CHAPTER 20

21 8 6
                                    

CHAPTER 20: GOODBYE FOR NOW

***

Liam Point of View

Pinahatid agad ako ni Epione dito sa apartment namin after ng pag-uusap namin ayoko pa nga sanang umalis kasi hindi pa naman siya okay at gusto ko siyang alagaan pero kasi nag desisyon siya na dapatbukas na bukas makaalis na ng bansa sila Mommy.


Gusto nilang mag kakapatid na maging safe ang mga taong malalapit sa kanila dahil marumi daw maglaro ang mga Solanno at sigurado silang uunahin ng mga ito ang malalapit sa kanila.

Inalok nga ulit ako ni Zeph na sumama na lang sa pamilya ko pero buo na talaga ang loob ko hindi dahil gusto ko lang gantihan si Solanno kundi gusto kong samahan si Epione sa laban niya.

Pagdating ko sa bahay ay lumapit agad ako kay mommy na tulala pa din at hindi pa din nagsasalita hanggang ngayon.

"Oh! Kuya bakit nandito ka? Kala ko ba nag aadjust ka pa sa bago mong work? Naks! Congrats ha! Secretary ka, kahit pangit ka mag sulat," sambit ng nakakabata niyang kapatid na si Lallaina "Lala" Chelsea.

Dalawang taon lamang ang pagitan namin ni Lala, maganda ito, bilugan ang mga mata, may mahahabang pilikmata, may natural na mapupulang pisngi at may mahabang buhok.

At tama kayo ng nabasa hindi alam ni Lala na sumali ako sa mafia ang alam lang niya ay natanggap ako bilang secretary.

"Sira ka! Si Levi nasaan?" tanong ko naman dito ng hindi ko makita si Bunso.

"Andito ako kuya! Bakit? Naglalaro lang ako ng COD," sigaw naman ng bunso kong kapatid si Levi Cameron

Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko na kaidarin lang siya ni Cadmus, matangkad ito, crush ng bayan, matangos ang ilong at mapupula ang labi. Hilig din nito na magpaiyak ng kababaihan.

"Lumabas ka nga diyan sa kwarto at may sasabihin ako!" sigaw ko naman pabalik.

Ganyan yan si Levi kayang mag tagal sa loob ng kwarto ng buong araw na cellphone lang ang hawak.

"Bakit kuya? Anong meron? Ah! Oo nga pala kung yung loko mong best friend nag message sakin!" tsk bwisit talaga si Nate abat talagang popormahan ang kapatid ko kahit na ilang beses nang nabasted.

Nang makumpleto kami sa salas e hindi na ko nag paligoyligoy pa.

"Aalis kayo bukas nina Mommy, nalaman kasi ng CEO namin yung sitwasyon natin e ayun naawa ata kaya binigyan kayo ni Levi ng scholarship sa ibang bansa. Tapos si Mommy naman hinanapan nila ng magaling na therapist para daw kasama niyo pa din si My," sana lang wag na sila masyado mag tanong dahil hindi ko na alam kung ano pa ang ipapalusot ko.

"Ayoko kuya. Ayoko nga malayo sa mga tropa ko," saad naman ni Levi.

Ito na nga ba ang sinasabi ko e "Eh sayang naman atsaka hindi ka naman habang buhay yun siguro nga ilang buwan lang habang hindi pa okay si Mommy. Hindi ba matagal mo ng miss yung dating Mommy?" sagot ko naman dito na tinanguan lang niya.

"Kaya konting sacrifice lang muna bunso para kay mommy," dagdag ko pa

"Eh paano ka kuya?" tanong naman ni Lala sa kanya.

"Dito muna ako kasi syempre andito yung trabaho ko. Mabilis lang naman lilipas ang nga araw hindi niyo mamalayan mag kasama na ulit tayo," sabay gulo sa buhok niya ng mapansin ko ang pangingilid ng luha nito.

"Heto yung ticket niyo tsaka may ihuhulog daw yung company namin na pera para pang gastos niyo doon. Hindi niyo na kelangan mag dala ng mga damit yung mahahalaga na lang kasi meron na daw doon sa tutuluyan niyo," pagpapaliwanag ko naman buti nga hindi na sila nag tanong at nag ayos na lang ng ibang dadalhin nila.

"Mommy, mag pagaling ka doon ha. Gusto ko pag nagkita na ulit tayo ay okay ka na," bulong ko naman kay mommy sabay yakap sa kanya.

Ngayon pa lang nalulungkot na ako. Mabilis lang lumipas ang oras at heto na kami sa sasakyan papuntang Airport.

Bakas sa mga mukha ng mga kapatid ko ang lungkot dahil hindi man lang sila nakapagpaalam sa mga friends nila.

Parang ayoko na tuloy sila paalisin pero kasi tama sila Epione mas safe kung wala sila dito. Hindi ko makakaya pag may nangyaring masama sa kanila.

"Mr. Clyde, dito po ang daan papunta sa private plane ng Acheron," nanlaki naman ang mata ko sa binulong ng sumalubong samin sa parking.

Nagmessage lang din kasi sa akin si Cadmus na may sasalubong daw samin dito e pero hindi nila sinabi na may private plane sila.

Sumunod na lang din kami papunta sa sinasabi niya. At nagulat ako nang may makita pang ibang mga tao sa waiting area nakita niya ang iba nilang kasamahan na nagpapaalam din sa mga pamilya nila.

"Oi Pre, Andiyan ka na pala," bati sa akin ni Vince.

"Ano to Vince?" tanong ko sa kanya kahit na mukhang alam ko naman ang dahilan.

"Ah ganto ang Akeron kapag may malaking laban na parating sinisigurado nila na safe lahat ang pamilya ng mga member nila. Sabi daw kasi ng namayapang Mafia Queen ang pamilya ng member nila ay pamilya din nila at hanggang ngayon ganun ang ginagawa nila," bulong naman sa akin ni Vince.

"Ibang klase talaga sila" sagot ko naman.

Akala ko nga pamilya ko lang ang ilalayo nila kasi malapit naman ang pamilya ko sa kanila noon pero heto ang makikita ko.

Hindi na ko magtataka kung bakit sila ang nasa tuktok. Mga matatapang at nakakatakot ang mga ito pero umaapaw pa din ang pagmamahal nila sa ibang tao gaya ng dati.

Nag simula ng magpasukan ang iba sa eroplano kaya heto ako walang humpay sa kakabilin sa mga kapatid.

"Oi! Paalala ko lang ha kaya kayo pupunta doon ay para mag-aral at para sa therapy ni My. Baka mamaya pag balik niyo may boyfriend ka na Lala at may girlfriend ka na Levi naku malalagot talaga kayo sakin. Mag aral kayong mabuti doon ha. Kumain sa tamang oras. Tawagan niyo ako kapag may problema,"

"Ikaw din Kuya ha wag mong pababayaan ang sarili mo," saad ni Lala na umiiyak na ngayon.

"Napaka-iyakin talaga nitong si ate qkala mo naman hindi na magkikita ulit. Sige na kuya ako na bahala sa kanila. Uwian na lang kita ng chix ng makalimutan mo na si ate Athena," batukan ko nga,kalimutan ko ba naman daw si Epione.

Kung pwede ko lang sabihin na nakita ko na ulit si Epione kaso hindi pa pwede. Hindi muna sa ngayon.

"Sige na! Pumasok na kayo maiwan pa kayo e. Ingat kayo ha," at nilapitan ko naman si Mommy "My ingat kayo dun ha, mahal na mahal ko kayo. Ngayon pa lang miss ko na kayo," sabay hug ko kay Mommy at naki hug din naman yung dalawa kaya ayun nauwi sa isang group hug.

"Good bye for now,"

***

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon