Percent 1 - Shopping Spree And Love Advices

472 9 4
                                    

###

Percent 1 - Shopping Spree and Love Advices

NAPANGITI ako nang makita ko ang aking mga kaibigan na sina Bryn Laurel at Gracie Simone. Nandito kami ngayon sa mall para bumili ng mga gamit na gagamitin para sa school. Habang nagsashopping ay nagkukwentuhan kami. You know High School Life? Boys? Crushes? Love?

In my school they always call me Ms. Perfect, pero hindi naman yan totoo. Hindi naman ako perpekto tulad ng akala nila dahil wala na akong daddy at mommy. Si Kuya Ivan nalang kasi ang pamilya ko at siya rin ang nagsusuporta sa akin. I love him for that.

It's true that I'm rich, popular, sophisticated and an heiress. Alam kong nasa akin na ang lahat pero may kulang sa buhay ko at iyon ay ang makita si Mr. Right. I will do anything to find him.

"Lavine? Lavine? Are you listening? We're talking to you! Hello?" Bryn snapped her fingers in front of my eyes that brought me back to my senses.

"Huh? Sorry. Ano ba 'yun?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko kasi narinig sa sobrang pag-iisip.

Bumuntong hininga si Bryn at tumigin sa frappé nito.

"You're not listening kasi eh. Tinatanong ka namin kung saan ka maghahanap ng Mr. Right mo?" Saad naman ni Gracie.

"Ah, 'yun pala 'yun. Anywhere. Makikita ko rin siya when the time comes." Tumawa sina Bryn at Gracie sa sinabi ko. "Pero kung magkita kami, sisiguraduhin kong siya na talaga." Seryosong sabi ko sa kanila.

"Okay, sabi mo eh. Pero mag-ingat ka lang sa paghanap mo sa Mr. Right mo, okay? Kasi baka masaktan ka lang kung akala mo na Mr. Right mo na siya pero Wrong Guy pala..." May pag-aalalang sabi ni Bryn.

"And one more thing, Lavine, what about your suitors? Rylie Klasson and Caleb Tierra?"

"What about them?"

"You know what I mean. Sino ba sa kanila ang sasagutin mo? Si Rylie o si Caleb? Kasi parehas kayo ng characteristics. At pareho silang suitable guy for you. They are both Perfect!" Masayang sagot ni Gracie.

"Sa totoo lang, nahihirapan talaga akong pumili sa dalawang 'yun.. They are both the ideal guys for girls. Pero hindi ko gustong masaktan ako sa desisyon ko kaya dapat seryoso ang pagpili ko kung sino talaga sa kanila. They have different personalities that I like that makes them unique. You know?"

"Yes, we know." Sabay na sabi nina Bryn at Gracie.

"Right."

"Pero dapat may pipiliin ka na sa kanila. At sa buhay meron talagang isa na masasaktan at may isang magiging masaya sa piling ng taong mahal nila. You have to take that risk, Lavine." Advice ni Bryn. Parang psychic talaga siya. As if she can read minds of people eventhough it's closed.

Totoo naman ang sinabi nila. Pero mahirap talagang pumili.

Si Rylie Klasson kasi ay talagang ideal guy ng mga girls. Yung tipong badboy, campus heartthrob, basketball varsity player, gwapo, hot at mayaman. All the characteristics you want in a guy, he have it all. Tinatawag din siyang Mr. Perfect sa school katulad ko. Many people linked him to me. He is my male counterpart.

Si Caleb Tierra naman ay ideal guy rin ng mga girls. Gwapo, hot, mayaman, athletic, soccer varsity player, campus heartthrob at Crush ng Campus katulad ni Rylie.

Sa totoo nga, mag-bestfriends silang dalawa. Tinanong ko sila kung bakit nila ako nagustuhan. Sinagot nila ako na na-love at first sight daw sila sa akin.

Ewan ko ba sa mga mata nilang dalawa. Simple lang naman ako manamit at hindi rin ako naglalagay ng make up. Tanging lip balm at powder lang ang inilalagay ko sa mukha ko.

Magkaiba din ang kanilang personality. Si Caleb ay isang typical boy-next-door at si Rylie ay isang badboy. Pareho rin silang casanova at chick magnets. Seryoso at loyal naman sila sa mga babaeng nagugustuhan nila. Mag-bestfriends eh, anong magagawa ko? Pero isa kaya sa kanila ang Mr. Right ko?

"Bryn, Gracie, bahala na kung sino sa kanila. Sabi nga nila 'TIME WILL TELL' . Pero sana isa na sa kanila ang Mr. Right ko. I'm very lucky that I have two suitors... Pero mahirap namang pumili.."

Tapos na rin kaming mamili ng mga kakailanganin namin sa school. Bago kami umuwi ay kumain muna kami sa KFC. Nang natapos nagpaalam sa isa't-isa at umuwi na on our own seperate ways. Tinawagan ko si Kuya Ivan na magpapasundo ako sa kanya, mabigat kasi ang mga pinamili ko.

Nagriring lang ang phone niya. After ng ikatlong ring ay sinagot na nito.

"Hello? Kuya? Pwedeng sunduin mo ako dito sa mall? Please?" Malapit lang kasi dito ang pinagtatrabahuan niya.

"Hi, baby sis. Sure, papunta na ako. Be there in one minute!" Sagot ni Kuya Ivan.

"Okay, big bro! See you in one minute. Thank you! Bye." Masayang sagot ko.

"You're Welcome, baby sis! Bye." Sagot ni Kuya at pinutol ang tawag.

Sa parking lot ako naghintay kay Kuya. After one minute ay nasa harapan ko na ang sasakyan ni Kuya. Bumaba si Kuya at niyakap ko siya. Kinuha niya ang mga pinamili ko at pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat at pumunta sa other side para pumasok sa driver's seat.

Nilagay niya muna ang mga pinamili ko sa backseat.

"Buckle up, baby sis." Paalala nito sa akin.

Nagseatbelt naman ako agad.

"Let's go home."

Tumango ako at nagmaneho na rin siya pauwi sa bahay namin.

First day of school na bukas. I hope I will find him.

###

= IrsBlueGreen =

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon