CHAPTER 17

22 11 6
                                    

CHAPTER 17: POISON

***

Liam Point of View

Nakalingon lang ako ngayon sa likod ng sasakyan para tignan sina Epione kung okay pa ba sila.

Si Nate naman heto at nalagyan na niya ng tela ang sugat niya para kahit papaano mabawasan ang pagdurugo ng sugat niya namumutla na din ito at halata na ang panghihina.

"Tres, hindi ba pwedeng sa ospital na natin sila dalhin o kaya kahit sa maliit na clinic lang?" tanong ko naman kay Cadmus

Nag aalala na kasi ako sa mga kasama namin dito sa sasakyan e.

"Hindi pwede, labag yun sa rules ng organisation. Tinawagan ko na din yung mga Doctor na member natin at papunta na din sila sa hideout. Malas nga lang natin dahil ang layo nito sa hideout," sagot naman nito.

At lumingon lang ulit ako sa kinaroroonan ni Epione. Nakita ko naman si Epione na kinuha yung puting telang nakabalot sa air bed at pilit itong pinupunit.

Halata na din sa kanya ang pang hihina pero patuloy pa din siya sa pag punit nito at ng magawa niya lumapit siya kay Zeph at tinali ito sa may tiyan niya na may saksak.

Nakita ko naman siya na tumayo at parang may hinahanap. Bigla din nag ring ang phone ni Cadmus.

"Hey! Asan yung med kit dito?" tanong ni Epione.

"Okay lang ba kayo? Gusto niyo ba sa clinic na lang? Mag-eexplain na lang ako kay King," sambit naman ni Cadmus.

Handa na siyang labagin ang rules ng mafia sa pagaalala sa mga kapatid niya.

"Tigilan mo ko Tres! Just tell me where is the fucking med kit?! Oh! Dont bother. I found it," halata naman sa boses niya ang saya ng makita niya ang medic kit.

"Cadmus, I know na may alak ka sa sasakyan. Nate! Give it to me," utos naman ni Epione.

"What?! Are you nuts? Nakuha mo pang mag-inom?" tanong naman ni Nate kay Epione.

Buti sinabi niya iyon kasi yun din ang sasabihin ko. Anong trip ng babaeng to? Uhaw lang?

"Just give me that fucking liquor!" galit na sigaw na ni Epione na kahit hindi sa call e rinig na ang boses niya mula sa likod na sasakyan.

Kumilos naman agad si Nate at binuksan ang bintana sa likod niya at iniabot kay Epione yung alak.

"Okay bunso, I need you to slow down. This bullet need to get out," sambit naman ni Epione.

"No way! You will not do what I'm thinking right?" tanong naman ni Cadmus.

Bakit ano bang balak niya? Hindi naman niya siguro aalisin ang bala ng mag-isa hindi ba? Hindi naman siguro siya nasisiraan ng bait?

"Yes way! Kaya slow down kung ayaw mong paputukan ko yung gulong mo!"

Sinunod naman siya ni Cadmus at ako tutok na tutok lang sa balak gawin ni Epione.

Nakita ko naman na binuhusan niya ng alak yung parang tweezer at pati na din yung sugat niya.

Napasigaw naman siya sa sakit na nararamdaman niya. Kapansinpansin din ang pagtulo ng luha niya.

"Cadmus stop the car. Pupuntahan ko sa likod ang ate mo," hindi ko na talaga matiis kaya pupuntahan ko na siya.

Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan. Buti na lang hindi na nagmatigas si Cadmus kaya mabilis kong tinakbo ang likod ng sasakyan at pinaandar agad ito ni Cadmus.

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon