CHAPTER 13: BEST FRIENDS
***
Epione Point of View
Today is the day. Ngayong araw sisimulan ang mga plano namin.
Gustuhin ko man tapusin na agad si Solanno ngayong araw kaso hindi pwede ang tagal naming binuo itong plano na ito.
Sa mga planong gagawin namin, sinisigurado ko na si Solanno na mismo ang hihiling na sana hindi na siya na buhay pa sa mundong to.
Ni hindi nga niya na pansin na malapit lang kami sa kanila. Buti na lang din talaga na code name lang namin ang ginagamit namin lalo na sa mga transaction sa underground battle at sa mafia society.
Buti na lang din at bago pa kami bumalik dito sa Pilipinas ay pinalitan na namin ang pangalan ng Mafia from "Kage" (Shadow) Mafia to Akeron Mafia.
Nakatulong din ang paggamit namin ng Peres as a surname before kaya wala talagang alam si Solanno na Acheron talaga ang tunay naming surname.
Ang alam ni Solanno ay patay na din kami.
Naghahanda na ko para sa Auction mamaya. Suot ko lang ang isang black long tube gown with slit sa isang side at binagayan ko din ng black high heels. Kinulot ko lang ang dulo ng buhok ko at hinayaan lang na nakabagsak ito.
Sa ilalim ng gown ko sinuot ko ang thigh holster ko at inilagay ko dun ang pistol gun ko na si Winter in case na mag kainitan lang.Palabas na din sana ko ng biglang may kumatok sa kwarto.
***
Liam Point of View
Andito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Epione para sunduin na siya. Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil binuksan niya din naman agad ang pinto noong kumatok ako.
Hindi na nga sana ako kakatok e kaso baka kasi alam niyo na nagbibihis pa pala siya o ano.
Halos hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko e paano ba naman kasi mas lalo siyang gumanda. Mas lalo siyang nag mukhang elegante. Simple lang yung make up niya pero bagay na bagay talaga sa suot niya. Hindi ko maexplain ng maayos! Basta ang ganda niya.
Hindi ko maalis ang titig ko hanggang sa mapunta na yung tingin ko sa labi niya. Shet! bakit kasi ang hot niya ngayon. Gusto ko tuloy angkinin ang mapupula niyang labi.
"Tigilan mo ang iniisip mo at mag focus ka sa plano ngayong gabi," pagpuputol naman ni Epione sa mga naiisip ko.
Tama Liam focus! Focus! Focus... Arghhh bakit kasi napapatingin ako sa labi niya e. Hirap mag pigil!
Nagulat naman ako nang lumapit siya para ayusin ang bow tie ko. Napapalunok na lang ako sa sobrang lapit niya.
Liam, mag pigil ka kung ayaw mong paglamayan ka bukas ng pamilya mo.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...