CHAPTER 12: THE BEGINNING
***
Epione Point of View
"Oh ano pa hinihintay niyo?" tanong ko naman kay Liam at kuya na nakatunganga pa sa harap ko.
"Umalis na kayo, dahil mag aayos na ko. Magkita na lang tayo sa conference room," dagdag ko pa.
Wala dapat kaming sinasayang na oras. Heto na iyong matagal naming hinihintay ang makaharap muli iyang walang kwentang animal na si Solanno.
Ano kayang magandang plano? Saan kaya ako mag sisimula?
Nag madali na ko sa pag-aayos. Nagsuot lang ako ng black leather shorts at black tube na pinatungan ko ng white longsleeves plus black boots.
Mahalagang araw ito kaya dapat maganda pa din ako.
Kinuha ko naman ang baril ko at sinuot sa thigh holster ko.
Papunta na ko sa conference room ng mapansin ko si Liam na nasa may balcony parang malalim ang iniisip kaya nilapitan ko ito para kausapin.
Baka kasi kung ano iniisip niya tapos maging sanhi pa para sumablay ang magiging plano namin. Matagal na akong nag tiis habang minamanmanan ang mga Solanno at ayokong masayang iyon.
"Kung nag dadalawang-isip ka na pwede ka namang umatras," sambit ko sa kanya.
Mas pabor nga yun e kung hindi na siya sasama para hindi na siya mapahamak.
"No. Gaya ng sinabi ko kanina sasama ako. Iniisip ko lang ang mga kapatid at si mommy," kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala sa mga mata nito.
"Alam mo ba kung bakit malakas ang loob namin maghiganti?" tanong ko dito na umiling naman bilang sagot.
"Dahil wala kaming kahinaan. Dahil wala na kaming kailangang protektahan."
"Ha? Paanong walang kahinaan? Paanong walang kailangang protektahan? Eh ano pala ang mga kapatid mo? Ang tatay mo? Ang sarili mo? Hindi mo ba sila kahinaan? Ang sarili mo hindi na din ba kailangang protektahan?" sunod sunod nitong tanong.
Ang dami naman, Pasalamat siya good mood ako kaya masasagot ko iyang mga tanong niya.
"Noong umalis kami tinalikuran na namin lahat ng pwede naming maging kahinaan. Nag-ensayo kami maigi para protektahan ang mga sarili namin kaya hindi namin kailangang mag-alala para sa isat-isa dahil may tiwala kami na kaya namin ang mga sarili namin. At nangako kami sa isat-isa na kapag si Solanno na ang kaharap kahit buhay namin handa naming ialay."
Kaya nga tinalikuran kita kahit mahal na mahal kita dahil isa ka sa mga kahinaan ko. Isa ka sa gustong gusto kong protektahan pero mapaglaro ang tadhana at pinasok ka niya sa mundong to.
"Pero Epi--" hindi na niya na tuloy ang pagtawag sakin ng tignan ko siya ng masama.
"It's Dos," pagpapaalala ko sa kanya.
Kailangan niya na masanay na iyon na ang itawag sa akin. Kailangan niyang tanggapin na ibang tao na ko.
"At Liam, kahit ano pang sabihin mo wala na makakapagpabago ng isip ko kaya nga habang may oras pa umatras ka na lang. Wag ka na sumama sa mission na ito at ipaubaya mo na sa amin ang laban," sabay walkout.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...