Percent 26 - What's With Nevermind?

34 3 0
                                    

HERE'S THE UPDATE.. :)

###

Percent 26 - What's With Nevermind?

Nakauwi na ako sa bahay para kausapin sana si Kuya Ivan pero pagkarating ko sa bahay ay wala pa siya.. Hindi pa siya nakarating sa bahay. Hihingi sana ako ng advice tungkol sa mga problema ko..

Pasensiya na po Kuya Ivan at ikaw pa ang ginawa kong Problem Counselor. Peace! :)

Dumiretso na lang muna ako sa silid ko. Magkatapat lang naman ang silid namin ni Kuya Ivan.

Matagal na rin akong hindi nakapasok sa silid ni Kuya. Siguro noong bata pa nang huli akong pumasok sa silid niya. Siguro ang edad ko ay 5 or 6 years old? At nang lumaki na ako ay hindi na ako ni Kuya pinapayagan na pumasok sa silid niya. Ewan ko ba kung bakit?

May pagka-bipolar pa naman minsan si Kuya --- err scratch that palagi pala. ^____^

"Lavine?"

"Yes Kuya?"

"Hinahanap mo daw ako? Ano ba yun?"

"Ah oo. May tanong lang po ako sa inyo.."

"Anong itatanong mo?"

"Ano, uhmm. Bakit po ba hindi niyo na po ako pinapasok sa silid niyo?"

"Secret! Basta ba hindi ka pwedeng pumasok."

"Bakit Kuya? Siguro may tinatago ka sa loob Kuya ano? Papasukin mo na ako. Na-miss ko na ang silid mo!" naka-pout na sabi ko.

"Hindi pwede baby sis." Pumasok siya agad sa loob at pinagsarhan ako.

"Yahhhhhh!!! KUYA!!!" Kinakatok-katok ko ang pintuan nang napakalakas.

"Better Luck next time!" Sabi nito at tumawa sa loob ng silid nito.

Nakakainis talaga!!! ToT

In the end ay hindi niya talaga ako pinapasok sa silid nito. Nanatiling sarado ito kahit na katok ako nang katok dito sa labas.

Akala mo kakausapin kita Kuya? Pwes akala mo lang yun! I know, I know may pagka-childish ako minsan kapag magkasama kaming magkapatid.

Hindi talaga kita papansinin Kuya!

Pumunta nalang ako sa sarili kong silid na nakabusangot.

I missed my chance!

Better luck next time? Tssss.

###

Kasalukuyan na nandito ako sa classroom. Buti na lang talaga na malapit lang ang upuan ko sa bintana kundi makikita ko dito ang magandang view ng school.

Napabuntung-hininga na lang ako.

"Alone?"

"Yes." Tinitigan ko lang siya.

"Bakit parang nag-iisa ka lang dito ngayon? Nasaan na ang mga kaibigan mo? Sina Bryn at Gracie?" Tanong ni Trey sa akin.

"I don't know."

Tinitigan ko naman siya. Tinitigan niya rin ako. Kaya nagtitigan lang kami. Eye to Eye.

→_→ stare ←_← 

*lub dub lub dub*

~>///////

Why do I feel so awkward when I'm with him?

Erase Erase!

Oh noes! Ang heartbeat ko nagiging mabilis na naman. Siguro namumula na naman ang pisngi ko nito.

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon