Percent 17 - Everything Has Changed

75 2 0
                                    

###

Percent 17 - Everything Has Changed

LAVINE

NAPATAHAN na rin ako ni Trey after kong umiyak. Ginawa ko pang panyo ang damit nito. I'm really sorry for that.

Umalis muna ito para magbihis ng bagong shirt. Nang nakabalik na ito ay tumayo ako at humingi ng paumanhin.

"I'm really sorry Trey.."

"No problem. Are you okay now?"

"Medyo okay na. Pasensiya na talaga. Inabala pa kita. Hindi ko namalayan na ibinahagi ko na pala ang kwento ng buhay ko sa iyo. Pero pwede bang atin-atin lang 'to?"

Tumango ito sa hininging pabor ko. That's a relief.

"Thank you. Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Mukhang natigilan si Trey.

"Sorry kung bigla-bigla ang pinagsasabi ko. Sa akin kasi kailangan kitang maging kaibigan dahil pareho na nating alam ang sikreto ng isa't isa? Promise walang lalabas na sekreto mo. Wala akong sasabihan kahit kay Bryn o Gracie o kaninuman."

Hinanda ko na ang kamay ko para mag-shake hands kami. Natatakot ako. Baka hindi nito gusto. Mabuti naman after ilang seconds ay nakipag-shake hands din siya. Alas! We're friends.

Halos mabingi na nga ako sa tibok ng aking puso. Nanibago naman ako sa nararamdaman ko. Kasi siguro may crush na ako sa kanya. Ang bilis namang magbago ng damdamin ng isang tao.

"Thank you for accepting me as your friend. Pwedeng magtanong Trey?"

"What is it?"

"Why are you wearing eyeglasses? Pwede ka rin namang gumamit ng contact lens 'diba?" I'm just curious.

"I'm not really good with contact lens. I prefer glasses. Atsaka mahirap ilagay sa mata." Sagot ni Trey.

Tumango-tango naman ako. Wala na akong maitanong.

"Tatapusin ba natin ang recording ng vocals ngayon? Isang kanta na lang ang kulang." Ani Trey.

"Pwede rin. Para ang video na lang ang poproblemahin natin.." Sagot ko.

"Sige."

Pumuwesto na kami ulit sa mga instruments na gagamitin namin. Guitars na ngayon ang gagamitin naming dalawa. Marunong rin kasi akong mag-gitara.

"This is a duet. Ako muna ang mauunang kakanta." Sabi ko kay Trey.

Napatingin muna ako sa music sheets para tignan ang notes na istra-strum ko. Nakuha ko na rin. Nasa isip ko na ang notes.

"Ready?" Tanong ni Trey.

"Ready." Sagot ko.

Nagsimula na akong mag-strum at kasunod 'yun ay ang pag-strum ni Trey ng gitara niya.

Hinanda ko na ang vocal chords ko.

LAVINE: "All I knew this morning I woke

Is I know something now, know something now I didn't before,

And all I've seen eighteen hours ago

Is green eyes and freckles and your smiles

In the back of my mind and make me feel like."

Mukhang relate na relate ako sa kantang 'to. Sa aking nararamdaman ngayon kay Trey. Dumadagundong ang puso ko. Bumilis rin ang tibok nito.

LAVINE: "I just wanna know you better now, know you better now, know you better now.

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon