Percent 5 - Reminiscing the Past

154 8 0
                                    

###

Percent 5 - Reminiscing the Past

LAVINE

I CAN'T believed that I saw him again! After what he did, may gana pa siyang magpakita sa akin! I screamed and cursed. Sobrang sakit talaga ng binigay niya sa aking puso. I can't help but cry. It feels stingy.

FLASHBACK

"Besties, you won't believe this! Nanliligaw sa akin si Lathan! As in Lathan Hale! OMG! OMG! OMG! My gosh sis, mabubuo na rin ang pagkatao ko. I mean I can say now na perfect na ako na nameet ko na si Mr. Right dahil magkakaroon na ako ng lovelife." I said feeling excited.

Si Bryn ay nakatingin sa akin at si Gracie ay shocked sa sinabi ko. Walang kumibo sa kanilang dalawa.

"Hindi ba kayo masaya para sa akin?" Maiiyak na sana ako ng bigla akong niyakap ng dalawa.

"Congrats Lavine! We're so happy for you!" Sabi ni Bryn at Gracie.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Ang totoo sila ang naglakad kay Lathan sa akin. Kaya nililibre ko sila palagi para makabayad man lng ako ng utang na loob ko sa kanila.

"Kailan mo siya sasagutin?" Tanong ni Gracie habang nasa Starbucks kami.

"Before the JS Prom. Para may kapartner ako sa Prom!" Sabi ko naman habang kinikilig.

Siya kasi ang first love ko at if ever first boyfriend.

"Are you okay sis?" Tanong ko sa kanila. 

"We're fine. Mauna na kaming dalawa ni Gracie" Paalam ni Bryn. Tumango lang ako.

Malapit na ang JS Prom at bihira ko nang makita si Lathan..

Pero excited ako ngayon dahil ngayon ko na sasagutin si Lathan. Magkikita kami sa secret garden sa likod ng school.

Kinakabahan ako.. Matagal na kasi siyang nanliligaw sa akin. Pero ngayon ko lang narealize na mahal ko na pala siya.

Nandito na ako sa secret garden at nakita ko agad si Lathan.

Gugulatin ko sana siya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kinatatatuyuan nito pero ako pa mismo ang nagulat sa nakita ko.

Umiiyak ang isang babae na sa pagkakatanda ko 'Krizzy' ang pangalan. Groupmate ko siya sa isang project namin para sa Filipino.

Nagtago at sumandal ako sa isang haligi patalikod sa kanila. Malapit lang ang haligi sa kanila kaya naririnig ko dito ang pinagsasabi nila.

Anong ginagawa ni Lathan dito? Bakit umiiyak si Krizzy?

Nag-isip ako na magpapakita na sana ako sa kanila nang bigla akong nagulat sa sinabi ni Krizzy. It stopped me from coming out of my hiding place.

"Paano naman ako, Lathan? Paano ang bata?" Humagulgol siya ng malakas.

Napatakip ako ng bibig ko sa sobrang gulat. Anong bata? Buntis siya? Sino ang ama?

Kaya ba siya humagulgol ng iyak dahil buntis siya? P-pero bakit kay Lathan niya sinasabi? Unless he is the father? Misunderstanding lang ba 'to? My eyes suddenly watered and tears started to fall from my eyes.

"Mas mahal ko si Lavine at alam mo 'yan!" Pasigaw na sabi ni Lathan.

"Alam ko Lathan! Alam ko! Pero tandaan mo na nagbunga ang nangyari sa atin!" Pasigaw rin na sabi ni Krizzy.

A Mere PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon