PROLOGUE

285 47 90
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please be advised that this story contains sensitive content, mature themes and strong language that are NOT suitable for very young audiences.

Read at your own risk.

This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors. Please bear with me. I'll get back to this after I finish the whole story. 

***

"Can somebody tell me where the hell is Dos?!" rinig na rinig ko ang boses ni Uno. Hindi ba siya mabubuhay ng wala ako? Bored na ko na lagi na lang kami mag kasama.

Parang isang musika na sakin ang tunog ng mga putok ng baril at pagsabog ng mga granada sa paligid. Mistulang magandang ulap sa paningin ko ang smoke grenades na bumabalot sa buong paligid.

Kampante akong naglalakad sa kabila ng kaguluhan at sigawan sa paligid, hawak-hawak ang paborito kong baril na si Alas, na isang assault rifle at nasa may binti ko naman ang isang pistol na si Winter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kampante akong naglalakad sa kabila ng kaguluhan at sigawan sa paligid, hawak-hawak ang paborito kong baril na si Alas, na isang assault rifle at nasa may binti ko naman ang isang pistol na si Winter.

"Pucha! Asan ba si Dos?!" pagtatanong na naman ni Uno. Gusto ko nang tumawa ng malakas nang makita ang nagaalala niyang mukha.

"Bakit?" walang gana kong tanong ng magkaharap kami.

"Anong bakit? Akala ko namatay ka na! Bigla kang nawala nung nagsimula ang gulo," sambit ni Uno.

"Ako? Mamatay? E kahit nga si kamatayan takot sa 'tin!" nagbibiro ba si Uno o iniinsulto ako?

Itinutok ko ang rifle ko kay Uno, para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa ginawa kong iyon lalo na noong ipinutok ko ito sa likod niya.

Uno being Uno kapag nandito na ako sa tabi niya nakakampante siya sa paligid, buti na lang at napatay ko yung pasugod na kalaban sa likod niya.

"Kinabahan ako sa 'yo! Akala ko gusto mo ng makuha ang ranggo ko kaya na pag desisyonan mo na patayin na lang ako."

Ang isang Uno kakabahan? Asa.

"You're welcome," wala man lang thank you, b'wisit.

"Atsaka hindi ko makukuha yang rank mo kung papatayin kita dahil papatayin din niya ako. Wag kang magalala ibibigay niya yan sa akin dahil hihigitan pa kita kaya wag kang makampante," dagdag ko pa.

Mabilis naming tinapos ang buhay ng mga kalaban. Sino sila para sirain ang transaction na inayos at pinaghirapan ni Tres.

"Dos, sa 'yo na! Alam kong yan ang hinahanap mo kanina noong magumpisa ang gulo." Tinulak ni S1 ang  isang duguan na lalaki nang mamukhaan ko ang lalaki ay napagtanto ko na siya ang leader ng katransaction namin ngayon.

Gusto kong sabihin kay S1 na hindi ko hinahanap ang taong ito dahil una pa lang alam ko na kung saan siya nagtatago pero dahil tinatamad ako magyabang pipiliin ko na lang na isipin niya na magaling siya.

"Naaawa ako sa kanya e," sambit ko naman kay S1.

Sumilay ang tuwa sa mata ng lalaking duguan nang sinabi ko 'yun. Mukhang nakakuha siya ng pagasa kaya naisipan kong bigyan siya ng chance. See? Ang bait ko.

"Laro na lang tayo, hide and seek. I will give you 1 minute para makapagtago ka tapos I will hunt you kapag hindi kita nakita sa loob ng another 1 minute I will spare your life uuwe na kami tapos ikaw mag sumbong ka sa pinakaamo niyo tapos sabihin mo palitan niya yung suot ko ngayon kasi kita mo naman nalagyan ng dugo ng mga kagaya mo pero kapag na hanap kita edi goodbye world na! Malinaw?" sabay ngiti ko sa kanya. Ang kaninang ngiti na sumisilay sa kaniyang labi ay napalitan ng pangamba.

"Timer... starts... now! KEEP SAFE! GOOD LUCK!" sigaw ko sa kanya habang pinapanuod siyang tumatakbo.

"Tara na Dos," yakag naman sakin ni Uno.

"Busy pa siya. Naglalaro pa," sagot naman ni S1 sa kanya habang umiiling pa na parang pinagsisihan na hindi pa niya tinapos 'yung buhay ng taong 'yun, hindi pa ba sila sanay? I need fun!

"How many minutes?" tanong naman ni Uno na tumabi sa inuupuan ko.

"2 minutes pero kilala mo ko Uno, hindi ka na dapat nag tatanong. Just let me play my game."

"Stop playing this stupid hide and seek game at umuwe na tayo naghihintay na si Tres," halatang naiinip na sa konting segundo niyang paghihintay.

"It's time." Naglakad ako while humming the song of twinkle twinkle little star.

"Found you! Sweetheart!! I told you to hide.  Now, I need to kill you," sabay tutok ko sa kanya ng pistol ko.

"Any last words?" tanong ko.

"They know your weakness...Li--" hindi ko na siya pinatapos at kinalabit ko na ang baril ko.

"Mali kayo, wala na akong kahinaan. Matagal ko ng tinapos ang lahat. Dahil sa buhay na hinanda ng pamilya ko hindi pwedeng may kahinaan ka lalo na ako."

Naglalakad na ako papunta kay Uno na nakasimangot na ngayon at halatang inis na inis na dahil pinaghintay ko siya.

"What took you so long?! Galit na galit na si Tres! Lalo na siya." Tinignan ko ang relo ko at nakita kong oras na pala ng hapunan kaya naman pala galit na galit na siya.

"Sabihin mo kay Tres, kung gusto niya mapadali ang lahat sumama siya dito hindi puro plano lang siya. At kailan ka pa natakot kay Tres?" sagot ko naman sa kanya at dahil doon na batukan ako ni Uno.

Gaganti na sana ako kaso bigla niya akong niyakap.

"Busy na ko sa mga susunod na araw dahil madami tayong recruit, bisitahin mo ko ha. Mamimiss kita pero alam kong mas miss mo siya," I rolled my eyes dahil sa sinabi niya at sinikmuraan siya.

"I told you! Wag na wag mo ng babanggitin yung taong yun!"

"Wala naman akong binanggit na pangalan atsaka sino ba 'yung tinutukoy mo? Si Supremo miss mo na hindi ba? Noong isang araw mo pa bukang bibig yung supremo na yun. Selos na selos na nga kami ni Tres." Napailing na lang ako.

Yeah right! I miss Supremo pero bakit parang mas na miss ko yung taong matagal ko ng tinalikuran.

Kamusta na kaya siya? Asan na kaya siya ngayon? Galit kaya siya sakin dahil tinalikuran ko siya? Nakalimutan na niya  kaya ako o baka naman hinanap niya pala ako? May iba na kaya siya?

Stop! Noong tinalikuran ko siya alam kong wala na akong karapatan kahit pa isipin siya. Pinili ko ito at paninindigan ko ito kahit kapalit nito ay ang kaligayahan ko.

Mawawala din ito sa isip ko kapag kasama ko na si Supremo. Si Supremo ang sumagip sa bawat pangungulila ko sa taong yun, siya ang nag bigay kulay sa buhay ko.

***

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon