Percent 30 - Possibilities

45 2 0
                                    

January 31, 2015 posted. :)

Last day of the first month of 2015.. 

###

Percent 30 - Possibilities

He is still hugging me. Somehow and deep inside I felt really safe and relieved in his embrace na para bang nawawala ang mga problema ko. There is really something about Trey that makes me comfortable na kaya kong magkwento sa kanya ng mga sekreto ko. It's so easy to let go when I'm with him.

Iniisip ko kasi ngayon ay meron at may possibilities pa pala sa nararamdaman namin para sa isa't isa. Kahit 1% lang. Atleast meron kesa sa wala diba? Kahit siguro na 99% ang naghahadlang para mangyari nga 'yun.

"Lavine? Nasaan ka ba?" May tumatawag sa akin at parang familiar ang boses na ito. Titignan ko na sana.

Naramdaman ko nalang na humihigpit ang pagyakap sa akin ni Trey.

"Lavine?" Napatingin naman ako sa direksyon na pinagmumulan ng tinig. Laking gulat ko nang makita ko siya..

"Lavine? Kasama mo lang pala siya? Kanina ka pa namin hinahanap.." Bumitaw ako sa pagkakayakap ko mula kay Trey. Tinignan ko si Rylie na nakatayo isang metro ang layo mula sa amin.

"Rylie? A-ano.." Napatingin lang si Rylie sa amin ni Trey. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa pero mas nagtagal ang titig niya kay Trey.

"Let's go, Lavine. Hinahanap ka na nina Bryn at Gracie." Biglang sabi ni Rylie at hinawakan ang braso ko.

"A-ano.. R-rylie.." Hindi pa nga ako tapos magsalita ay bigla nalang akong hinigit ni Rylie sa braso ko. Naiwan ko na tuloy si Trey doong mag-isa. Hindi man lang ako nakapagpaalam.

Dinala ako ni Rylie sa isang fountain area na malapit lang sa venue na kung saan ang ini-held ang after party.

"Ayokong magselos kasi wala akong karapatan, pero hindi ko mapigilan kasi meron akong nararamdaman." Sabi sa akin ni Rylie habang hawak hawak niya pa rin ako sa aking braso.

"Wala ka namang dapat pagselosan, Rylie. We're not doing anything wrong."

"Eh, ano 'yung nakita ng dalawa kong mata? Ano 'yun?" Tanong nito at nanatiling nakatingin sa akin.

"Wala lang 'yun. It's just a friendly gesture. Stop putting malice to it." Sabi ko sa kanya kahit hindi yan ang nangyari. I'm sure na hindi lang friendly hug 'yun. Alam kong may nararamdaman din sa akin si Trey kahit na hindi niya sinasabi.

"Okay. If that's what you say. But I hope na lalayuan mo na ang Trey na 'yun." Anito.

Alam kong galit siya dahil syempre manliligaw ko siya at para sa kanya ay isang kompetensya si Trey. Paano kaya kung malaman niya ang sekreto ni Trey? Ganyan pa din ba ang pakikitungo niya? Nila?

Layuan si Trey at kalimutan siya is out of the question. Dahil alam kong hindi ko 'yan magagawa.

Sa sinabi ni Rylie, sana nga. Pero ang problema ay hindi ko magawa. Sana nga simple lang itong gawin. Pero malaking problema dahil hindi ko magawa-gawa. I am now really in love with him. Hindi ko si Trey mawala-wala sa isip ko.

Ganyan na ganyan talaga sana ang sasabihin ko pero pinigilan ko ang aking sarili na magsalita.

Napabuntung-hininga nalang ako sa dami ng mga iniisip ko.

Nanatili lang kaming tahimik dito. Hindi namin alam kung anong pag-uusapan.

"You know, Lavine. I'm sorry if nabigla ka sa mga sinabi ko. I'm just pissed 'coz you're alone with that guy. You know me, I'm that kind of guy na hindi madaling sumuko sa isang babae. Some people really care too much.. And I think it's called love.. Alam mo naman ang nararamdaman ko para sa'yo diba?" Tinignan nito ako sa aking mga mata.

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon