Percent 21 - Knowing His Secrets

51 2 0
                                    

Hello there! Sorry long time no UPDATE.
Tinamad po kasi akong mag-update. Kekeke. Sorry talaga.
Kaya para pambawi. Dalawa ang Update ngayon. ^__^

VOTE. COMMENT. BE A FAN. naman po kayo. PLEASE? Thank you! ^___^
_________________

Percent 21 - Knowing His Secrets

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko na nandito ako sa isang room na halos white lahat.. Last thing I remembered was I fainted in the canteen. Ano kayang nangyari pagkatapos?

"Buti gising ka na, Lavine sis." Pag-aalalang sabi ni Bryn.

Ngumiti naman ako sa kanyang pag-aalala. Nandito si Bryn, Gracie, Rylie at Caleb. Tingin ko nandito ako sa infirmary sa school.

"Grabe, bigla-bigla ka nalang kasing nahimatay. Buti nalang naalalayan ka agad ni Rylie.." sabi naman ni Gracie.

"Ano pa ang nangyari sa akin pagkatapos kong nahimatay?" Tanong ko sa kanila.

"Dinala ka namin dito at sinabi ng nurse na overfatigue ka daw. Kaya kailangan mong magpahinga.." sabi naman ni Rylie.

"Thank you pala sa inyo. Hindi niyo ako pinabayaan."

"No probs. Nandito lang kami para sa'yo." Sabi naman ni Caleb.

Tumango lang rin ang iba bilang reaksyon sa sinabi ko.

***

Malapit na pala ang sembreak namin. Siguro mga one week nalang ang natitira at Bakasyon na namin. Masaya ng pero at the same time ay malungkot din.

Nakakalungkot kasi. Kami lang kasi ni Kuya Ivan ang pumupunta sa puntod nina Mom at Dad. Hay..

And speaking of which nagawa na kaya ni Kuya Ivan ang ipinagagawa ko sa kanya? Kakausapin ko nalang siya mamaya..

Grabe. Curious na curious na kasi ako sa mga nangyayari kina Trey.. err kasama na doon si Krystalle. Pero kapag naiisip ko silang magkasama ay naiinis ako. As in super naiinis talaga.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko at tumingin-tingin sa paligid ko.

Something change. I can feel it.

Cassiopeia Princeton University, is surely an elite school.. with many rich, classy, spoiled brats.

Good thing hindi naman ako kasama mga spoiled brats kasi Good girl ako at isang independent woman.

Muntik na nga akong maging Students Council President pero nanalo si Gracie, okay lang rin sa akin.. kasi ako naman ang Vice President. Halos lahat kami pati si Bryn ay kasama din pero siya ang Secretary. Campus Royalties eh.

"Hey." Tawag ng boses na pamilyar sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya..

"Hi there, Lathan! What brings you here?"

"Wala lang. Nakita kasi kitang nag-iisa dito. At parang may malalim kang iniisip. Care to share or tell? Friends naman tayo diba?." Tanong nito.

"Ah. That. Last thing I checked hindi naman ako nag-agree at sinabi kong MAYBE sa future pa mangyayari yun.." sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi.

Naging iba namana ang itsura nito na parang nalulungkot. Okay. Yan na ang signs na hinihintay ko.

Hindi ko na mapigilang tumawa. Nagulat naman ito.

"Gotcha!!! Hahahaha. I'm just joking." Natatawa pa rin ako at tumawa na rin si Lathan. Ngayon ko na naman ulit siya nakita na ngumiti.. Matagal ko na rin siyang hindi nakita na tumatawa.

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon