###
Percent 20 - Confession
NANDITO ako sa classroom ngayon pagkatapos ng paghingi ng tawad ni Lathan sa akin doon sa locker area. Ngayon wala na akong poproblemahin sa past ko.
Tumunog na ang school bell na hudyat ng pag-uumpisa ng mga klase. Pero wala pa naman ang teacher namin dito.
Napatingin naman ako kay Bryn at Gracie dahil bagong dating sila. Tumaas ang kilay ko dahil sabay pa talaga sila. Sina Rylie at Caleb naman ay may pinag-uusapan na ewan. Hindi ko rin alam. Hindi ko na pinansin.
"Hi sis!" Bati ni Gracie sa akin.
"Hello din sa inyo. Mukhang napuyat kayo ha? Medyo panda eyes pa kayo. Care to tell? Hindi niyo man lang ako niyaya?" Natatawang sabi ko sa kanila.
"Grabe ka, Lavine. Ikaw din kaya may eyebags. Hindi lang kami." Ani Bryn.
"Alam ko. By the way may sasabihin akong good news sa inyo."
"Anong GOOD news?" Sabay nilang sabi.
"Bati na kami ni Lathan."
"Lathan? You're good for nothing ex?" Tanong Bryn
"Ano na namang sinabi niya sa'yo?" - Gracie
"Humingi lang siya ng tawad sa mga katangahan niya noon. Yan lang rin." Pag-iexplain ko sa kanila.
"Buti nalang na hindi naman siya humingi pa ng second chance." Sabi ni Gracie.
"Well, sinabihan ko na siya agad before niyang masabi yun. Hindi ko na kasi gusto pang masaktan nanaman ulit. Mabuti na rin ito na magkaiba na ang kinahuhumalingan ko."
"Kinahuhumalingan huh?" Tanong ni Bryn.
"You know finding my own Mr. RIGHT? Thats what I meant." Muntik na talaga akong madulas doon.
"Ahhh. Ganoon ba." Tumatango lang rin sila.
Phew! Kailangan ko na talagang iwasan isipin ang Trey na yun. At ang nararamdaman ko rin.
"Hey. Anong iniisip mo?" Tanong ni Rylie na nakapamulsa. Hindi ko nahalata na nandito na pala sila ni Caleb sa harapan ko--- I mean sa harapan namin nila Bryn at Gracie..
"Wala naman." Simpleng sagot ko sa tanong ni Rylie.
"Talaga?" Tanong ulit ni Caleb.
"Talagang-talaga." Sabi ko nalang. Sana hindi nila nahahalata.
Mukhang hindi naman. Nakita ko sa akong peripheral vision na pumasok na si Trey kasama si Krystalle. Wait? Krystalle? Ba't nandito siya sa school?
Timing rin sa pumasok na si Sir sa room kaya napabalik kami agad sa sari-sarili naming upuan.
"Announcement students! May bago na naman kayong classmate. Let's welcome Ms. Krystalle Schreive." Sabi ni sir at naghiyawan naman ang mga kaklase kong lalaki. Wahhhhh!!! Ang ingay! Nakakairita talaga ang babaeng yan!
Napatingin naman ako kila Bryn at Gracie at mukhang nagkakaintindihan kami ng iniisip at tanong sa isip.
Si Trey naman ay umupo naman sa kanyang upuan na parang wala lang sa kanya. Sumunod din si krystalle aa kanya at may nag-offer ng upuan sa kanya na katabi lang nung upuan ni Trey. Grabe siya?
Ano ba 'tong iniisip ko? Is this what they call Jealousy?
Wahhhh! Ano bang nangyayari sa akin?Nagsimula na rin si Sir sa paglelesson. Hindi naman ako nakikinig.. Nagtitake down notes lang ako. Marami akong iniisip. Alam niyo naman ang plano kong gagawin na malaman ang sekreto nila.
BINABASA MO ANG
A Mere Percent
Chick-LitLovely Heiresses Trilogy #1 Lavine Irelia Lombard story. "Even though I promised myself I wouldn't risk the chance of getting hurt again, for some reason, when I'm with you, it all seems worth it." We all believed that the world is filled with fairy...