Percent 27 - Preparation

45 3 0
                                    

Sorry po dahil na-delay.. PEACE! XD

Here's the Update.. :-)

###

Percent 27 - Preparation

LAVINE

"Okay, that's it for now. Break muna kayo for 10 minutes and magpapractice tayo ulit dito. DON'T BE LATE!" instruction sa amin ng instructor para sa pageant.

Mabuti nga na break na. Kasi nakakapagod rin kaya ang pagrampa pabalik-balik sa stage na naka-heels ano!

Umupo naman ako agad. Pagod na pagod eh. Huminga din ako nang malalim. Hindi ko na hinubad ang heels.

Si Rylie naman ay umupo din sa tabi ko. Halatang pagod na din.

Nag-inhale exhale muna ako bago magsalita. In short ay huminga ako nang malalim.

"Rylie. Eto tubig oh. Parang na-dehydrate ka kasi.."

Kinuha naman nito ang bottled water na inabot ko sa kanya.

"Thanks."

"Nga pala. Ano ba ang iba pang games para sa school fest? Alam mo ba?"

"Wedding Booth, Jail Booth at ang Noodles na game lang ang alam ko na sinabi sa akin ni Bryn kanina.."

"Ha? Parang ang common naman ng games na napili nila?"

"Ewan ko ba. Mag-suggest ka na lang sa kanila ng ibang games na unique.."

"Oh siya. Sige ba. Pero mag-iisip muna ako. Sasabihan ko nalang mamaya si Gracie."

Tapos na agad ang 10 minutes na break namin. Kaya nag-umpisa na naman kaming mag-practice ni Rylie.

Rampa dito. Rampa doon.

Hanggang sa natapos na rin. Napagod ako dun.

"Sige. Bukas ulit. Don't Be LATE! See you tomorrow!" Ani ng instructor namin. Terror instructor talaga. Tss.

Hapon na kaming natapos.. Siguro mga 5:30 na kahit na maaga pang nag-umpisa ang practice namin.

Nagpahinga muna ako dito malapit sa stage. Uminom ng maraming tubig.. Mukhang nadehydrate kasi ako.. Hinubad ko na din agad ang heels ko. Tinignan ko ang paa ko at ang pula nila. Masakit at mukhang namaga. TOT

Sinuot ko nalang ang flats na suot ko kanina before kong sinuot ang heels. Pinasok ko ito agad sa paperbag.

"Lavine, see you tomorrow." Paalam ni Rylie.

"Sige. Pero dito muna ako magpapahinga."

Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Hinila niya din ako pagkatapos..

"Ano ba? Sabi ko magpapahinga ako dito!" Binawi ko ang kamay ko sa kanya.

"Oo alam ko. Pero may pupuntahan pa muna pala tayo." Sabi nito habang hila-hila pa rin niya ako. Hindi siguro nito alam na masakit ang paa ko?

"Saan ba?" Tanong ko at binawi ang kamay ko.. Pero hindi niya binitawan.

“Basta."

"Okay fine."

Nagpahila lang ako kahit na masakit na masakit ang mga paa ko.

Nakarating kami sa basement. Ewan ko ba kung anong ginagawa namin dito.

"Hep. Ano namang ginagawa natin dito, Rylie? Don't tell me mag-hahide and seek?"

Ewan ko ba lumabas lang bigla sa bibig ko. Ang dilim kasi dito na tamang-tama sa paglaro ng hide-and-seek.

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon