Lavine and Rylie at the Side..
Here's the Update.. :)
###
Percent 28 - Mr. And Ms. CPU
Ngayon na!!! Ngayon na talaga ang pageant at kasama na diyan ang school fest!
Nakakabahan na talaga ako! Hindi pa nga nag-uumpisa pero ganoon na ganoon ang nararamdaman ko sa ngayon.. Hay sana nga malampasan namin ito mamaya.
Pero maaga pa kaya busy kami sa pag-entertain ng mga students. Booth by booth kasi ang assignments namin na mga Student Council Officers.
"Sis, okay ka pa ba diyan? Parang napapagod ka na." Nag-aalalang sabi ni Gracie.
"Okay lang Gracie. Mamaya pa naman." Tinutukoy ko ang pageant.
"Okay, sis. Mga 11:30 pala mamaya ay magsisimula ka ng mag-prepare. Hay Naku! Good Luck talaga sa inyo." Sabi ulit ni Gracie.
"Sige. Thanks."
At bumalik na kami sa pag-entertain ng games by booth. Kasama ko sa Jail Booth si Gracie. Si Bryn naman ay kasama niya si Rylie sa Marriage Booth. Ang iba namang officers ay sa iba't-ibang booth.
###
Ang bilis talaga ng oras at 11:30 na.
Pinapunta nila ( Gracie at Bryn ) kami ni Rylie sa dressing room na makikita sa likod ng stage na pagdadaraosan ng pageant maya-maya. Mga 4pm pa mag-uumpisa. Hindi naman sila medyo excited ano?
Nagsimula na ang make-up artist na sponsor ni Bryn sa pag-aayos sa akin.
Una sa make-up ko. Mabilis lang din natapos. Skilled make-up artist eh. Ang make-up ko ay smokey eyes na black and silver eyeshadow. Tapos lipstick na kulay pink. Simple but elegant.
Next ay ang buhok ko. Winawagayway lang nila at medyo ci-nurl sa ends.
Next ay ang damit ko na casual wear. Una kasi sa pageant ay ang talent portion. Kaya medyo casual lang at pinaresan ko ng flat shoes.
Si Rylie naman ay nilagyan ng foundation tapos lip balm na light pink. Mukha na siya ngayong bampira. Pfft. Hahaha. Pinipigilan ko lang na tumawa sa itsura niya.
"What's so funny?" Anito.
"Nothing."
"Tinatawanan mo ba ang kagwapuhan ko?"
Okay. That's it. Humagalpak talaga ako ng tawa sa kanya.
"Hahaha. Feelingero ka rin ano? You're so full of yourself."
"Ako pa kaya. Lahat kaya sa Klein family ay ipinanganak na may angking kagwapuhan at kagandahan."
"Well you're an exception." Sabi ko. Hindi na maipinta ang mukha nito ngayon. Ang saya saya talaga niyang asarin. Ang pikon niya.
"I didn't know na ganyan ka pala, Lavine. You hurt my ego there." Sumeryoso siya.
"I didn't mean to. I was just kidding."
"Okay lang. Let's practice for a few minutes for our talent showcase. Kaya natin 'to." Pagchichange topic nito.
Tinanguan ko lang siya at nag-practice na kami dito. Hanggang sa tinawag na kami ng organizer na maging ready na daw.
Binigyan naman kami agad ng number.
Contestant No. 2 kami.
Hay buti nalang hindi kami ang mauuna. Okay na 'to na second kami.
Yun nga pinalinya nila kami according sa number namin.
Hanggang sa tinawag na ang unang kalahok.
BINABASA MO ANG
A Mere Percent
ChickLitLovely Heiresses Trilogy #1 Lavine Irelia Lombard story. "Even though I promised myself I wouldn't risk the chance of getting hurt again, for some reason, when I'm with you, it all seems worth it." We all believed that the world is filled with fairy...