Percent 8 - Walk Out

125 8 0
                                    

###

Percent 8 - Walk Out

LAVINE

NAGULAT talaga ako sa ginawang paghalik ko kay Trey. Nakakahiya talaga! Ano ba ang pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya?

And worst is ang palusot ko pa ay 'Token of Appreciation'? Ano ba 'yun? 'Yan ba ang binibigay tuwing may graduation? It's really embarassing!

I never felt so embarassed in my entire life! Kuya, Help me!

Pauwi na ako ngayon. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko kay Trey. Siguro simula ngayon iiwasan ko na siya..

###

* NEXT DAY *

Maaga pa akong nagising at nag-ayos ng sarili ko. Si Kuya hindi pa gising kaya ako na mismo ang gumawa ng almusal. Hindi ko na sinabi sa kanya ang nangyari. Nakakahiya eh!

Tapos na akong gumawa ng almusal at timing naman at nakita kong bumaba si Kuya Ivan sa hagdan.

"Wow. Ang aga mo pang gumising.. At nagluto ka rin ng almusal? Ang sipag mo yata ngayon, baby sis." Natatawang sabi ni Kuya Ivan.

Tumawa rin ako. "Siyempre ako pa! Masipag kaya ako, big bro.. Tara kumain na tayo ng almusal, nagugutom na ako.."

"Okay. Kahit kailan talaga matakaw ka pa ring kumain.. Tara na nga." Sinamaan ko ito ng tingin at tumahimik naman ito.

Tapos na kaming mag-almusal. At papunta na kaming school ngayon. Siyempre hinatid ako ni Kuya Ivan, hindi pa kasi ako pwedeng mag-drive.. Excited pa naman akong magdrive pero hindi pa ako pinapayagan ni Kuya Ivan na makakuha ng license.

Nakarating na rin kami sa Cassiopeia Princeton University, CPU for short. Phew! Bumaba na ako ng sasakyan at nagpaalam kay Kuya Ivan.

Habang naglalakad ako papuntang school halls nakita ko si Trey at mukhang magkakasalubong pa kami.

Ang malas ko talaga! Sabi ko iiwasan ko na siya kaya lumiko ako papuntang locker room at sa kabutihang palad nandoon din sina Bryn at Gracie. Lumapit ako sa kanila. Mabuti na lang hindi nila nakita si Trey.

Tumunog na ang school bell kaya pumasok na ang mga students sa kani-kanilang classrooms.

Nandito na kami ngayon sa classroom at hinihintay na pumasok ang teacher namin sa Physics.. Marami akong iniisip kaya hindi ko namalayang nandiyan na pala ang teacher namin.

"Good Morning class! Today we will study about Vectors and Scalars.." Pagsisimula ng teacher namin.

May inilagay siya sa whiteboard at sinulat ko naman iyon sa notebook ko.. Pero sa kalahati ng klase at hindi ako nakikinig. At pati na rin sa ibang subjects lumilipad ang isip ko..

Blah..

Blah..

Blah..

"Class Dismissed. Goodbye Class!" Sabi ng teacher namin.

Narinig ko na rin ang pagtunog ng lunch bell.

"Let's go, Lavine. Lunch na." Tawag ni Bryn sa akin. Nagpabalik din ito sa katinuan ko.

"Tara na, nagugutom na ako.." Sabi naman ni Gracie at nakatayo bitbit ang bag nito.

Inayos ko ang mga gamit ko. At binitbit na rin ang bag ko. Papunta na kaming canteen. Nakita agad namin sina Rylie at Caleb sa usual spot na inuupuan namin sa canteen. Kaya doon na kami dumiretso. Ang swerte ko naman nandito ang suitors ko.

*note the sarcasm*

"Lavine, bae." Bae? Eww.

"Don't call me that. Hindi pa nga tayo. Excited?!"

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon