Sa side pala ang uniform ng CPU senior girls. :)
###
Percent 2 - Meeting My Suitors
LAVINE
FIRST day of school ngayon. Maaga pa akong nagising at inayos ang sarili ko para pumasok sa banyo. Mabilis akong naligo kaya lumabas na ako agad pagkalipas nang ilang minuto. Pinapatuyo ko na ngayon ang buhok ko gamit ang blow dryer.
Nakasuot na ako ngayon ng uniform ko, black and blue checkered skirt na above the knee, puting blouse, may black and blue checkered na necktie and last and certainly not the least for my footwear I'm wearingg a knee high white socks and black shoes.
Naglagay din ako ng kaunting powder sa mukha ko at lip balm sa labi ko. Simple lang naman ako. Hindi kasi ako tulad ng iba na high school pa lang, sobra sobra na silang maglagay ng make-up. Mukha tuloy silang clown.
Lumabas na ako ng room ko na dala dala ang backpack ko. Hindi pa naman mabigat ang bag ko kasi first day of school palang naman. Magbibigay lang yata ng mga requirements ang mga teacher namin ngayong araw.
Bumaba na ako ng hagdan at tumungo sa dining room. Naabutan ko doon si Kuya Ivan na naghahanda ng breakfast namin.
Timing naman ang dating ko dahil nakahanda na sa lamesa ang pagkain kaya umupo na ako agad at kumain. After naming kumain ni Kuya ay niligpit na ni Manang Rima ang pinagkainan namin. Nagmamadali na kasi ako dahil baka malate ako.
"Kuya! Bilisan mo namang kumilos! Malolate na ako sa iyo eh!" Pagmamadali ko sa Kuya ko. Umakyat pa kasi sa taas para kunin ang naiwang papeles niya.
"Nandiyan na! Teka lang!" Sagot ni Kuya.
Kinuha ko ang car keys ni Kuya at ako na mismo ang nagpaandar ng kotse nito. Bumusina na nga ako para mas bilisan ni Kuya ang pagbaba sa hagdan.
"Grabe ka talaga, baby sis. Ang aga aga pa kaya." Nakasimangot na sabi nito sa akin.
"Big bro, drive already." Nakangiting sabi ko.
Ilang minuto ang na ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa Cassiopeia Princeton University! Ito ang pangalan ng school ko. CPU for short.
"Bye Kuya Ivan, magpapasundo na lang ulit ako mamaya! I'll text you." Paalam ko.
"Okay. Bye!" Nakangiting sabi ni Kuya. Kinawayan ko siya hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kotse nito.
My school Cassiopeia Princeton University is a university that is exclusive for rich people and the heirs. In short you must be RICH and a HEIR of your family business to qualify and to enroll in this school. That is the Rules and Regulations of this school. The university principal, Mr. Carl Fiddlestick is a well-known businessman and has millions of money. Kaya niya siguro pinatayo itong school na 'to para madagdagan na naman ang mga milyones niya.
Napabuntong hininga ako sa mga iniisip ko.
Naglalakad na ako papuntang hallway nang makasalubong ko si Rylie Klasson, manliligaw ko siya.
"Hello there pretty lady!" Rylie said with a wink.
"Hi Rylie!" I waved and smiled at him.
"I miss you.. Will you accept my heart? " Seryosong sabi ni Rylie.
"Ahhh.... Uhmmm...." Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Nag-iisip pa ako nang may biglang sumulpot sa harapan namin ni Rylie.
"Hey Beautiful!" Caleb Tierra said and smiled at me.
"Saan ka ba nanggaling? Nagulat ako doon ah."
"Diyan lang sa tabi-tabi." He laughed. "I should do these more often. Ang saya. You should have seen your face!" Natatawang sabi ni Caleb. Nakita ko rin na pati si Rylie tumatawa na rin.
BINABASA MO ANG
A Mere Percent
Chick-LitLovely Heiresses Trilogy #1 Lavine Irelia Lombard story. "Even though I promised myself I wouldn't risk the chance of getting hurt again, for some reason, when I'm with you, it all seems worth it." We all believed that the world is filled with fairy...