Percent 11 - Saturday Disaster

119 5 0
                                    

###

Percent 11 - Saturday Disaster

LAVINE

ANG himbing himbing talaga ng tulog ko. Nang biglang akong may narinig na nakakairitang boses.

"LAVINEEEEEEEEEE! GUMISING KA NA!MAGSASHOPPING PA TAYO!" Pasigaw na sabi ni Bryn. Ang boses nito ay sobra pa yata sa Alarm clock. Tumatalon-talon rin ito sa kama ko na parang bata.

Wala akong choice kundi imulat ang mga mata ko. Istorbo talaga!

Saturday ngayon pero nandito siya para istorbohin ako. Matutulog pa ako. Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Bryn ano ba?! Natutulog ako dito! Nakikita mo naman diba?" Matalim ang tingin ko sa kanya pero parang wala lang kay Bryn.

She giggled. "I know right! Tara aalis pa tayo kaya mag-ayos ka na." Excited na sabi nito.

"No. Mamaya na lang sa hapon, balik ka na lang dito. Matutulog pa ako. Kaya shoo shoo ka muna. Ang himbing himbing ng tulog ko at sinira mo lang. Layas na!" Tinabunan ko ng kumot ang mukha ko pero hinablot 'yun ni Bryn.

"Hindi pwede, Lavine sis. Ipinaalam na kita sa Kuya mo para sa alis nating ito. Kaya ang dapat mong gawin ngayon ay bumangon ka na diyan at dumiretso sa CR at magbihis ng damit pangmall. Gets mo? So GORA na! Winiwaste mo ang precious time natin eh." Naka-crossed arms na ito sa harapan ko.

Wala na akong magawa kahit gustung-gusto ko pang matulog. Hindi kasi niya ako titigilan kung hindi pa ako babangon dito sa pagkakahiga.

Bumangon na ako ngayon sa pagkakahiga at dumiretso sa CR para maligo gaya ng sabi ni Bryn kanina.
Nagbihis na rin ako ng orange sleeveless blouse at dark orange pants with matching white and orange heels.

Nag-apply ako ng powder sa mukha ko at pink lipstick sa lips ko. Sa wakas! Ready to go na kami.

Si Bryn naman ay naka pants din pero gray ang sa kanya at nakaflats siya na gray and black at blue na sleeveless naman ang damit niya. Mahilig kaming magsleeveless eh?

Bumaba na kami ng hagdan. Kinuha ko muna ang susi ng bahay kasi wala na si Kuya Ivan dito sa bahay. After nun ay lumabas na kami ng bahay.

Nandito rin pala ang driver ni Bryn. Dala niya ang sasakyan nila na Black Chevrolet Holden Commodore. Pinagbuksan ako ng pintuan kaya sumakay na ako sa kotse nito.

"So, saang lupalop na lugar tayo pupunta? Na inistorbo mo pa ako sa beauty rest ko?" Sarcastic kong sabi kay Bryn na nakataas ang aking dalawang kilay.

"Sa mall natin." Simpleng sagot nito and she grinned.

Ang tinutukoy niyang mall ay ang BLG Haven. Ito ay isa sa mga pinakamalaking mall na pag-aari ng family ni Bryn. Hanggang 5th floor ito. Kaya mahilig kaming magshopping dahil dito eh. May sari-sarili kaming stores sa mall nila na aming pangalan talaga. Nag-invest kami with the help of our guardians.

Tumango ako. "Si Gracie pala? Sasama ba siya sa atin?" Ngayon ko lang napansin na wala si Gracie dito.

"Yup! Sasama siya. Hinintay niya na nga tayo doon. Kaya nga pinapadali kita."

Nakarating na rin kami sa wakas. Pumasok na kami sa mall at dumiretso sa kung nasaan naghihintay si Gracie.

Nakita siya namin sa isang boutique. Pumipili ito ng shoes. Ang damit naman pala ni Gracie ay red pants at pink sleeveless blouse with matching red and black flats. Mahilig talaga kami sa pare-parehong damit. Pero infairness ha! Hindi naman namin pinlano na ganito ang mga attire namin para sa araw na ito.

Nilapitan siya namin. Pero hindi pa rin niya kami nakita.

May brilliant idea na pumasok sa isip namin.

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon