###
Percent 12 - Deja Vu
LAVINE
TODAY is the day. Date na namin mamaya ni Rylie!
Woohoo! *note the sarcasm*
I'm not that excited. Hindi ko alam kong bakit hindi ako excited. Diba supposedly ang mga girls ay super excited kung may date sila? Pero bakit ako hindi ko 'yun nafi-feel?
Time check it's almost 10am in the morning. Mamaya pang 4pm ang date namin ni Rylie. Mag-aayos na lang siguro muna ako ng room ko. Ang gulo-gulo kasi eh. May 6 hours pa ako para mag-ayos mamaya.
Kinuha ko muna ang mga shopping bags. Pagdating ko kasi sa bahay kagabi ay tinapon ko lang sa sahig ang shopping bags at dumiretso sa kama ko hanggang sa nakatulog na ako. Ini-arrange ko na ang mga ito sa walk-in closet ko. First ang mga damit na pinamili ko kahapon, inilagay ko sa hanger. Next ang mga shoes, bag, accessories at last but not the least cosmetics.. Tapos ko ng ilagay ang mga 'yun sa closet at dresser ko.
Ano pa ba yung gagawin ko? Ah! Ang mag-arrange ng nakakalat sa room ko katulad ng mga notebooks ko na hindi nakalagay sa dapat lalagyan. Naglinis ako ng naglinis at VIOLA! Tapos na rin! Nakakapagod naman.
Tumingin ako ulit sa wallclock at TIME CHECK 1:30pm na. Hala! Hindi pa ako nakakain ng lunch. Lagot ako kay Kuya Ivan. Mabilis akong bumaba ng hagdan. At nakita ko si Kuya Ivan na masama ang tingin sa akin.
Uh Oh? I'm in a very big trouble!
"Skipping lunch again, young lady? Back to your old Habit?"
"Sorry kuya. Naglinis pa kasi ako ng room ko.."
"May date ka pa naman mamaya. Baka hindi ka siputin ng date mo niyan sa sobrang payat mo?"
Hala? Paanong? Bakit alam niya?
"Sabi ni Bryn." Mukhang nabasa ni Kuya Ivan ang iniisip ng utak ko.
Mga kaibigan ko nga ba sila? Hindi kasi sila marunong mag-zip ng bibig nila. Kundi nalaman na lang tuloy ni Kuya.
"Grabe ka naman magsalita Kuya! Makakain na nga!"
Kumain nga ako at tinititigan naman ako ni Kuya. Awkward.
Bilang parusa, ako ang pinaligpit at pinahugas ni Kuya Ivan.
Hugas, Hugas, Hugas. Yehey! Tapos na rin.
Time Check ulit. 2:30pm na. 1 hour and 30 minutes to prepare.
Kaya 'to! Aja! Fighting!
Nagpahinga muna ako for 2 minutes. Pagkatapos kong magpahinga ay pumasok na ako sa CR at naligo. Naligo siguro ako for 10 minutes.
Lumabas na rin ako ng CR at nagbihis ng blue long-sleeve blouse at tinernuhan ng black pants. Para sa shoes ay ang blue wedge at ang accesories naman ay ang bangles na binili ko. Pumili na rin ako ng purse para iterno sa attire ko.
After kong magbihis ay nag-apply ako ng light make-up, naglagay ng powder at lipstick. Tapos na rin akong mag-ayos, bumaba na ako sa baba para hintayin si Rylie. Umupo muna ako sa sofa. Napatingin naman ako ulit sa orasan at 3:50pm na. 10 minutes na lang at nandito na si Rylie.
Hinihintay ko siya at exactly 4pm ay may nagdoorbell sa labas.. Ang guard namin ang nagbukas ng gate at pinapasok siya nito sa bahay. May dala-dalang pumpon ng red roses si Rylie.
"Hello. Good Afternoon Lavine!" Bati nito at sabay bigay sa akin ng bouquet of flowers. Siyempre kinuha ko naman ito at binigay sa maids namin sa bahay at sinabihan na ilagay ang roses sa vase.
BINABASA MO ANG
A Mere Percent
ChickLitLovely Heiresses Trilogy #1 Lavine Irelia Lombard story. "Even though I promised myself I wouldn't risk the chance of getting hurt again, for some reason, when I'm with you, it all seems worth it." We all believed that the world is filled with fairy...