###
Percent 19 - Heartbroken Heart
LAVINE
NAG-IISIP ako ngayon kung ano ang gagawing plano ko para malaman ang sekreto ni Trey at kasama na 'yung babaeng masungit na si Krystalle.
Ang problema ko ngayon ay wala akong maisip na plano ni isa. Ang talino kong tao pero wala akong ideya kong ano ang gagawin ko. Weird.
"Ba't ang lalim yata ng iniisip mo?"
Napatingin naman ako sa taong nagtanong. Hindi ko siya agad nasagot. Parang nabablanko kasi ang isip ko ngayon. Siguro dahil sa stress? Hindi ko rin alam.
"Nothing, Kuya." Sabi ko.
"Sigurado ka?" Tanong ulit ni Kuya Ivan.
Nandito ako ngayon sa bahay. Lalo tuloy gumulo ang isip ko. Ano ba ang Plan A ko?
"Kuya, pwedeng patulong?"
"Anong tulong?"
"May kilala ka bang P.I.?"
"PI? Ano? Police Intelligence o Private Investigator ba?" Natawa nalang ako sa mga sinasabi ni Kuya.
"Private Investigator, Kuya. May papagawa lang sana ako para makilala ko 'yung tao na 'yun.."
"Oo meron. Pero sino naman 'yung lalaking 'yan? Kilala ko ba siya?"
"Si Trey po Kuya. 'Yung naghatid sa akin nung gabi na akong nakauwi."
Bigla na lang naging iba ang expression ni Kuya. Hindi ko kasi ma-read ang expression nito at kung bakit biglang nagbago. Ano bang meron?
"Anong nangyari sa'yo Kuya? Bakit parang nakakita ka ng multo?"
"Wala. Sige. Tutulungan kita. Sasabihan nalang kita ng results ng pag-iimbestiga ko. Ano ba ang full name ng lalaking 'yun?"
"Trey Morgernstern po, Kuya. Salamat talaga Kuya." Sabi ko habang nakangiti.
Umalis na si Kuya at pumunta sa sarili nitong silid.
Sinulat ko naman ang mga plano kong gagawin sa isang notebook. Buti nalang may tutulong na sa akin. Hindi na ako mahihirapan.
###
Naalimpungatan ako. Bigla na lang kasing nag-ingay ang phone alarm ko. Nakakainis.
Wala na akong nagawa kundi ay bumangon. Nawala na rin kasi ang antok ko. Bakit ba kasi ako nagpuyat kagabi? Ang itsura ko ngayon ay naging zombie dahil sa eyebags ko.
Nag-ayos nalang ako ng sarili at pumunta ng school na dala ang sariling sasakyan. Pagdating sa school ay humanap ako ng pwedeng paparkingan ng sasakyan ko. Buti nga medyo maaga pa ako nakarating sa school at wala pang tao. Buti na lang. Inaayos ko muna ang sarili ko at lumabas na rin sa sasakyan at inilock ito.
Pumasok ako sa main building kung saan makikita ang mga lockers. May naiwan kasi akong notebook doon.
Nakarating na ako sa locker area. Pero bigla na lang akong napahinto. Kasi nandoon si... Lathan.
Napatakip ako sa aking bibig. Bakit ngayon pa siya nagpakita ulit? Hindi pa ako ready na makipag-usap sa kanya.
Aalis na sana ko pero dahil minamalas ako ngayon ay nakita agad ako ni Lathan. And worst is tinawag niya pa ako.
"Lavine!" Tawag nito sa akin. Nakatalikod ako sa kinaroroonan nito.
Ano ba 'to? Haharapin ko na ba siya ngayon? Takot akong masaktan ulit. Siya kasi ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sa akin. Kung bakit ako takot na magmahal ulit.
"Kausapin mo naman ako.." Nagmamakaawang sabi nito.
"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan? Wala na 'diba? Ang sakit-sakit ng ginawa mo, Lathan! Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako! Kaya nga mas mabuti pa na hindi na tayo nag-uusap o mag-uusap kahit kailan!" Tumutulo na ang luha ko. "Siguro masaya na kayo ngayon ni Krizzy sa anak niyo. Ang hirap kasing i-absorb lahat. Parang kailan lang nangyari ang lahat ng 'yun. Grabe. Disappointed ako sa'yo! Ang mga pinagsasabi mo pa noon? Lahat ng 'yun ay isang napakalaking pagkakamali! Wala ka ng makukuha sa akin. I'm done." Galit na galit ako. Kapag nakikita ko ito ay bumabalik na naman ang nangyari sa nakaraan na matagal ko ng kinakalimutan. Hindi ko na mapigilan ang mga hinanakit ko sa kanya. Ang feeling na sobra-sobra akong nasaktan. Siya kasi ang FIRST LOVE ko. Kaya hindi madaling makalimutan siya.
"Sa totoo lang, Lavine. Ang lahat ng sinabi ko sa'yo noon ay totoo. Kahit kailan hindi ako nagsinungaling. Mahal na mahal talaga kita. Si Krizzy ba? Ang anak sana namin ay wala na. She passed away together with my child. Dinamdam niya talaga ang mga nangyaring 'yun sa atin. Siguro dahil hindi nakayanan ng baby ay namatay ito. At hindi naagapan na makuha ang baby sa kanyang tiyan kaya naging rason 'yun ng kanyang pagkamatay." Medyo crack na ang boses ni Lathan. I pity him. Siguro dahil nawalan siya ng anak niya sana.
"Pero kung mahal mo ako, hinding-hindi mo magagawa sa akin ang kataksilan na 'yun! Kailan pa nangyari 'yung kay Krizzy? Hindi ko alam."
"December last year. Kasal na nga sana namin pagkanext day eh. Kasi nung malaman ng family niya 'yun ay pinilit nila akong pakasalan ang anak nila at hindi ako makatanggi dahil nga sa sabi mo na papanagutan ko ang baby. Imbis na kasal namin ay binurol sila for 3 days at dinala sa kanilang huling hantungan. Grabe nga ang iyak ng magulang nito. Sinisisi ako ng lahat sa pagkamatay ni Krizzy. Sinabihan din ako ng magulang niya na huwag na huwag na akong magpapakita ng pagmumukha ko sa kanila kundi sa hukay ako pupulutin." Malungkot na pagtatapos nito.
"Condolence. Pero kung sinasabi mo 'yan sa akin ngayon para magkabalikan tayo. Diyan ka nagkakamali. Wala na akong feelings para sa'yo. Nawala na ito ng parang bula. Kaya huwag mo ng pilitin ang sarili mo sa akin. Okay na sa akin na nalaman ko na ang totoo." Alam kong masakit ang sinasabi ko sa kanya pero kailangan ko 'tong gawin.
Para mawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko at para malimutan ko na rin ang mga nangyari. Pagkasabi ko ng lahat ay nawala na ang tinik sa puso ko dahil sa nalaman ko. Parang ang problem ko ay nawawala na. Alam kong sobrang nasaktan ako noon pero ngayon mukhang masaya na ang puso ko.
"Alam ko na sobra-sobra ang sakit na ibinigay ko sa'yo noon.. Pero alam ko namang wala ka ng natitirang feelings sa akin. Nandito ako para humingi ng kapatawaran sa'yo sa lahat ng ginawa kong kasalanan sa'yo. Ito na siguro ang huling pag-uusap natin sa mga nangyari noon. Sana maging kaibigan tayo sa future na hindi iniisip ang past natin." Sincere na sabi nito sa akin.
"Siguro nga. Sa future." Pumunta ako sa locker ko para kunin ang notebook ko. Alam kong hinihintay ni Lathan ang sasabihin ko sa kanya.
Pinunasan ko ang luha ko bago siya hinarap. "Lathan, pinapatawad na kita. Huwag ka ng malungkot. Makikita mo pa rin ang babaeng para sa'yo." Nginitian ko rin siya. Ito ang unang beses na ngumiti ako ulit sa harapan nito. Matagal-tagal na rin akong hindi nakangiti dahil kung makita ko ito ay umiiyak lang ako.
"Salamat, Lavine. Kaya hindi ako nagsisi na minahal kita noon at sobra akong nagsisi sa katangahang ginawa ko. Kung sana mababalik ko lang. Okay na rin ito. Atleast napatawad mo na ako." Niyakap niya ako, isang friendly hug.
Hanggang sa binitawan niya na ako at nagpaalam sa akin.
###
Edited Version! :)
= IrsBlueGreen =
BINABASA MO ANG
A Mere Percent
ChickLitLovely Heiresses Trilogy #1 Lavine Irelia Lombard story. "Even though I promised myself I wouldn't risk the chance of getting hurt again, for some reason, when I'm with you, it all seems worth it." We all believed that the world is filled with fairy...