Percent 31 - Against All Odds
Alam kong kilala ko kung kanino nanggagaling ang mga yapak na 'yon. Pero hindi ko alam kung aalis ako dito para pupuntahan siya o manatili lang dito habang inaabot tanaw ko siya.. Hindi ko talaga alam.
I'm guilty. Alam kong nasaktan ko siya. Batid ko na parehas lang ang nararamdaman namin sa isa't isa pero bakit parang ang hirap hirap ng sitwasyon namin?
Ngayon ay hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.. Naguguluhan ako.
Batid ko din na sa bawat desisyon na gagawin ko ay may masasaktan talaga. Siguro ito na ang panahon na kailangan ko ng mamili kung sino sa dalawa ang pipiliin ko..
Si Rylie na parating nandiyan sa tabi ko at botong boto ang lahat pati ang mga kaibigan ko sa kanya. And if maging kami na nga ay magiging hot issue ito sa school at tatagurian kaming Royalty Couple. Sikat kasi kaming dalawa ni Rylie. Siya ang gusto ng lahat para sa akin. May nararamdaman din ako sa kanya pero hindi katulad nang kay Trey.
Si Trey or his real name Prince Ezreal Clarence Chastain D'Aramitz, shinortcut ko na kasi ang haba haba talaga ng pangalan niya.. Hindi siya kilala sa school pero isa siyang tao na para sa isang babae ay hindi mahirap magustuhan. Hindi ko pa naman alam ang sekreto niya noon ay naging interested na ako sa kanya at nagulat nalang ako na isa pala itong prince-in-disguise and the rest was history at 'yun nga I fell in love with him and I know na siya rin. Ang inooverlook lang naming dalawa ay ang mga taong hindi gusto para sa amin na magkatuluyan. Marami kasing naghahadlang..
'Yun bang parang inaayawan ng lahat ng tao ang inyong relasyon na hindi pa nga nag-uumpisa o nagsisimula..
"Lavine, It's just a moment, go and seize it. Don't be afraid to give your heart to me. And if you do, I know that I won't let you down. So hand it over, trust me with your love. I'll do anything you want me to.. 'Cause I can't breathe until I see your face.." Rylie said. I know na sincere siya sa mga sinasabi niya. Hindi ko nga alam kung ano ang isasagot ko..
Ang hirap pala maging center of attention na ang lahat ng tingin ay nasa sa iyo talaga..
Kung hindi lang dumating si Trey sa buhay ko malamang kami na ni Rylie. Pero ang problema ay mas naunang natutunan ng puso ko na mahalin si Trey kesa kay Rylie.
Ewan ko kung paano ko gagawin. Hindi ko talaga alam kung paano at ano ang sasabihin sa kanya. Kay Rylie. Hindi ko siya gustong masaktan. Pero kailangan.
Gusto ko siya. Tama, gusto ko siya. But I needed to sort out my feelings for Rylie. At ngayon na ang tamang panahon.. I'll do it even if it's hard. Eventhough it will hurt him big time.
"Ahmm.. A-ano.. Rylie.. Listen to me. I know, alam ko ang pagkagusto mo sa akin, sa totoo lang, gusto din kita, Rylie. Pero hindi katulad sa isang lalaking nagugustuhan ko din sa ngayon. I know it's complicated but that's what I feel about you, Rylie. And I'm sorry." Naluluha kong sabi sa kanya at yumuko. Hindi ko siya matignan ng diretso. I'm guilty and I felt sorry for him. For hurting him, for giving his heart broken, by me..
"Sino 'tong lalaki na 'to?! Ang Trey ba na 'yun?!" Galit na si Rylie. Alam kong galit siya. Nakakatakot talaga si Rylie kapag galit. Para talaga siyang ibang tao kapag galit ito. At ako pa ang may kasalanan kung bakit ito gumaganyan. I'm really sorry..
"I'm sor---"
"Stop saying that FREAKING GIBBERISH WORD! It's FREAKING Damn Annoying! Ano ba ang nakita mo sa kanya?! At ano ang wala sa akin para magustuhan mo siya? Bakit sa kanya pa, Lavine?! Answer me! Answer my Damn Question!" Galit na galit na pasigaw na sabi ni Rylie.
Napatakip na lang ako sa aking mukha sa sobrang sama ng loob. Hindi dahil sa sinabi ko na sa wakas kay Rylie, kundi dahil sa hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga tanong niya.. Dagdagan pa diyan na galit ito sa mga sinasabi ko.
"I don't know. I can't explain how, why, when and where but I know I.. I.." Hindi ko alam ang idudugtong ko na para sana sa sasabihin ko sa kanya, kaso parang walang salita na lumalabas sa bibig ko at wala akong maisip na sasabihin kay Rylie.
"I'm sorry." Yan lang talaga ang salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko na nga siya makita clearly dahil sa mga tumutulong luha ko.. Rylie just stared at me with disbelief in his eyes. Hahawakan sana ako ni Rylie pero nagulat nalang ako nang may humigit sa aking kamay at niyakap ako.. I know this scent. A familiar scent of fragrance. Tumingala ako at tinignan siya.
"Huwag mo siyang sisihin.." Trey said facing Rylie. Ako ay nasa likod na nito at hinahawakan niya pa rin ang kamay ko. Pero nagulat ako kasi may babae sa likuran nito.
"What the?! Kanina pa kita tinatawag, Trey. Dito ka lang pala pumunta.." Krystalle heaved a sigh. Hindi ko ini-expect na makita ko siya dito. Matagal na din kaming hindi nagkita ng babaeng 'to.
"Krystalle, shut it."
Tinignan muna ako ni Krystalle at nagsalita ito na ako ang kanyang pinatutungkulan habang si Trey ang kinakausap nito without looking at him. "Well, well. Pinuntahan mo lang pala siya, ganoon ba?" Krystalle questioned at ako ang tinitignan nito with raised eyebrows.
"Alam kong alam mo na ang sagot diyan, Krystalle." Simpleng sagot ni Trey.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Krystalle and smirked at me. I know that smirk was evil. May pinaplano siya.
"Listen, people! I have an announcement!" Tawag pansin niya sa mga tao sa paligid.
"Krystalle, shut it. Don't you dare!"
Pero parang walang narinig si Krystalle at sinabi niya 'yon sa mga tao dito. Na ikinagulat ng lahat.
"Trey Morgernstern is not what you think he is. He is the heir of the D'Aramitz Palace. His real name is Prince Ezreal Clarence. A heir to the throne. My fiancee. So, don't you dare snatch him away from me." Krystalle said with a smirk. This girl is really trouble.
###
Naka-update din. Sorry for the long wait. >_<
= IrsBlueGreen =
BINABASA MO ANG
A Mere Percent
ЧиклитLovely Heiresses Trilogy #1 Lavine Irelia Lombard story. "Even though I promised myself I wouldn't risk the chance of getting hurt again, for some reason, when I'm with you, it all seems worth it." We all believed that the world is filled with fairy...