###
Percent 37 - Restaurant Fiasco
Paris, France
"Wow! Eiffel Tower is so beautiful!" Masayang sabi ko kay Kuya Ivan at nakangiti. Nagpipicture kasi ito. May dala-dala siyang camera.
Marami na nga akong stolen pictures eh. Mamaya ko na siguro idedelete.. Kukunin ko mamaya kay. Kuya.
Pababayaan ko na lang muna si Kuya na i-enjoy nito ang mababaw na kaligayahan nito sa pagkuha ng stolen photos ko. Candid photos, eh?
Tatlong araw palang kami dito sa Paris. Marami na kaming pinuntahan na famous sites. May tour guide naman kaming kasama para hindi kami maligaw.
Looking back, nagsisisi talaga ako sa ginawa ko kay Trey or Prince Ezreal.. Na hindi ko nasabi sa kanya ang dapat kong sabihin.
Iniiwasan ko lang siya. Palagi niya akong tinitext. Hindi ko nga lang talaga siya nirereplyan. Nagbago na ako ng sim card number. Kaya sa ngayon ay wala kaming communication.
Peaceful naman ang buhay ko sa ngayon na wala siya. I guess I have to move on.
"Kuya, I'm hungry." Tawag pansin ko kay Kuya Ivan na busy sa pagpipicture ng Eiffel Tower.
Napatingin siya sa akin."Sure. Let's go eat somewhere." Nagsimula na si Kuya na pumunta sa kinaroroonan ng tour guide namin.
Nagpaalam siguro si Kuya sa tour guide dahil nag-uusap pa sila at may tinawagan agad sa cellphone ang tour guide. French language ang ginagamit nilang salita. Kaya medyo hindi ko naintindihan.. Ang bilis kasi nang pagkakasabi nun.
Dumating naman agad ang taxi na sasakyan namin papunta sa Ratatouille Restaurant.
Sabay kaming pumasok sa taxi at nagbiyahe na papuntang restaurant.
Kuya Ivan thanked the driver using French language, too.
"Okay, let's go eat inside." Sumunod naman ako kay Kuya na papasok na sa Restaurant. Akala ko sa TV ko lang makikita ang Restaurant na 'to. Totoo pala na may restaurant na ito talaga ang pangalan sa Paris..
"Bonjour, madamoiselle, monsieur!"
Tinanguan ko lang ang crew na nagsabi nun. Buti nalang may French language subject kami. Naiintindihan ko ang sinasabi ng mga French dito. Medyo lang.Minsan hindi naman kasi ang bilis nilang magsalita.
"Menu, monsieur, madamoiselle?"
"Thanks." Sabi ko. Kinuha ko na agad ang menu at tumingin-tingin sa pagkain.
"Ratatouille pasta, french toast, french fries and iced tea. S'il vous plait. Merci." Sabi ko sa crew. Isinulat niya naman sa order form ang order ko.
Sinabi naman ni Kuya ang order niya.
"En revenant." Umalis na 'yung crew.
Hinihintay namin ang order namin ni Kuya nang may mamataan akong pamilyar na tao sa di kalayuan na upuan na malapit lang sa amin.
Mukhang ako lang ang nakakita sa kanya. Si Kuya Ivan kasi ay busy sa kakatingin sa menu.
What's happening? Akala ko sa Britain siya pupunta? Bakit kasama niya si Krystalle?! I didn't know na sa France siya pumunta! Is this some kind of coincidence?
Okay, okay. Calm down, Lavine. Nag-inhale exhale muna ako..
Napatingin ulit ako sa kinaroroonan ng dalawa.Ang ipinagkaiba lang ngayon ay marami silang kasamang bodyguards..
Dahil siguro sa pareho silang Royalty. Prince and Princess.. Safety precautions kumbaga.
Nakangiti si Krystalle habang tumitingin kay Ezreal/Trey. Si Ezreal/Trey naman ay nanatiling walang ekspresyon. Kumukulo naman ang dugo ko dito sa upuan ko. Nagseselos ako kay Krystalle! I hate her! She's really enjoying the moment.
Hindi pa ako nahahalata ni Kuya Ivan na may tinitignan ako sa likuran nito. I tried to looked away but I just cannot. Hindi naman ako makapunta sa kinaroroonan nilang dalawa dahil marami silang bodyguards.
I'm just a nobody. I'm just a freaking commoner! I have no right to love a Prince.
Masakit man. Pero 'yun ang katotohanan. Kung sana hindi nalang siya isang prinsipe. Sana naging madali ang lahat para sa aming dalawa ni Trey/Ezreal.
