###
Percent 13 - Project Partners
LAVINE
ANG weird talaga ng panaginip ko. It doesn't make any sense. Pinapasok ko sa aking isipan na isang panaginip lang ito hindi ba? Hindi totoo.
Bumangon ako at pumunta sa banyo para maligo. Madali lang akong nagbihis na ng school uniform. Kinuha ko na rin ang school bag ko at bumaba sa ibaba. Naabutan ko ang aming katulong na naghahanda ng almusal. Nasaan kaya si Kuya Ivan? Wala kasi siya dito.
I cleared my throat. "Excuse me po, Manang Rima. Nasaan po si Kuya?" Tanong ko dito.
"Ah si Kuya mo ba? Hindi pa siya nakababa, Miss. Baka natutulog pa sa kwarto niya." Sagot nito.
"Ganoon po ba. Salamat po."
Umupo nalang ako at nag-umpisa na akong kumain ng pagkain na hinanda ni Manang Rima. Favorite food ko kasi ang niluto niya.
Tinignan ko ang relo ko at 6:30 am na. My class starts at 7:30am daily. Kaya may 1 hour pa ako. Malapit lang din kasi ang school ko sa village namin.
Magfifacebook siguro muna ako para pampalipas oras.
After nang ilang minuto, bumaba na rin si Kuya Ivan at mukhang bagong gising lang siya. Kasi ang mga mata niya ay bagong mulat pa lang. Buti nga hindi siya nahulog sa hagdan kasi mukhang hindi pa gising ang diwa at kaluluwa niya.
Kung mahuhulog man siya, may sasalo naman sa kanya eh.. And Guess what?
Sasaluin lang naman siya ng sahig.
Panay ang tawa ko sa mga imaginations ko. I'm so mean. Maagang-maaga pa pero ano 'tong pumapasok sa isipan ko?
Nagulat ako nang tumingin si Kuya Ivan sa akin habang pinipigilan ko ang aking pagtatawa. "Anong tinatawa mo baby sis?"
"W-wala, big bro. May nakita lang kasi akong nakakatawa. Nevermind. And don't mind me."
"Ano nga?"
"Secret. That's for me to know and for you to find out." Makahulugang sabi ko sabay grin.
"Okay sabi mo eh. Pero hindi ko rin bibigay sa 'yo ang surprise ko mamaya.."
Napakislap naman ang mga mata ko sa narinig.
"Talaga? Ano naman 'yun Kuya?"
"That's for me to know and for you to find out. Secret muna." Nagsmirk pa siya sa akin.
What? Sinunod lang ni Kuya ang line ko. Nakakainis! Payback and revenge?
Bumuntung hininga ako bago nagsalita. "Okay. Sasabihin ko na nga lang. Kaya dapat sabihin mo rin sa akin ang secret mo. Promise?"
"Promise." Tiningnan ko si Kuya kasi baka hindi niya ifulfill ang promise niya eh.
"Walang bawian ha?" Tanong ko ulit para panigurado.
Tumango naman si Kuya Ivan.
"Okay. Ganito kasi 'yun kuya." Tumawa ako. "Ini-imagine ko kasing mahuhulog ka." Humalakhak ako. "Sa hagdan at sasaluin ka ng sahig. So ganun 'yun. The end." Tumatawa pa rin ako.
Nakakunot-noo naman si Kuya. "So gusto mo pala akong mapahamak ha?" Sabay kurot sa pisngi ko.
"Aray! Kuya! Masakit kaya!" Hinimas ko naman ang pisngi ko na kinurot ni Kuya.
"Hindi ko na talaga sasabihin ang secret at surprise ko sa 'yo. Ang bad bad mo baby sis." Sabi ni Kuya.
"Unfair! Nag-promise ka kaya! Hindi 'to pwede! Yah! Kuya Ivan, Sabihin mo na!" Hysterical na sabi ko. Kinukurot ko ang braso nito para pilitin siyang sabihin sa akin 'yung sasabihin niya. Hindi 'to pwede!
Hindi niya talaga sinabi sa akin. Gusto kong umiyak.
"Mamayang uwian ko nalang sasabihin sa'yo." Sabay grin. May evil plan talaga si Kuya!
"Layas na! 7am na oh. May klase ka pa.."
"Okay. Makasabi ka ng layas parang hindi mo ako kapatid ha!"
Nagmartsa ako palabas ng dining room papunta sa labas ng bahay.
Umalis na ako sa bahay at nagpahatid sa driver namin papuntang school. Mamaya pa kasing 9 ang pasok ni Kuya sa work niya kaya hindi kami magkasabay.
Nag-earphones nalang ako. Hanggang sa nakarating na ako sa school at exactly 7:10. Sabi sa inyo eh. Malapit lang ang school ko sa bahay namin..
Bumaba na ako sa sasakyan. Kailan pa kaya ako magkakaroon ng sariling sasakyan?
Naglakad ako papuntang hallways. Nakasalubong ko si Bryn at Gracie sa locker. Kukunin ko pa kasi ang mga gamit ko para sa morning classes ko. Sabay na kami ni Bryn at Gracie papuntang classroom.
Wala pa ang teacher namin para sa Music Class. Nag-ayos na lang ako ng gamit ko. Katabi ko nga pala si Trey at pinapagitnaan niya kami ni Bryn, at sa gilid niya ay si Rylie naman na pumapagitna sa kanila ni Gracie at sa katabi ni Gracie ay si Caleb. Five popular royalties ay magkatabi. Ay teka parang ang gulo. Ito yun:
Ako - Trey - Bryn - Rylie - Gracie - Caleb
Seat plan ng adviser namin. Nakakainis nga! Iniiwasan ko si Trey pero katabi kami sa klase. Ang saya nga grabe. Tss.
Dumating na din ang teacher namin. Si Ms. Beatriz Dusta. Parang dustpan ang apelyido nito? Pinipigilan kong tumawa.
"Good Morning Class!" Masiglang bati ng teacher namin.
"Good Morning Ms. Dusta!" Balik bati namin.
"Today, I will assign your partners for your upcoming project."
Nag-umpisa ng mag-rollcall si Ms. Dusta. Hinihintay ko na tawagin ang pangalan ko.
"Lombard, Lavine at Morgernstern, Trey." Napatingin naman ako sa katabi ko. Ganoon din ito.
Great. We're partners. Note the sarcasm.
Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa ni Trey sa akin sa Greenwich. Dinumihan nito ang damit ko.
At ngayon partners pa kami?!
###
Edited Version. :)
Thank you!
= IrsBlueGreen =
BINABASA MO ANG
A Mere Percent
ChickLitLovely Heiresses Trilogy #1 Lavine Irelia Lombard story. "Even though I promised myself I wouldn't risk the chance of getting hurt again, for some reason, when I'm with you, it all seems worth it." We all believed that the world is filled with fairy...