Percent 25 - No Offense

49 2 0
                                    

###

Percent 25 - No Offense

I didn't regret. I have a new friend. Friendship is long lasting than relationships as a lover.

Nang matapos kaming kumain ay hinatid ako ni Caleb sa parking lot. Nagpaalam din ito pagkatapos akong ihatid.

"Bye Lavine!" Nakangiti ito sa akin pero alam kong hindi abot sa mga mata nito ang ngiti nito. Kasi alam kong nasaktan ko pa rin siya..

Pero clear rejection is better than fake promises.. Sabi nga ng isang quote na nabasa ko..

Dumiretso agad ako sa silid ko. Sa isip ko ay nabawasan na ang problema ko. Okay na rin siguro ito ngayon na si Caleb ay kaibigan ko lang. Kasi mas mabuti pa ang friendship ay nagtatagal pero ang relationship at commitment ay hindi. Kung magbibreak siyempre masisira lang ang friendship niyo. Kaya nga buti na lang na ganito ang nangyari sa pagitan namin kaya hindi na ako magkakaproblema kay Caleb bilang isang kaibigan. Masakit kasing mawalan ng isang taong importante sa akin..

###

Nang pasukan na ulit ay hindi ko mahagilap si Caleb sa kahit saang parte ng school.

After ng nangyari sa pinag-usapan namin ni Caleb last time ay hindi ko na siya nakita o nakausap man lang. Ewan ko ba. Nagi-guilty ako. Tama naman ang ginawa ko, diba?

Absent kaya siya? Matanong nga sina Bryn at Gracie..

"Nakita niyo ba si Caleb?"

"Hindi eh. Mukhang absent siya." Sagot ni Gracie.

Bakit kaya absent ito? Last time na nag-usap kami ay... Baka 'yun nga 'yun!

Hindi naman siguro ito lumayo literally?

Matawagan nga..

Ring, Ring.

The number you have dialed is out of coverage area.
Please call again later.

Toot. Toot.

Tinawagan ko ito ulit. Pero ilang ulit ko ng ginawa iyon pero hindi ko pa rin siya macontact..

Pabayaan ko na lang ba siya? Wala naman akong magawa. I'm so sorry Caleb.. Nasaan ka?

"Bakit sis? Alam mo ba kung nasaan siya?" Biglang tanong ni Bryn sa akin.

"I don't know.."

"May sinabi ka ba sa kanya? Baka naman..." Pabitin na sabi ni Gracie.

"Anong 'baka naman'?" Kinuha ko naman ang tubig ko sa bag ko para uminom. Nauuhaw na kasi ako.

" Tumingin si Bryn sa akin na parang nagtatanong ang mga mata. Muntik ko nang maibuga ang tubig na ininom ko.. Kaya nilunok ko muna.

"Ano... Uhmmm." Sasabihin ko na ba sa kanila?

"Ano na sis? Totoo ba ang sinabi ni Bryn?" Tanong ulit ni Gracie.

Tumango ako bilang sagot ko sa kanilang tanong.. Hindi ko rin matatago sa kanila. They are my bestfriends. Malalaman at malalaman din nila kahit hindi ko sabihin

"Sabi ko na nga ba." Siguradong sabi ni Bryn.

"Paano niyo nalaman?" Tanong ko sa kanila. Nagtinginan lang ang dalwa na para bang naiintindihan nila ang isa't isa sa paraan ng pagtitinginan nila..

"The answer is written all over your face.." Sagot ni Gracie.

"Seryoso ba kayo?" Nabigla naman ako doon.

"Hindi naman pero halata sa kinikilos mo at ang way na nag-aalala ka sa kanya na para bang may ginawa kang malaking pagkakamali sa kanya.?" Pagsisimula ni Bryn.

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon