CHAPTER 11: INVITATION
***
Epione Point of View
Ano ba nangyari doon sa lalaking iyon sa halip na makapagpahinga na kaming lahat e ang dami pa niyang dinaldal. Napaka-OA pa din talaga niya.
Nakakaasar. Bakit kasi sumali sali pa siya dito e makakita lang siya ng dugo lumalabas na pagka-OA niya e paano na lang kung nasa warzone na siya.
"Kamusta naman ang supremo namin ha? Hindi ka naman ba kinawawa noong OA na yun?" heto ako at nilalambing ang pinakamamahal ko. Aysus.. wag kayong basher ha for sure madami dito mga fur moms, ramdam niyo ko alam ko!
At kasabay ng walang humpay na paglalambing kay supremo ay nakapunta na ko sa dreamland.
Nagising na lang ako nang may na rinig akong naglalakad sa loob ng kwarto ko kaya dahan dahan kong inabot ang baril ko at sinigurado ko na hindi makagawa ng ingay habang lumalapit sa taong yun.
Tutok na tutok ang baril ko nang biglang humarap ang lalaki "Shit!" sambit niya.
At napamura na lang din ako sa isip ko at ibinaba ang baril ko sa mesa. Ngayon lang ata ako kinabahan ng ganito. Paano kung na iputok ko ang baril ko?
Kitang kita din sa mukha niya ang takot at kaba.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?!" tanong ko dito.
"Eh ano pa ba edi pinapakain si Supremo. Ano ba role ko hindi ba bodyguard nitong Supremo na ito at kasama na doon ang pagpapakain sa kanya. Hello.. Nasa listahan mo yun tapos babarilin mo ko?!"
Ang dami niyang sinabi.
"Sana kasi marunong kang kumatok hindi ba?!"
"Abay hoy babaeng nagpapatibok ng puso ko! Tandang tanda ko pa noong kumatok ako sa kwarto mo habang tulog ka. Galit na galit ka at gustong manakit tapos hindi mo ko kinausap for one week. Yung iba pag nasira ang tulog bad mood lang ng isang araw samantalang ikaw isang buong week tapos gusto mo kumatok ako? Edi hindi mo na naman ako kinausap okay na iyang magalit ka atleast kinakausap mo ako. Ayos ba?" nakangiti niyang tinapos ang akala ko wala nang katapusan na litanya niya.
Napailing na lang ako at napasapo sa noo ko. Tinalikuran ko na lang siya at bumalik na lang sa higaan ko at balak ko na sanang matulog ulit kaya lang-
"Dos! Dos! Ui! Princess! Bumangon ka diyan!" sigaw ni Kuya
"What the fuck is wrong with you people?!" sigaw ko din na sagot sa kanya.
Kanina pa nila iniistorbo ang tulog ko, konti na lang lang talaga sila na ang papatulugin ko! Mga bwisit talaga.
"Nakakuha ako ng invitation," sambit ni kuya Zeph
***
Liam Point of View
Tutulog na sana ulit si Epione kaya lang dumating si Zeph. Hindi ko na kasalanan yun ha.
"Invitation? Para saan? Bakit mo pa sinasabi sakin? Pwede ba kung gusto mo mag-attend ng party, edi go! Huwag kang istorbo sa taong gustong matulog ng tahimik!" sigaw naman ni Epione.
Huhu masisira ata ang eardrums ko bakit ba kasi lagi siyang nakasigaw. Kung hindi naman nakasigaw lagi naman siyang walang reaction at parang walang pake.
"Solanno, is also invited to this event. Kung ayaw mo edi sige ako na lang mag-isa. Sleep well little sis. "
Agad na agaw ni Zeph ang atensyon ko dahil sa sinabi niya.
Solanno?
"Solanno as in si Solanno?" tanong ko naman sa kanya.
"Yup. The one and only," sagot naman ni Zeph. "Sama ka?"
"Malamang, hindi ko papalagpasin yan at walang makakapigil sakin," lingon ko naman kay Epione dahil for sure pipigilan niya ko.
"That's great atleast hindi ako mag-isa," sagot naman ni Zeph at parang iniintay na may sabihin si Epione.
"Sigurado ka bang dadalo iyang Solanno na yan? Anong event yan? Sino organizer?" sunod sunod na tanong ni Epione at seryosong seryoso na ngayon, bakit ba kahit ano reaction niya ang ganda ganda pa din niya. Ay naku! Liam! Erase! Erase!
Focus tayo sa pinag-uusapan, si Solanno yan ang sumira sa buhay niyong lahat. Okay! back to the reality.
"Auction ng ibat-ibang mamahaling alahas. At ayon sa nakalap kong information lahat ng mga kilalang tao ay dadalo, tingin mo hindi papatusin yun ni Solanno?"
"Hindi niya yan papalampasin, kung tama nga ang nakalap mong information for sure gagamitin niya yang event na yan para makakuha pa ng mga kilalang taong papaikutin niya sa mga palad niya."
Kilalang taong papaikutin niya sa mga palad niya? Parang kami lang ginamit at pinaikot niya at pagkatapos kinuha samin ang lahat. Kaya hindi ako papayag na hindi mabawi ang pinaghirapan ni Dad.
"Dos, this is it. Eto na ang pinaka hihintay natin," nakangising sambit ni Zeph.
At ngumiti din naman si Epione, no scratch that dahil ngayon katauhan ni Dos ang nakikita ko. Isang ngiting nakakapanindig balahibo. Nakakatakot. Isang ngiti na parang pinapahirapan na niya si Solanno sa isip niya.
Ito na ata ang binabanggit nilang lahat. Wala na nga ata ang Epione na nakilala ko.
"We need a plan," Sambit ni Epione
Simpleng sentence lang pero bakit parang kinakabahan na ako? Bakit parang hindi ko magugustuhan ang plano na gagawin nila?
"Oh Clyde, para ka namang nakakita ng multo diyan. Ano sasama ka pa ba?" tanong ni Zeph na nakapag pabalik sakin sa realidad hindi ko namalayan nakatulala na pala ko.
"Kung natatakot ka kung hindi ka sigurado, Wag ka ng tumuloy dahil sisirain mo lang kung ano man ang magiging plano. Hindi namin kailangan ng taong hindi buo ang loob," seryosong saad ni Epione.
"Sasama ako Dos."
Nakita ko naman ang gulat ni Zeph sa pag tawag ko ng Dos sa kapatid niya pero si Epione parang normal lang sa kanya na tawagin ko siyang Dos. Nagbago na nga siya.
At dahil doon mas lalo lang dumami ang kasalanan ni Solanno sakin dahil pinatay niya ang isang parte ng pagkatao ng taong mahal ko.
"Wait for the biggest revenge of all time!" sigaw ni Uno at tumawa pa nga.
***
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...