Pero hindi eh.. Siguro hindi kami para sa isa't isa. Lahat ng tao gusto na si Krystalle ang para sa kanya. A Princess for a Prince, who would disagree? Reality sure is harsh.
"Merci pour l'attente. Voici votre nourriture. (Thank you for waiting. Here's your food.) " Sabi nung waiter. Buti na nga dumating naman ang pagkain kaya napilitan akong tumingin sa pagkain ko. Hindi sa dalawang nakaupo sa di kalayuan. Buti naman kasi hindi talaga napansin ni Kuya..
I guess I'll just eat away these feelings. Nagugutom lang ako. Binilisan kong kumain para makaalis na dito. Sana hindi na ako makita ni Trey dito.
Napatingin naman si Kuya sa pinggan ko. Tinatanong niya ako gamit ng kanyang mga mata. Nag-aalalang tingin niya ito sa akin.
"I'm just really hungry, Kuya. Don't mind me." I faked a smile. Iniiwasan kong mapadako ang tingin ko sa table ni Krystalle at Ezreal/Trey. Hinihintay ko nalang matapos kumain si Kuya. Tinawag ko na ang waiter to pay our bill. I just wanna get out of this place. It's suffocating.
Binigay naman agad nung waiter ang bill. Kuya Ivan paid for the bill. Nauna na akong tumayo at dumiretso sa labas ng restaurant. Nakasunod naman si Kuya sa akin.
"What's the rush, Lavine?"
"Nothing.."
"That's sounds something to me. Care to tell me? I'm your brother. I'm ready to listen about it."
"I-i-i can't, Kuya." Hindi ko kayang sabihin. This is personal.. I'm sorry, Kuya..
"It's that Prince again, huh?" How did he know? Am I too transparent for my brother to see through me? "I thought you said you're moving on? You know Lavine.. You have to let him go. Marami na siyang naidulot na sakit sa'yo. If that's the case you really have to find someone new.."
"Madaling sabihin pero ang hirap gawin, Kuya. But I have to whelve this. I have to hide or to bury this. It's really a good thing that he didn't see me there. Tara na, Kuya. Baka may makakita pa sa atin dito." Dumiretso na agad ako sa bantayan ng taxi. Nakasunod lang si Kuya sa akin..
I know I'm in a rush. But I just have to get out of this place. Before he can see me here. This will make everything complicated again.
Paparating na ang taxi. Pinara ko agad 'yun. Binuksan ko na ang pinto.
"Wait, Lavine.." May narinig akong tumatawag sa akin pero parang guni-guni ko lang 'yun. Napatalikod kasi ako para tingnan kung may tumatawag nga sa akin. Pero wala naman.
Tanging si Kuya lang ang nakita ko. Imposibleng si Trey/Ezreal 'yun. He's busy with Krystalle as of now.
Agad na din akong pumasok sa taxi. Kailangan ko na 'yung kalimutan. Guni-guni lang ba talaga 'yun? Umalis na ang taxi papunta sa hotel na tinutuluyan namin ni Kuya.
Kinabukasan ay may nakita ako sa newspaper. Accidentally ko lang nakita 'yun. Hindi ko talaga lubos na maisip na engaged na sila. Akala ko hindi totoo ang mga pinagsasabi ni Krystalle noon. Ngayon nakita ko na with my very own eyes.
I-aannounce ang royal engagement sa darating na Sabado. Three days from now. Nabasa ko sa newspaper itong lahat. Nagsisi talaga ako na binasa ko pa ang newspaper.
Pumatak na naman ang nagbabadyang luha ko.
Tinawag ko si Kuya na napapaos na ang boses ko. Dali-dali naman akong dinaluhan ni Kuya. I have an idea. An idea that came to my mind. Iniiwasan ko ang topic na 'to. Better to face it than to run away from it..
"Kuya, I want to meet them.." Sabi ko at pinipigilang humikbi. Umiiyak lang ako.
"Sino?" Nagtatakang tanong ni Kuya.
"Our parents. I need to see them.. Please. Tell them.."
This is it. I need to face them. I have to.. They're my parents after all. I have to let my pride down. This is the right time.
I'm meeting you both.. Mom and Dad.
###
BINABASA MO ANG
A Mere Percent
ChickLitLovely Heiresses Trilogy #1 Lavine Irelia Lombard story. "Even though I promised myself I wouldn't risk the chance of getting hurt again, for some reason, when I'm with you, it all seems worth it." We all believed that the world is filled with fairy...