iba. Luckily, she's my friend. I'm happy for them both. Hindi talaga ako nagsisi na nangyari 'yung nangyari sa amin noon..
I'm reminiscing again. Ngumiti nalang ako kapag naaalala ko ang lahat ng mga nangyari.
Bumalik na kami ngayon sa field. Kasama ko sina Bryn, Gracie at Caleb. Timing naman ang pagdating namin. Magsisimula na kasi ang graduation march.
Pagkaumpisa nito ay nagsimula na kaming magmartsa papunta sa sari-sarili naming assigned seats. Habang nagmamartsa ay nasa likod ko syempre si Trey. Si Bryn naman ay nasa harapan ko.
Nanatili kaming nakatayo para sa prayer at pag-awit ng Philippine Anthem. Umupo naman kami pagkatapos.
Nanatili lang kaming tahimik na apat dito. Si Rylie, Bryn, Ako at si Trey.
Awkward kaming apat dito.. Panay kasi ang irap ni Bryn kay Trey. Si Rylie naman ay nakatingin lang sa stage. Walang ekspresyon at tingin ko wala din siya sa mood makipag-usap kahit kanino.
"Bryn.." Tawag pansin ni Rylie. Napatingin naman si Bryn agad sa kanya. Kaya natigil na din ang pag-irap ni Bryn kay Trey.
May binulong naman si Rylie kay Bryn. Mahina lang ito kaya hindi ko masyadong narinig..
Nacu-curious kasi ako sa kanilang dalawa. What's the real score between these two? Masyado kasi silang close sa isa't isa simula pa nung ilang araw. Well, wala naman akong problema kung may something nga sa kanila. Bahala na nga sila.
Tinuon ko nalang ang atensyon ko kay Trey. Ang tahimik naman yata niya. Ano bang iniisip nito? Parang ang lalim yata?
"Trey?" Tawag ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Hmmm?" Tanong nito at sabay tingin sa akin.
"What are you thinking?" I'm curious..
"Nothing.." Sagot nito at nag-iwas ng tingin sa akin. Nagtaka naman ako sa inaasta nito.
I tried to calm myself and asked him again. I know something is bothering him. But I don't know what is it.
"Seems like you're hiding something from me, Trey? Ano ba 'yun? You can tell me.." Kinukuha ko ang atensyon nito pero nanatili pa rin siyang nag-iiwas ng tingin.
"It's nothing, Lavine.."
"Okay fine. Hindi na kita pipilitin." Mataray na sabi ko sa kanya at iniwasan ko na din siyang tingnan at kausapin pagkatapos. Bahala siya.
Kung hindi niya sasabihin, pwes huwag niya akong kakausapin kung hindi niya masabi-sabi sa 'kin kung anong tinatago niya.
Nanatili akong nakasimangot dito hanggang sa tinawag na alphabetically ang mga apelyido namin para sa pagdistribute ng mga diploma.
Hindi ko pa rin siya pinapansin. Natawag na ang pangalan ko kaya umakyat na ako ng stage at pinilit kong ngumiti nang pagkatanggap ko na ang aking diploma.
Bumalik na ako sa upuan ko. Blanko ang ekspresyon ko.. Si Trey pagkadating niya sa katabing upuan ko at napabuntung hininga ito. At tinignan ako.. Hunawakan niya din pagkatapos ang kamay ko.
"Look, I'm sorry.. Marami lang akong iniisip. Tungkol sa mga mangyayari pagkatapos ng graduation na 'to. If I can stay with you or go back to the place where I came from.. It's complicated, Lavine.. We'll talk these things later after the program." Paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
A Mere Percent
ChickLitLovely Heiresses Trilogy #1 Lavine Irelia Lombard story. "Even though I promised myself I wouldn't risk the chance of getting hurt again, for some reason, when I'm with you, it all seems worth it." We all believed that the world is filled with fairy...