Percent 15 - From Big Bro with Surprise

103 3 0
                                    

###

Percent 15 - From Big Bro with Surprise

LAVINE

BAKIT? Bakit? Bakit? At Bakit? Sa dinarami-rami ng tao na pwedeng makita ko ngayon at siya pa talaga ang muntikan nang makabangga sa amin.. 

"Ano na ang gagawin natin? Naging cause na tayo ng traffic dito." Sabi ko sa kanya na nakapamewang.

Nakakunot-noo at nagkibit-balik lang ito.

"Hoy. Ano na??? Mag-isip ka naman ng solusyon diyan?"

"Okay, Miss----"

"Lavine na lang. Sobrang formal ka naman."

"Sorry sa muntikan ng pagkabangga ng kotse ko sa kotse mo. Sorry ulit."

"Ano pa bang magagawa ko. Buti nalang walang gasgas ang sasakyan kundi patay talaga ko kay Kuya Ivan ko."

Natawa naman si Trey. Mga tao talaga ngayon, mga bsliw. Kanina pa kasi sila. Kay Bryn, Gracie, Rylie at Caleb palang.

"Sige alis na ako. Papagalitan pa kasi ako ni Kuya kung malalate ako ng uwi. Strict eh. Bye."

Pumunta na ako sa sasakyan ko. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Trey at pumasok na ako.

"Sorry ulit sa muntikan ng pagkabangga ng sasakyan natin. I'm sorry. Bye."

Sinenyasan ko na ang driver na umalis na kami. At tinignan ko si Trey kung anong ginawa niya. Nakita ko itong papasok na sa sasakyan nito na papaalis na rin.

"Manong, sekreto lang po natin 'to ha. Wag mong sabihin kay Kuya.."

"Opo Ms. Lavine."

"Salamat po."

Hindi ako papagalitan ni Kuya. Basta hindi lang niya ito malaman.

After nang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa bahay na parang walang nangyari. Pumasok na ako sa bahay at nakita ko si Kuya sa sofa na parang hinihintay niya talaga ako.

"Hi big bro! Good Evening. Ang sasabihin mo nga pala sa akin? Ano iyon?"

"Akala ko nalimutan mo na naman. Buti naman hindi."

"Syempre naman! Nakakainis ka naman Kuya. Anong akala mo sa akin? May memory loss?"

"Hindi naman sa ganoon baby sis. Okay back to the point. Eto 'yun, may bibigay ako sa 'yo." 

May kinuha siya sa ilalim ng table na isang antique box. Nakakunot-noo naman ako nang makita ko ang box. Ano ang nasa loob nito?

"Ano 'to Kuya?"

"Buksan mo."

Binuksan ko naman agad. At may nakita akong isa pang maliit na box at binuksan ito ulit. May nahawakan akong parang susi. Pinakita ko sa kanya.

"Para saan ang susi na 'to Kuya? Para sa bahay na bago ang padlock? Sa gate?" Nakakunot noo pa rin ako.

"For your new car."

Ha? Eh? NEW CAR? CAR? CAR? CAR?

Tingin sa susi at kay Kuya. Susi-Kuya, Kuya-Susi , Susi-Kuya.

SUSI???

BINGOOO! Napatili ako sa sobrang saya.

Napatalon-talon ako sa harap ni Kuya Ivan. Naeexcite ako. May sasakyan na kasi ako!

Ang matagal ko ng pinapangarap ay natupad na. Thanks to my big bro.

"THANK YOU KUYA! I LOVE YOU KUYA IVAN!" Kiniss ko siya sa cheeks. Masayang-masaya talaga ako ngayon dahil sa ganitong news.

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon