###
Percent 14 - Bookworm
LAVINE
"LOMBARD, Lavine at Morgernstern, Trey." Napatingin naman ako sa katabi ko.
Kumukulo ang dugo ko. Nagbalik naman sa isipan ko ang ginawa nito sa akin sa Greenwich. Ang pizza sa damit ko. Nakakainis!
"Did I hear it right? We're partners? After what you did to me last Saturday?!"
"Yep." Simpleng dabi nito na inemphasize pa talaga ang 'p'.
Tumahimik ako. Gusto ko sanang magreklamo pero mas pinili ko nalang tumango at makinig para sa further instructions.
Napag-alaman ko namang si Bryn at Rylie ang magkapartners. Si Gracie naman ay si Caleb ang partner.
"Everyone settle down. So here's what you're gonna be doing. You have to make a music video. Pwedeng i-combine ang songs na pipiliin niyo. Merong limit na tatlong kanta. Kayo na ang bahala. Pwede rin kayong gumamit ng musical instruments pero ang vocals ay dapat kayo talaga ang kakanta, hindi pwedeng lip sync. Understand? Questions?"
Nagraise si Trey ng kanyang kamay.
"Yes?"
"After making the video, where will we send the copy of our music video?"
Naguluhan naman ako sa tanong niya. Is he practicing a tongue twister?
"Thanks for reminding me Mr. Morgernstern. You have to email it to me via Youtube. You know how to link it, right? So that's it. I'll leave you now to meet with your partners to discuss things about your projects. I'll dismissed you now. Goodbye Class!"
"Thank you and Goodbye Ms. Dusta." Balik bati namin.
Nag-usap naman kami ni Trey kung anong gagamitin naming kanta pero hindi pa namin napagkasunduan kung ano. Naiinis pa ako sa kanya eh.
"Magbigayan nalang tayo ng digits para madali para sa atin na mag-communicate." Ani Trey. Tumango ako. Nag-exchange na kami ng digits.
"Text mo nalang ako, okay?" Sabi ko.
"Sure."
"Next time then." Paalam ko sa kanya.
Kasalukuyang hinihintay na namin ang teacher namin sa Math.
Ang tagal naman dumating ng professor namin. Nagmumuni-muni lang ako dito.
*Waiting Waiting*
"GOOD MORNING MR. WARSHAW!" Biglang sabi ng mga kaklase ko. At awtomatikong napatayo naman ako.
"Okay Class, you may sit down."
"Thank you Sir!"
Nagdiscuss lang si Sir tungkol sa kung paano madedetermine kung Function o Relation ang graph. Ang dali-dali lang. Nagtake-note na rin ako para may mareview ako.
Natapos rin ang MATH class namin. At recess na rin sa wakas. Pumunta naman kami sa canteen para bumili ng pagkain. Bumili ako ng chocolate donut with marshmallow toppings.
After naming bumili ng pagkain ay dumiretso na kami sa table namin. Pinatong ko na ang dala-dala kong tray para maupo at kumain pero dumating ang dalawang lalaki.
"Hello lover boys!" Masiglang bati ni Bryn kay Rylie at Caleb.
"Hi Bryn." Simpleng sagot ng dalawang lalaki kay Bryn.
Tumingin ako sa direksyon ni Bryn at ang bruhilda nakangiti ito ng matamis. Nadadala na talaga siya sa charms ng dalawang lalaki na 'to.
"Lavine, ano nga ang club na pipiliin mo para sa school fest?" Tanong ni Gracie.
BINABASA MO ANG
A Mere Percent
Literatura FemininaLovely Heiresses Trilogy #1 Lavine Irelia Lombard story. "Even though I promised myself I wouldn't risk the chance of getting hurt again, for some reason, when I'm with you, it all seems worth it." We all believed that the world is filled with fairy...