CHAPTER 1: Meet the Acheron Siblings
***
Sa wakas ay pauwi na din kami pagkatapos ng isang nakakapagod na araw. Hanggang ngayon naiinis pa din ako sa mga nangyari. Ang lakas lang talaga ng loob ng mga walang hiya.
Talagang binangga nakuha nilang banggain kami. The nerve! Hindi ba sila talaga nag iisip.
Alam naman ata ng lahat na kapag binangga nila kami ay ako ang makakaharap nila. Tatapusin ko lang naman sila na may ngiti pa sa labi.
Tatapusin ko sila sa paraan na kahit sa panaginip ay ayaw nilang mangyari because the moment they mess with me or the Mafia kamatayan na ang gigising sa kanila.
"Wala na bang ibibilis ang pagpapatakbo mo S1? Gusto ko na maligo. Ang dumi dumi ko na. Nakakasira ng maganda kong image," pambasag ni Uno sa katahimikang bumabalot samin sa loob ng sasakyan.
Napailing na lang si S1 sa kaartehan ni Uno at mas pinabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan.
"Wala naman kasing may sabi na sumakay ka dito." Tinignan lang niya ako ng masama at nakangusong tumingin sa labas ng bintana.
Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na din kami sa mansion. Finally at matatapos na din ang kaartehan ni Uno.
"Naghihintay na po si Daddy niyo at si Sir Tres sa dining," bungad samin ni Ate Carmen, isa sa tatlong katulong na pinasok ang mundo namin.
"Can we change first?" sambit ni Uno na kanina pa nagrereklamo sa mga mantsa ng dugo sa damit niya.
"Athena Epione! Artemis Zephyr!" isang lalaking matipuno, matangkad at seryoso na may kaidaran na ang tumawag sa amin na nag iwan ng nakakapangilabot na pakiramdam.
"Athena Epione daw." Bulong sakin ni Uno na itinulaktulak pa ako para lumapit sa kinaroroonan ng matanda.
"Yung totoo? Kuya ba talaga kita?" inis na itinulak ko si Uno para siya ang mauna. Yes, itong Uno na ito ay kuya namin.
Kung ilalarawan ko ang kuya ko ay masasabi kong siya ay magandang lalaki, matangkad, maputi, singkit ang mata, maayos manamit at palabiro.
"Kanina pa namin kayo hinihintay. Gaano ba kahirap tapusin ang trabaho?" sambit ni Tres.
"Achilles Cadmus Acheron, kung naiinip ka sa kakahintay bakit hindi ka sumunod sa amin at ikaw na sana ang tumapos nang trabaho na ikaw mismo ang nag plano pero palpak naman," sambit ni Uno na kinatawa ko ng malakas.
"Hahaha unang plano na pinagkatiwala sayo ni Zephyr pero sablay," pang aasar ko pa lalo na ikinasimangot naman ni Cadmus.
Isang malakas na kalabog ang bumasag sa kasiyahan ko.
"Kayong tatlo, hindi niyo ba ako irerespeto?" tanong ng pinuno ng aming samahan o mas kilala sa tawag na King.
"I respect you Dad so much pero hindi mo nirespeto ang pag tawa ko," pang aasar ko pa lalo.
"I'm sorry Princess pero your being insensitive kay bunso at nabalitaan ko pa kay Zephyr na nawala ka kanina habang nagkakagulo. Nag-iisa ka na lang na babae sa pamilya na ito," nausal ni Daddy.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...